Prologue

22 2 2
                                    

"Argh!, Argh!" Duguan, lumpo, hirap na hirap sa paghinga, at umiiyak ang isang studyante sa elevator.

Tumingin ang studyante sa kanyang duguang mga kamay. Gulong-gulo and isip. Unti-unting nababaliw. "A-nong na-gawa k-o!?" Paghikbi niya.

Kumikislap-kislap ang ilaw at kumakalampag habang bumababa and elevator bawat floor, at dinig na dinig ang pagkaluskos ng bakal.

KRISHHHHHHHHHHH..

Tuloy-tuloy ang pagkaluskos ng bakal.

TING----GG! Isang malakas na tunog mula sa elevator, kasabay ang isang malakas na pagkabog at tuluyang pagkapundi ng ilaw ng sinasakyan.

Biglang bumagsak sa sobrang pagod at unti-unting panghihina ang studyante sa sahig.

Pagkayaon ng ilang segundo pagkatapos ng malakas na pagkalabog ay bumukas ang pinto ng elevator.

Unti-unting suminag ang ilaw papasok sa elevator.

Tuluyang nanlabo at nabulag sa sinag ng ilaw ang mga mata ng studyante.

Hindi makakibo. Walang ibang madinig kundi ang himig lamang ng hangin papasok sa elevator.

Sa pagpatak ng luha sa palapag ay wala na siyang ibang magawa kundi ang magmuni-muni at alalahanin ang mga pangyayari.
SSSSHHHHHHHHHH----....

Ano kaya ang pinagdaanan ng studyante?

Sino siya?

Kaninong dugo ang nasa kanyang mga kamay?

Ano ang nasa likod ng misteryosong scenario na ito?

--------------------------------------------
(C) WanhedaPH
Commander of Death

Despair ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon