69 ∞ 02.13.17

55 4 0
                                    

B L A I R E


Araw na ng mga puso bukas. Excited na si ako. 😂 Ano kayang ibibigay ko kay Blake? Hmm.


"Ate! May bibilhin lang ako. Saglit lang. Pahiram ng kotse mo" sabi ko sakanya. oo alam ko magdrive no.


"Sige. magingat ka ha" sabi niya sa akin.


"Sige ate thank you!!" paalam ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Kyut kasi ng ate ko ehh *u*


---


Nasa mall na ako. pumunta ako sa isang jewelry store. Tumingin tingin muna ako kung anong pwede.


Necklace nalang kaya? Bumili ako ng kanya tapos bumili rin ako ng akin. para parang couple talaga hahaha. keleg is me.


Naglibot libot muna ako sa mall tapos nung naboring na ako napagpasyahan ko ng umuwi.


Habang nagdadrive na ako pauwi may isang sasakyan na pagewang gewang sa kalsada na paparating sa kung nasaan ako. at sa bilis ng mga pangyayari hindi ko na alam kung anong nangyari at bigla nalang nagdilim ang mga paningin ko.

---

D A N E

Mga bandang 1:00 na ng hapon may tumawag sakin.


"Hello?"


"Dane! Hello!?"


"Oh bakit michael?"


"Dane si Blairee!"


"Bakit si Blaire!!?" nagsimula na akong kabahan.


"Naaksidente siya. nandito siya ngayon sa Hospital malapit sa mall. bilisan mo!!"


"Sige sige. papunta na ako."

Hindi ko mapigilan ang maiyak. Blaire naman. Ano bang nangyari!?

Nang makarating ako sa hospital, nakita ko si michael na nasa labas nakaupo tapos duguan yung damit.

"Michaell! anong nangyari?" iyak kong sabi sakanya

"Hindi ko alam. pero nung padaan ako sa may kanto malapit sa mall, may nagkabanggaan. tinignan ko agad at si blaire pala yung nasa kotse kaya dinala ko agad siya dito." pagpapaliwanag niya sa mga nangyari.

"blaire namann!" sabi ko ng umiiyak at niyakap nalang ako ni michael.

"nasan si ate raine?" tanong ko sakanya

"nasa loob siya"

nang nahanap ko na si ate raine bigla ko siyang niyakap.

"danee. pano pag di na siya magisinggg!" malakas na iyak na sambit sa akin ni ate raine.

"Gigising siya ate. Alam kong hindi susuko si blaire" sabi ko nalang sakanya at napaluha nanaman ako.

"sana nga dane. sana nga" sambit niya.

"alam na ba ni blake ate?" tanong ko sakanya.

"oo papunta na sila ni--"

"DANE NASAAN SI BLAIRE!?" nabigla kami ni ate raine ng may sumigaw

"nasa ER siya blake"

"ATE. BAKIT NANGYARI TO!?" sabi ni blake na iyak ng iyak na.

"May pupuntahan lang daw siya eh. may bibilhin. pero tinawagan ako ni michael kanina. nabangga daw yung kotse ni blaire." umiiyak na sabi ni ate raine kay blake

Umiiyak ng umiiyak si blake hanggang sa pinagsusuntok niya yung pader sa harap niya.

"Blake tumigil ka na!"

"BLAKE!"

"KUYA TANGINA NAMAN. HINDI KO ALAM KUNG OKAY LANG BA SI BLAIRE EH." sigaw na sabi ni blake kay kuya drake. at hinayaan nalang nila si blake.

"Blake, may nakita pala ako sa kotse ni blaire kanina. heto oh" sabi ni michael sabay abot ng plastic bag na may box sa loob na may dugo dugo. bigla namang binuksan ni blake ang box at napaiyak ng malakas. Dalawang neclace ang nasa loob ng box. yun ata ang binili ni blaire. hayss. blaire. lumaban ka please. :((((

---

[ngayon lang ulit nagupdate😂 Sorry. haha. Btw, tuloy ang forever nina Blaire at Blake😂😁]

seen || wooshinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon