A/N: Enjoy reading. If you like the flow the of the story, kindly vote and leave comments. Thankiss. :-*
1st Hope: Know Me
Mira!!! Si nanay yan. Siya ang alarm clock ko sa ganitong mga umaga tuwing pasukan.
Kahit antok na antok pa ko dahil sa magdamag na pambobola sa new prospect girlfriend ko.
Yes! Prospect girlfriend. Bakit akala mo ba babae ako? Haha! You got it all wrong. Lalaking lalaki to tsong! That's my nickname because my real name is Miracle Ephraim Guevarra. Fifteen years of age and Fourth year High School in Christian Infant Academy.
Yawn. Habang pababa ng hagdan hindi ko maiwasan na hindi humikab at mag-inat. Si nanay naman as always nakangiting sumalubong sakin at humalik saking pisngi.
Okay. Ako na mama's boy. Ewan ko ba kay nanay? Hindi naman ako ang nag-iisang anak na lalaki pero babyng-baby niya ko. Hindi ko tuloy masisi ang mga ate at kuya kung bakit minsan selos sila sakin. Bunso kasi ako saming limang magkakapatid at napakalaki ng age gap namen ng ditse ko. 7 years. Kaya nga naging Miracle un first name ko. Kasi hindi makapaniwaka ang nanay at tatay ko na makakabuo pa sila ng panibagong bunga ng kanilang pag-ibig. Yuck! So gay! But apparently, sumakabilang-bahay ang magaling kong ama. Minsan tuloy pakiramdam ko ang ironic ng name ko. Haha! Kasi kung totoong isa akong milagro. Sana kasama namin siya at hindi ko mahuhuli si nanay na lihim na umiiyak sa gabi. Drama! Haha! Since ineexplain ko naman na din ang origin ng name ko. Ipagpapatuloy ko na. So un second name ko naman nakuha dun sa favorite name ng pinsan ng best friend ng ditse ko. Haha! Daldal ko ba? Haha! Akala mo lang yun, later on maiinis ka na sakin as you get to know me even more.
Back to the main topic.
Tapos na ang maliligayang araw ng aming bakasyon. Well, boring din dahil kaen at tulog lang ginawa ko. Pero it was still awesome kasi hindi stressful tulad ng paggising ng umaga para hindi ma-late sa klase. Early bird kasi ako at ayoko ng nale-late. That's it.
BINABASA MO ANG
Hope for the flowers
ChickLitThe product of my over flowing imagination and creativity in one afternoon of February. Echos! Just give it a try. Remember: There's no harm on trying. :-) If you get interested in the flow of the story. Please do continue to read. Vote? Comment? :...