Chapter 1

672 5 1
                                    

"Nak, baba na. Kain na" sigaw ni mama mula sa baba. Nandito kasi ako sa kwarto ko,  kakagising lang hehe.

Cathereena Athena Herana is my complete name but most of my friends call me "Cath" but my closest friends call me "Yna" ohyeahright. 😂😂 actually Cathereena pangalan ni mama ewan ko kamukha ko daw kasi sya nung baby pa sya tas nung lumaki na ako [ewan ko kung lumaki nga ba talaga ako sa height kong to] mas lalo ko daw syang naging kamukha kaya pinangalan nya sakin yung pangalan nya. Ang saya nuh? Ang saya-saya talaga. ^______^

"Anjan na po" sigaw ko rin para marinig nya at hindi na nya ako tawagin ng paulit-ulit.

"Nasan si fader?" Tanong ko pagkababa ko. "Ah, ewan ko kung nasan sya" sagot naman nya.

Heto na kami't kumakaing dalawa. Ewan ko kung nasan si papa baka naglakwatsa na naman. Nahahawaan na ni Dora. Habang kumakain kami may napansin akong isang itim na parang invitation sa ibabaw ng tv "ma?" Tawag ko sakanya lumingon naman sya na punong-puno ng pagkain ang bibig "ano po yun?" Tanong ko, referring to the invitation uminom muna sya ng tubig bago sumagot "ah yan ba?" Tumayo sya at kinuha ito "invitation, ewan ko kanino galing. Nakita ko lang sa labas ng gate pagkagising ko" paliwanag nya. Nagtaka naman ako, sino naman kaya ang nagpadala nyan? Nakakapagtaka but nevermind tinapos ko nalang ang pagkain ko at dumiretso na sa banyo para maligo.

"Ma, alis na po ako. Mag-ingat po kayo. Just call me if you need something okay?" "Grabe ka naman, ikaw ba nanay dito? Ikaw ang mag-ingat okay?" -mama. Nagpaalam na ako sakanya at naglakad na palabas.

Chapter 2

Hayst! Ang laki naman ng school na'to. Nagtataka ba kayo? Haha. Nandito na nga pala ako sa tapat ng school na papasukan ko. Infairness maganda sya at malaki. Ewan ko kung bakit ako nag-aral dito, ayun kasi sa source ko matitinong tao daw ang mga estudyante dito at dahil sa ako ay pinanganak na puno ng kyuryusidad pumasok ako dito at guess what? Kabaliktaran ng pangalan ng paaralan ang ugali ng mga estudyante dito, like dhuh! Sino bang buang ang nagpangalan sa paaralang ito? "Matino University" lang naman ang pangalan ng school na'to pero bakit ganon? Pinangalanan ba nila ito ng ganon para makaattract sila ng estudyante? Haha. (Parang hindi naman ako nabiktima haha)

Pumasok na ako sa school at hinanap ko ang schedule ko sa mga bulletin board. At ayun nga, I fin'lly found my name pero section B nga lang pero okay lang kesa naman sa lower section ako napunta, I don't deserve it haha. Habang naglalakad ako sa corridor bigla nalang nagsigawan ang mga stupidyante esty estudyante at nagsitakbuhan pababa may narinig pa nga ako na sumigaw ng "Fafa fugeee" huh? Hanudaw? Amfufu ng fangalan. Well hindi ko na pinansin ang mga stupident na yun at nagpatuloy nalang ako sa paghahanap nung classroom ko "DBR 9" ang room ko and fin'lly malapit na ako haha tanaw ko na ang room ko katabi lang pala ng hagdan sa kabila, sana dun nalang ako dumaan para mas mabilis pero bago pa man ako nakarating may narinig ako na isang lalaki na may kausap sa telepono, nagstop ako saglit at pinakinggan sya "Make sure na walang maiiwang ebidensya sa bahay na yan. Yang buong pamilya na ang iligpit nyo at wag na kayong magtira pa kahit isa.... ano? Wala yung anak nila, pati yung ama? P**ta naman oh. Sige2x patayin mona kung sino man ang nanjan... sige2x tatawagan nalang kita. Kakausapin ko lang muna si boss para ipaalam ito sakanya" ibinaba na ng lalaki yung telepono at lumingon-lingon muna sya sa paligid, sinigurado nya na walang nakakita sakanya bago sya nagdiretso sa classroom nya. Nakita ko na dun sya pumunta sa classroom na dapat ay papasukan ko rin. "Magkaklase kami?" Tanong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko sa room ay hinanap agad ng mata ko ang lalaki na nagsasalita kanina pero hindi ko naman kasi sya namukhaan kaya hindi ko sya makita. Pero tanda ko naka violet sya kanina pero pagpasok ko hindi ko sya makita dito, hindi naman siguro malabo ang mata ko at hindi rin ako color blind para magkamali na nakaviolet sya. Hayst! Siguro sa kabilang room sya napasok mejo malayo kasi yung dinaanan ko dito sa room kaya siguro akala ko sa room ko sya pumunta. Naghanap na lang ako ng bakanteng upuan, may nakita akong bakanteng upuan sa may bintana at tada nandito na ako at nakaupo haha! Bilis noh? May lahi kasi akong [May alam ba kayo na SH na mabilis kumilos? Kung meron yun ang sinasabi ko na lahi ko]  kaya mabilis akong kumilos.

Lumipas ang ilang oras may dumating na titser. Nga pala, walang pumasok na titser sa 1st subject ko kaya 2nd subject kami nagsimula. Okay enaf! Daming satsat di tuloy makapagsalita si sir.

"Magandang umaga, ako nga pala ang magiging guro ninyo sa klaseng ito kaya inaasahan ko ang partisipasyon ninyo. Magsimula na tayo sa pagpapakilala pero uumpisahan ko muna sa sarili ko, ako nga pala si Prof. Noel Makata, dalawamput walong taong gulang. Natapos ko nga pala ay AB Filipino at nag-aral ulit sa kursong BS Psychology kaya nga mahirap akong maloko dahil nababasa ko isipan ng isang tao. Tayo na't mag-umpisa sa unahan."

Tumayo na ang unang magpapakilala at nag-umpisa na syang magsalita. Wala naman akong naintindihan sa mga pinagsasabi nya kasi bigla ko na namang naalala yung nangyari kanina. May naramdaman akong kaba at takot, pakiramdam ko may mali eh, hindi talaga ako mapakali. Hindi kaya pamilya ko yung pinag-uusapan nila? Sabi nung kausap nya wala dun yung anak at ama? Wala din kami dun ni papa? Hala!? Kami ba tinutukoy nila na papatayin nila? Nakabalik lang ako sa katinuan ko ng bigla akong tawagin ni sir. Tumayo naman ako at pumunta sa unahan upang magpakilala "Magandang umaga mga kaklase [sa totoo lang ang oa talaga magpakilala kapag tagalog mas prefer ko magenglish haha] Ako nga pala si Cathereena Athena Herana, labing walong taong gulang na ipinanganak sa 143 Malinis street." Pagkatapos nun ay umupo na ako napatigil na lang ako ng bigla akong tawagin ni sir "Ms. Herana?" Napatigil at napalingon naman ako sakanya "Po?" May halong pagtataka, ngumiti nalang sya at umupo na ako sa upuan ko.

Nandito nga pala ako sa cafeteria kung saan kasalukuyan akong nakapila para bumili ng pagkain. Nabobored ako kasi wala akong kasama, si May Anne kasi bukas pa daw makakapasok huhu. Pagkakuha ko ng pagkain ay naghanap na ako ng bakanteng upuan, marami na kasing estupidyante, nalate kasi akong pumunta dito, ang tagal kasi magdiscuss ni maam Chem. -.- nang makakita ako ng bakanteng upuan ay bigla nalang may umupo 'argh dafaq' bulong ko. Naghanap-hanap ulit ako, nakakaubos naman ng oras to. Bakit ang konti ng upuan dito? nagtitipid ba sila? Ang laki-laki pa naman ng eskwelahang ito. Sa wakas at may natapos na ring kumain at umalis na agad naman akong tumakbo sa upuan nya baka kasi maunahan na naman ako.

*kriiiiiiiiiiing*

Hayst! Ang bilis naman ng oras. Nakakadalwang subo pa lang ako nagbell na. -.- naubos oras ko sa kakahanap ng mauupuan eh. Sa susunod talaga aagahan ko pagpunta dito. -.- naglalakad na ako papunta sa next class ko ng bigla akong higitin ni sir ... sino  ba to? Dalawa kasi yung pumasok na sir kanina at nakalimutan ko kung anong subject sila. Makakalimutin talaga ako. (>.<)

"Sssh! Wag kang maingay. Just follow me" hindi naman ako nagreklamo, sumunod nalang ako sakanya. Hindi ko alam pero parang komportable ako sa lalaking 'to. Parang may nagsasabi sakin na pagkatiwalaan ko nalang ang taong to. Huminto kami sa isang hindi ko alam kung san 'to. ^____^, basta may puno dito, maraming dahon at presko. Siguro tambayan to ng mga estudyante at dating place na rin at the same time, may mga nakikita kasi akong mga nagdedate na estudyante, hindi pala to bawal dito? Maghahanap nalang ako ng makakadate ko total libre palang makipagdate haha. Ano kaya feeling nun? Haha gusto ko maexperience yun. ^____^ nasa kalagitnaan na ako ng imagination ko ng bigla akong sapakin ni sir. O.o joke hindi nya ako sinapak, tinapik nya lang ako sa balikat "ah... eh... hehe" yan nalang ang nasabi ko "You must be careful" "huh? 0.0" nagtataka kong sagot "If something will happen, just call me or see me in the office" pagkatapos nun ay umalis na sya. Naiwan naman akong nakatulala. Ano ba pinagsasabi nya? -_-///

Chapter 3

"Ma!?" Pagdating na pagdating ko sa bahay e tinawag ko agad si mama sinigurado ko na maali yung inakala ko at nakahinga ako ng maluwag ng sumagot si mama "Oh anak bakit hingal na hingal ka? May humahabol ba sayo?" Pag-aalala ni mama. Sa totoo lang tinakbo ko talaga ang school papunta dito sa bahay pero joke lang. Mula dun sa crossing papunta dito sa bahay, hindi na ako sumakay ng trisikel kasi wala namang dumadaan, hindi talaga kasi ako mapakali akala ko may nangyari kina mama, buti nalang pala mali ako ng akala huhuhu.  T_____T

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Nerdy GangsterWhere stories live. Discover now