Epilogue

47.8K 1K 136
                                    

She placed the Vessel of the ashes of the cremated body sa harap ng altar. The urn came from the museleo yesterday. Pero mas pinili niyang dito nalang sa bahay nila ilagay iyon. Masakit sa kanya, pero dahil sariwa pa sa kanya ang sugat, sariwa pa rin sa kanya ang lahat.

Naalala niya, halos ikamatay niya ang araw na iyon. Nanlulumo siya at pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nag iisa. Pinawi niya ang luha at saka nilingon ang hagdan. Five years ago, mas pinili nalang nila na dito sa Pilipinas manirahan. Nakamit na niya ang hustisyang matagal na niyang inaasam.

Naramdaman niya ang pagdantay ng isang palad sa balikat niya. "Mom... " Nilingon niya ang anak na si Onie. Bihis na ito. Ngayon ang graduation nito. Gagraduate na ito ng elementarya.

"Are you ready?" Pinawi niya luha at ngumiti dito. Nagbibinata na ang anak niya.

Tumango ito. "Thank you Mom. Salamat sa pag aalaga at pagmamahal sakin. Mahal na mahal kita." Niyakap niya ang anak niyang malapit na siyang malakihan. Halos kapantay na niya ito.

"Mahal na mahal din kita anak... "
Gumanti ito ng yakap. Magsasalita pa sana ito ng sabay silang napatingin sa itaas ng hagdan. May sigawan silang naririnig doon. Mabilis silang umakyat ni Onie. Only to see her Sons brewing each others. "Aries! Taurus!"

Sabay napahinto sa paghahampasan ng unan ang dalawa ng makitang nakapamaywang siya. Mabilis na nagyuko ng ulo ang limang taong gulang na kambal. "Anong ginagawa niyo? Nagaaway na naman ba kayo?"

May humawak sa laylayan ng damit niya. Niyuko niya si Pisces na bakas ang pagkagising. Kakambal nito si Aries at Taurus. "What happened Mom? Why you shouting them?" Tanong nito na pupungas pungas pa.

She ruffled his hair. "It's nothing honey. Sinasaway lang ni Mommy ang mga kapatid mo." Tinignan niya ang dalawa na nasa kama. "You too. Take a bath. Aalis na tayo pero ang pag aaway pa rin ang ginagawa niyo."

"Siya kasi eh!" Nagtuturuan pa ang dalawa.

Matapang na humarap si Taurus. "It's you. Ginigising mo ako agad. You waking me up in a rude manner." Akusa ni Taurus kay Aries.

"I'm only doing that because you're sleeping like  a log!" Sagot ni Aries.

Naririnding inawat niya ang mga ito. "Enough! Aries! Taurus! Magsorry kayo sa isa't isa."

"Honey.. What happened?" Napalingon sila ni Onie sa pinto. Naroon nakatayo si Jorge habang karga si Virgo. Ang dalawang buwan na gulang nilang anak na babae. Lumapit siya sa asawa at kinuha si Virgo. Sa kagustuhan nila na magkaroon ng anak na babae ay triplets na lalaki ang nauna.

"Same old morning story." Sabay bugtong hininga niya. Nilapit nito si Aries at Taurus. Both of them are hard headed. Kakaiba kay Pisces na tahimik at mapagpasensya.

Five years ago. Limang taon na ang nakakalipas mula ng makaligtas si Jorge. Ang akala nya talaga ay kukunin na ito sa kanya. Pero mabait parin ang Diyos sa kanya dahil iniligtas ito. Pero kasabay ng pagbabalik nito ay ang pagkamatay naman ng kanyang ina. Dead on arrival daw ito ng may makarescue. Dala ng pagkaubos ng dugo niya. Kaya naman ang mga abo nito ay mas pinili nalang niya na dito sa bahay nila.

Nagpakasal sila ni Jorge pagkatapos nitong makarecover. Alam niyang mabilis pero sa dami ng isinakripisyo nito para sa kanila ni Onie. May masasabi pa ba siya? Wala na. Sapat na ang mga ginawa nito para patunayan na mahal na mahal siya nito.

Nakita niyang kinakausap nito anh kambal. Maya maya'y lumapit sa kanya ang dalawa. "Sorry mommy.. " sabay na sabi ng dalawa. Niyakap niya ang mga ito. "Ayoko lang na nag aaway kayo palagi. Magkapatid kayo diba?"

" I love you mommy.. " Sabay na yakap ng mahigpit ni Taurus at Aries sa kanya.

Humalik sa buhok niya si Jorge. Tiningala niya ito. "Ako na ang magpapaligo sa kanila. Magready kana." Tumango ito at sabay silang lumabas nina Onie ng silid.

Nang matapos niyang paliguan ang tatlong kambal ay bumaba na sila. Naabutan nila sa garahe si Onie at Jorge. Karga naman ng asawa niya si Virgo. Natutuwa siya na lumaking mabuting bata si Onie. Salamat sa pagmamaahal ni Jorge.

Mas pinili nilang itago muna kay Onie ang totoo sa pagkatao nito. Ang alam lang nito ay patay na ang tatay nito na siyang totoo. Dahil napatay mismo ni Gregory si Cesar Andres. Samantalang nakakulong naman si Martin magpahanggang ngayon. May tamang panahon para malaman ni Onie ang katotohana. Sapat na, na wala muna itong alam ngayon. Isa pa, mas pinili nilang maging masaya nalang kaysa ang isipin ang kung ano anong problema.

"Ang ganda ganda naman ng misis ko." Sabi ni Jorge nang makalapit na sila dito. Humalik ito sa labi niya kaharap ang mga anak nila.

Siniko niya ito. "Bolero. Nagpolbo at lipstick lang ako." Aniya na natatawa.

"Mom lagi ka namang maganda sa paningin ni dad eh." Dagdag pa ni Onie. Sabay sabay silang sumakay sa sasakyan patungo sa school kung saan magtatapos si Onie.

Tumingin si Jorge ky Onie. Totoong maganda ang mommy mo. Kaya mahal na mahal ko yan eh." Pinamulahan siya ng mukha.

Larawan sila ng masaya at buong pamilya. Larawan sila ng kompleto at nagmamahalang pamilya. Sina Onie, Aries, Taurus, Pisces at Virgo ang kabuuan ng buhay nila. Walang saysay ang buhay nila kung wala ang mga anak nila.

Ginapgap ni Jorge ang palad niya. "Salamat sa limang taong pagmamahal at pag aalalaga sa pamilya natin. Salamat sa pagmamahal mahal ko. " Bulong nito.

Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito. "Marami ring salamat sa limang taong buhay na isinakripisyo para sa akin at sating mga anak. Lalo na kay Onie."

Humalik ito sa noo niya. "I love our son unconditionally. He may not be my real Son. Pero nanalaytay sa ugat niya ang dugo ko. And that's makes me as his real dad." Nangilid ang luha niya dahil sa sinabi nito.

Maswerte talaga siya na ito ang nakatagpo niya. Wala na siyang mahihiling pa. Ang katotohanan nalang sa likod ng pagkatao ni Onie ang iisipin nila pag dating ng panahon.pero kung posible, dadalhin nila iyon sa kabilang buhay. Wag kang masaktan ang anak nila.




-----------

Dear Dioann,

Thank you for allowing me to use your name as Dioann. Maraming salamuch.

guys, thanks sa inyong lahat. this story is quite disgusting pero matiyaga kayong sinubaybayan ito. maraming salamuch po. alam niyo kung sino sino kayo.

P. S
See you sa next series.. *wink

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon