2nd Hope: SY 14-15

15 0 0
                                    

A/N: So it took me a year to decide if I'll continue writing this. And the update means YES.

Katulad ng inaasahan dumating si Mira ng maaga. He already know what is his section and room. Hindi uso ang block section sa school nila. Kaya he never attached himself to his former classmates. Kasi natatakot siya. Natatakot siyang magmahal at iwanan. Natatakot siya na matulad sa ama na nangakong magiging sila ng ina nito hanggang dulo. Natatakot siya na maging katulad ng kanyang ina na nakukubli sa mga pekeng ngiti at hungkag na tawa.

Dumiretso siya likod ng school campus at naupo sa favorite spot niya sa ilalim ng punong mangga. Punong piping saksi sa mga kasiyahan at kalungkutan ng binatilyong si Mira.

He almost past asleep ng marinig niyang may kumislot sa likod ng puno. Akala niya yun pusa na naliligaw sa campus nila. Hindi pala kundi ang babaeng pinakaiiwasan niya sa lahat si Teacher Arah.

Hope for the flowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon