Ang Kwento

49 2 0
                                    

(On slow editing pasensiya na. Sinulat ko ito noong jeje pa ako, ngayon medyo jeje nalang.)

Ang sabi ng mga matatanda, ang pansit daw ay pampahaba ng buhay.

Hati ang paniniwala ng karamihan dito. May mga taong magpapatotoo dito na kesyo humaba raw ang buhay nila kakakain ng pansit. At meron din namang sumasalungat dito at hindi naniniwala. Hindi naman kase nakasalalay ang buhay mo kung kumakain ka ng pansit o hindi.

Dahil kung oras mo na ay oras mo na. Kahit isang kawali pa ng pansit ang kainin mo, kapag binawi na ng Diyos ang buhay mo ay hindi na iyon madudugtungan.

Dalawampung gulang ako noon nang naisipan naming magtanan ni Sita sa kadahilanang nais siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang matandang mayamang madaling mamatay. Mahal ko siya at hindi ko nakikitang hadlang ang estado namin sa buhay at sa pagnanakot ng magulang niya upang lumayo ako sa kanya. Kahit nasa labing walong gulang pa lamang siya noon ay walang alinlangan siyang sumama sa akin, nagmamahalan kami at handa namin gawin ang lahat makasama lang ang isa't isa.

Nagpakasal kami na hindi ganoon ka engrande, simple lamang pero puno ng kaligayahan ang puso namin noong araw na iyon. Limang taon kaming nabuhay ng masaya kahit nakatira lang kami sa isang barung-barong malapit sa daanan ng tren. Pero kahit ganoon, hindi ko ramdam na may kulang, tuwing nasisilayan ko ang maamo niyang mukha at matatamis niyang ngiti ay nakokompleto ako. At sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mata ay tila ito ay kumikinang gaya ng mga tala sa kalangitan, mga pares ng matang kahit minsan ay hindi ko man lang napagkakitaan ng ano mang pagsisisi o lungkot. Ang importantr ay magkasama kami. Sa munti naming tahanan ay pakiramdam ko na para kaming nakatira sa isang palasyong pinuno ng pagmamahal.

Sa umaga ay gigisingin niya ako ng kanyang matatamis na halik at ng nakakatawag na amoy ng kape na panaresan ng mainit na pandesal na maaga pa niyang binili sa pinakamalapit na panaderya. Aayusin ang mga gamit ko sa trabaho, yayakap sabay sabing:

" Ingatan mo ang sarili mo doon, wag masyadong magpapakasubsob sa trabaho... Kumain ka kapag nagutom, magpahinga saglit kapag biglang napagod at 'wag kakalimutan ang pansit"

Kasabay noon ang pagsilay ng maganda niyang ngiti at paghigpit ng yakap niyang nagbibigay komportableng init sa katawan ko. Siya ang tahanang lisanin ko man ay araw-araw kong babalikan.

At heto na naman ang bakbakan ng mga gawaing kailangang matapos sa buong maghapon. Ayusin ang dapat ayusin. Mga gulong, at parte ng sasakyan, maingay na mga katrabahong sobra pa sa mga babae magdaldal. Mainit, madumi ang talyer kung saan ginagawa ang mga sirang kotse na dapat maayos sa madaling oras lang. Tuwing naalala ko ang mga habilin ng aking minamahal ay napapangiti na lamang ako, nabibigyan ng lakas at matiyagang ginagawa ang gawain ko habang nasa isip na..

" Ginagawa ko ito para sa babaeng mahal ko"

Dapit hapon na, uwian at mahaharap ko na naman ang tagabantay ng karenderyang may kaunting pagkalandi. Hindi ko lubos maisip kung paano niya napapataas-baba ang kilay niyang kinorte lang ng isang linya tuwing nakikita niya ako. Nagdadalawang-isip man ay dumaan ako doon.

Ang pansit, kailangan ko ng pansit. Baka kapag hindi ako makabili ay magtatampo talaga si Sita.

Tiningnan ako ng malagkit ng nagbabantay ng karenderya. Kung dati ay nangingilabot ako, ngayon ay wala lang iyon sakin, nakasanayan ko na. Sino ba naman siya para kagustuhan ko. Sa isang babae lang ako titingin, sa isang babae lang ako iibig at si Sita yun.

"Pansit?" Tanong niya. At ngumiti na alam niya talagang yun ang bibilhin ko. Binalot niya na ang pansit.

"Kay Sita? Naman! Napakaswerte niyo naman sa isa't isa" sambit ng serbidorang umaalalay sa pagbibigay ng mga ulam doon. Ngumiti siya sakin ng tila ba may inaalala.

PansitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon