Neo's pov.
(Flashback)
"Dude, balita ko nomination of class officers mamaya. English time." biglang sabi ko sa kanya.
"Ah? Ganun ba dude? Di pa nga natin kilala ang iba eh, pero may gusto akong makilala." Sagot niya
"Sino naman dude?" Tanong ko
"Yung kaaway mo nung isang araw, yu-yung.." Pautal utal niyang sambit..
Tinitigan ko lang siya at pinag taasan ng kilay, ibig kong sabihin ay magpatuloy sa kaniyang dapat sabihin.
"Yung maganda.. Si Ma- Lopez. A-ayun!" Utal na utal niyang sambit.
"Aahhh! Yun ba pare? Oo sige suge ipapakilala kita sak--" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng napansin niyang dumating na pala si Marianne.
"Shh, maya nalang. Ge" at nagsulat sulat nalang siya sa kanyang notebook.
"Hoooy neey!" Pasigaw na bungad ni Marianne,jusko kagandang babae kung magsalita parang tambay hays sayang.
"Oh?" Ngiting tugon ko.
"Wala lang. Goodmorning hehehe" baliw talaga -.- "Nandiyan na ba si Maam Pollskie?"
-.-
"Wala pa, umupo ka na." Alok ko sa kanya ang upuan sa tabi ko na pinagigitnaan namin ni Stephen.
I grinned, ng makita kongsi stephen na nagmulat ng mata ng makitang umupo si Marianne sa gitna namin.
"Wuahahahaha" malakas kong tawa, binatukan naman ako ni Marianne. Nagulat naman si Stephen at sumenyas na tumigil ako. Hehee
Sadistang babae ka!!! Sigaw ng utak ko.
"Ang ingay moo! Andiyaan na si Maam oh" sabay tingin ko naman sa pintuan kung saan pumasok na nga si maam.
"Magandang umaga po Binibining Jimenez." Magalang na bati naming lahat.
Ayun nagklase na nga si Maam, ayun wala naman akong gana makinig so nilaro laro ko nalang yung ballpen ko.
(End of Flashback)
Sabado ngayun, at bother na bother parin talaga akooo! Dahil hindi ko pa matinong nakakausap si stephen patungkol sa nararamdaman niya kay marianne. Amp! Pabalang kasi talaga siyang sumagot kapag tinatanong ko eh! Huhuhu. Ilang araw ko na siyang kinukulit tungkol don ngunit WALA! WALA AKOG NAKUHANG MATINONG SAGOT! AGGGHHH!
Napabangon nalang ako at napahilamos sa mukha ko.
Naligo na ako at nagbuhis pang basketball may usapan kasi kami ni James na magbabasket kami ngayun may dayo eh! Hahaha
Sinilip ko ang sarili ko sa salamin at kumindat.
"Naks, ang gwapo mo talaga neo!" Pailing iling na papuri ko sa sarili ko. HAHAHAHAHA oh ano? Papalag ka?
Bumaba na ako at sinalubong ako ng kapatid kong si Nea Chloe.
"Kuya, laro tayo bahay bahayan!" Nakangiting anyaya niya sa akin.
"Nakoo, pwede mamaya nalang? May usapan kasi kami ng kuya james mo eh? Promise maglalaro tayo okay?" Tugon ko sa kanya, nakanguso naman siyang tumango.
Haha ang cute talaga ng kapatid ko mana sa kuya tsk. Ginulogulo ko yung buhok niya at dumeretso kay mama para magpaalam. Tapos lumabas na ako ng bahay.
Paglabas ko nakita ko si Aubrey kasama yung squad niya. -.-
"Neyy! San punta mo?" Tanong niya.
"Court." Tipid na tugon ko.
"Anong gagawin mo dun?" Tanong niya. WTF?
"Siguro mag aaral ako dun ng geometry. Obvious ba? Ano bang nilalaro sa court? Oo marami ball games, eh ang kaso naka JERSEY AKO AT BASKETBALL SHOES! ano sa tingin mo agawin ko dun?" Mahabang asar na asar na sambit ko sa kanya. Tinawanan naman nila ako.
Tsk mga babae.
"Aish bahala nga kayo dyan" sabay tinalikuran sila at nag jog papuntang court. Sakto andun na nga sila James at mga dayo.
"Oh ano na? Mag sisimula na ba?" Tanong ko sa kanya
"Woooah! Pang NBA FINALS pormahan natin uno ha? Anong meron? Hahaha!" Pag aasar niya sa akin.
"Ulol! Ganiyan talaga kapag pogi dapat panindigan" sabay nag pogi face sa kanya. Sabay naman kaming natawa.
Nag start na ang game.
A/N: Since wala masyadoakog alam sa basketball, hindi ko na ieexpalin hehe."
52-72
Natapos ang game at Panalo kami! Syempre di na to bago, hays.
Naupo kami ni James sa bench at uminon ng tubig.
"May assignment ba?" Biglang tanong niya.
"Wow! Sino kaa! Umalis ka sa katawan ni James! Ibalik mo si James!"biro ko sa kanya
"Ulol ka talaga dre hahaha! Ano meron ba?"
"Change is coming" tango tango kong tugon. "Wala naman dre, hahaha".
Umuwi na ako ng bahay, at agad na naligo at nakipaglaro sa kaoatidko As promised hehe. Goodboy to eh!
Lumipas ang Linggo at nagising nalang ako na Lunes na.
Nasa school na ako at pagdating ko doon ay nandoon na si Narianne Bago to ah! Naunahan pa niya ako. Hahaha!
"Goodmorning Philippines!!" Pasigaw na bungad ko sa lahat pagpasok ko. Gulat naman silang napatingin sa akin at natawa.
Eh? Bakit ba! Ang gwapo ko eh! Amp, padabog naman akong naupo. Sa tabi ni Stephen.
Bumuntong hininga ako para mapansin ako nitong katabi kog ulul. Ngunit tumitig lang sya sandali sa akin at nagsulat sulat nanaman siya sa notebook niya.
TT_TT
Ang sama nito!
"Huuy! Pansinin mo ko!" Kinuha ko ang ballpen niya.
Tinignan niya ako ng napakasama, kaya nagkusa ang kamay kong ibalik ang ballpen niya sa desk niya. Woooh scary.
"Huhuhuhu walang gustong kumausap sa akin TT_TT" sigaw ko sa classroom.
May babae namang tumingin siya lang. Siya lang talaga ang tumingin sa akin. Di ko pa siya kilala. Hindi siya katangkaran, maputi, napakaputi niya at-- at maganda! Woaaaah. Pero mas maganda parin si kate so baliwala nalang sa akin.
Hanggat sa dumating ang lecturer namin at umusad na ang klase
YOU ARE READING
Author's Own Love Story
RandomMay kanya kanyang love story tayo, yung ibang love story nauuwi sa happy endings, yung iba naman pagiging sawi ang ending. Eh ang love story ko? san nga ba papunta to? ay ewan. idadaan ko nalang nga sa storyang to. Actually, Love story ko talaga i...