-Day 1; November 1, 2035;17:00-
"Arghhh.., ano tong nasa leeg ko.." Daing ni Rin. "Gising Annie, Yin!".
Nagising ang mga estudyante sa isang madilim na kwarto, na tanging isang pupunding ilaw lamang ang pinagmumulan ng liwanag.
"Nasan tayo!?" Wika ni Devi sa kanyang bestfriend na si Glys.
Nagyakapan ang dalawa sa sobrang takot.
Sa pagoobserba ni Devi. Nakita niya na sila ay nasa isang mukang abandonadong kwarto na mayroong mga lumang kahamitan, tulad ng mga sira-sirang silya. At mga bulok na kahoy. Tuluyang natakot ang dalawa. Patuloy ang pagbilis ng tibok ng puso ng dalawa, dahil narin sa takot.
Pagkagising ni Yin ay agad netong pilit pinuntahan si Sen at hindi pinansin ang nanakit na parte ng katawan.
"Sen! Gis-ing." Bukang bibig nito habang tinatapik ang mga pisngi ni Sen.
Napansin ni Yin ang bakal na nakasuot sa leeg ni Sen. Isa itong stainless na may kulay pulang detector sa gitna. Na saktong-sakto sa leeg ni Sen.
Nagising na si Sen. Maya-maya ay hinawakan ni Yin ang kaniyang sariling leeg at napagtantong mayroon din siyang bakal na nakapalibot sa kanyang leeg.
Sa sulok ng dark room ay nagising si Cel, takot na takot ito at nakatulala lamang na hindi alam ang gagawin, habang sinusuportahan naman ito ni Carmy. "Makakaalis ri-n tayo di-to." Mahinang pagsambit ni Carmy kay Cel.
Sandali lamang ay kumalabog ng paulit ulit ang pader. At nakita ni Jef si Aury na paulit-ulit hinahampas ang ulo nito sa pader. "Ayo-ko na, Ano tong nangyayare sa-tin!?" Wika ni Aury.
"Pt**!!?" Sigaw ni Jef. Hindi maitatago na takot na takot ito. Hindi mapakali. Nanginginig. At unti-unting nawawala sa wisyo.
Ang lahat ay nagising na wala ang kanilang mga personal na gamit tulad ng Cellphone. Maliban kay Jap, dahil sa cellphone nitong naitabi sa bulsa sa loob mg coat na suot.
Agad nitong binuksan ang cellphone. "Gumana ka please.." Wika nito habang umaasa. Ngunit sa kasamaang palad, ang munting pag-asa na pinanghahawakan ni Jap ay naglaho. Sapagkat walang signal sa lugar kung nasaan sila ngayon.
Si Red at Rom naman ay nagtulungan sa pagpilit buksan ang pinto na dark room.
Tumulong si Zara sa dalawa. Katulad ni Jap, naiwan rin ang gadget ni Zara sa kanya. "Gamitin nating ilaw itong flash ng ca-mera ko" Sambit nito kay Rom.
Ang lahat ay takot na takot. Hindi alam kung ang tamang gawin. Masasakit ang katawan.
Mayamaya ay tumayo si Ellis. Tumuon ito sa katabing upuan at pilitang nilabanan ang sakit ng kanyang kaliwang paa.
"Huwag kayong matakot! Malalaman rin natin kung nasaan ta-" Pagbigkas ni Ellis na may kasamang pagaalinlangan at takot.
Makalipas ang ilang minuto, habang ang lahat ay nag-iisip kung paano sila makakaalis sa madilim na kwartong kinalalagyan ay biglang kumalirit si Carmy.
"Ahhhhhhhh!" Sigaw nito, sabay gapang palayo sa pwesto nito.
"May kasama pa tayong isang tao dito, hindi siya gumaga-law." Takot at mabagal nitong wika sa mga kasama.
"Zara, gamitin mo yung camera mo para malaman kung sino iyon." Sambit ni Aury kay Zara.
Ilang segundo lang ay dahan-dahang lumapit si Zara sa lugar na sinasabi ni Carmy, at kinuhanan ng litrato ito.
"Urgh!" Pagsuka ni Zara sa sahig dahil sa nakitang litrato.
Nabitawan ni Zara ang camera at agad itong kinuha ni Ellis.
"Hinde!?, si Teacher Mi-!?" Agad nitong nilapitan ang katawan.
"Tulungan nyo ko-!?" Sigaw ni Ellis.
Agad-agad lumapit ang ilan kay Ellis.
Ilang minuto lang ay nagsalita si Aury. "Tama na Ellis, wa-la na sy-." Malungkot at dahan-dahan nitong pagbigkas.
Tumulo ang luha ni Ellis at niyakap ito ni Aury.
Galit na galit namang tumayo si Rom at binunggo ng paulit-ulit ang pinto sa dark room. "Palabasin nyo kami dito!" Wika nito.
Ang lahat ay nag tulungan sa pagkalampag ng pinto at pader sa madilim na kwarto.
Nagkakagulo ang lahat ng biglang may narinig silang tunog.
Toot-toot-toot.. toot-toot-toot..
Toot-toot-toot.. toot-toot-toot..Napagtanto ni Devi na ang tunog ay nagmumula sa isang screen na naka-fixed sa isang sulok ng dark room.
Kinuhanan agad ni Zara ang bawat sulok ng dark room.
Napag-alaman ng lahat na sa bawat sulok ng silid ay may mga CCTV camera na gumagalaw at hindi maitatangging patuloy nitong inoobserbahan ang lahat ng kanilang ginagawa.
Nagtipon ang lahat sa tapat ng tv screen kung saan nagmumula ang tunog na kanilang nadidinig.
Pinag-aralan ni Aury ang screen. Tumulong naman si Sen sa pag-analisa ng bawat parte ng maliit na screen.
Hanggang makalipas ang ilang minuto ay nalaman ni Aury kung paano ito buksan.
Agad nitong pinindot ang turn on button, upang mapag-alaman kung may kahit anong pagbabagong mangyayari. "Mas mabuti nang subukan natin ito, kaysa sa mag-antay kami sa wa-la" Sambit ni Aury, bago nya ito tuluyang pindutin.
Ang lahat ay nasilaw at hindi na makakita sa loob ng sampung segundo dahil sa matingkad na ilaw na nagmumula sa tv screen.
Hindi kalaunan ay bigla na naman nilang narinig ang matinis na tunog.
Nagtakipan ang lahat ng kanilang tenga, dahil sa sobrang sakit sa ulo ng tunog.
TINNGGGGGGGGGGG...
TINNGGGGGGGGGGG...Nanghihina at pilit na binabalak na pindutin ni Aury muli ang button na malapit sa screen, ngunit hindi niya ito magawa.
Hindi nagdalawang isip si Yin, kumuha siya ng isang putol na kahoy mula sa mga sirang upuan at ibinato sa button.
Dahil sa skill ni Yin. Napindot ang button dahil sa pwersa ng pagbato niya ng kahoy.
Biglang huminto ang tunog.
Isang kulay itim ang nakita nila sa telebisyon na hugis tao.
Napagtanto ng mga estudyante na ang hugis taong kanilang nakikita ay nakadamit ng itim at sadyang nakasuot ng maskara.
KRISSHHHH. KRISSSH.
Iyon ang tunog na naririnig ng lahat mula sa telebisyon.
Maya-maya ay gumalaw ang tao sa telebisyon at nagulantang ang lahat sa narinig.
"HA-HA-HA-HA!, HA-HA-HA-HA!, HA-HA-HA-HA!, HA-HA-HA-HA!," Wika ng misteryosong tao na nasa telebisyon.
--------------------------------------------
To be continued...
(C) WanhedaPH
Commander of Death
BINABASA MO ANG
Despair Act
Mystery / ThrillerNovember 1, 2032, Pluto University is established. A school for skillful and talented teens. Founded by the Philippine Republic Board of Directors, with a goal to provide the people a standard quality of life. Pluto University, kung saan every teena...