Chapter 2:

7 0 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon di parin sya nagigising, Mashado na nyang kinareer ang pagtulog' Sleeping beauty lang ang peg -___-!  Sabi daw ng doctor dahilan daw yun ng malakas na pagkakapalo sa ulo nya.

Habang tumatagal sya dito sa hospital, lalong lumalaki ang bayarin namin, Letche to! Sarap buhusan ng kumukulong mantika e' Till now nag aantay parin kami ng update galing sa mga magulang nya pero wala pa rin hanggang ngayon! "Yung totoo saang planeta kba galing?"

Sa pagbabantay naman, Salitan kami ni alex, "Ako sa gabi sya naman sa umaga, Sobrang abala sya samin since parehas kaming may trabaho ni alex, Pero nakokonsensya si alex ' Kung bakit? Aba Malay ko dun, Kesyo ganito, ganyan,May balak ata syang ampunin to'ng lalaking to e, Sa bayarin?  si alex na ang bahala dun, Mayaman sya e, Hahahaha!

Paulit-ulit kung iniisip kung ano nga bang nangyare saknya??? Sa tuwing tinititigan ko kasi sya medjo naaawa ako, medjo lang ha! Napakapayatot na kasi, tapos pumayat pa, may itshura naman sya. Matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, makapal ang mukha, Haha. Ay este ang kilay, Okay naman sana e,  pero dahil abala sya, Ang panget nya! Jusko marimar! Gising gising rin noh. -.-!

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, Nakakastress!

><!

" Hoy! Matunaw yan!"

"Oh! Nanjan kna pla?"

"Hindi bessy, Wala pa ako dito, busy ka kasi kakatitig jan kay yooki, Yiiieeee! Crush mo nuh?"

"May pagkain ka Jan"

"Ay dedma? Alam mo Bessy pwede ka mag Good morning mo na sakin, Ang bad mo, Pagkain agad e. Wala ka tlgang kwentang kaibigan".

" Sabi mo ?"  **insert glaring eyes**

"Wala ! Sabi ko ka ko, Ang ganda ko".

" In your dreams".

"Ya! I hate you" (Pout)

*Hahahaahaha* I hate you too.! Tsk!! Dali na kasi".

"Bat di ka tumayo jan , at kumuha dito, Feel na feel mo naman ang pagbabantay Jan sa asawa mo." Pang aasar nya' with matching blink blink eyes pa, kung hindi ba nman abnoy!

"Paano ako kukuha e, nakahawak sya sa kamay ko!"

0__________________0
Sabay nanlaki ang mga mata namin ni Alex at napatingin sa kamay ko na hawak hawak ng lalaki.

"Ommmmmmmoooooooo! Ibig sabihin ba nun, OhmyGoodness bessy gumalaw na sya".

" Tumawag ka dun ng doctor dali."  Pag uutos ko sknya, agad nman nyang sinunod ito.

YOOKI POV:

"Every happiness is an illusion and will fade away".

Nung mawala sya, Yun na sguro ang pinakamasakit na naramdaman ko, Dahil sa sobrang dami ng tao dito sa mundo bakit sya pa! Bakit yung taong pinakamamahal ko pa!

Sa bawat sulok at sa lahat ng bagay naaalala ko sya, Sa tuwing pipikit ako, nakikita ko ang magaganda nyang mukha, Sa tuwing natutulog ako napapanaginipan ko sya, "At yun na sguro ang pinakamasayang sandali dahil kahit sa panaginip lang nakakasama ko sya". Ang taong dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ng matagal ay ang taong wala na sa tabi ko, iniwan na nya ako! Sobrang sakit, Sa sobrang sakit pinapatay ako nun araw araw!!!

Ramdam ko na tutulo nnman ang mga luha ko, Kaya huminga mo na ako ng malalim,

Natatakot ako na imulat ng mga mata ko dahil alam kung hindi ko na sya makikita.

Ang babaeng nag iisa lang dito sa puso ko at kahit kailan di mapapalitan"

" My miracle na Mimiss na kita"

"Ya! Alam kung gising ka na, bitawan mo nga ang kamay ko"!!

Ang boses na yun, Ang boses ng pinakamamahal kung miracle. Dahan dahan kung inimulat ang mga mata ko, dahil baka nananaginip nnman ako, Pero hindi kaharap ko ngayon  ang babaeng mahal na mahal ko.

" Ya! Bitawan mo nga ako!"

"Miracle???"  nauutal kung bangit ng mga pangalan nya pero tinignan nya lang ako ng masama, Hindi ko na napigilan ang sarili Kung yakapin sya ng sobrang higpit at tuloy tuloy na rin ang pagdaloy ng mga luha ko. "Miracle, Sobrang namiss kita, Miss na miss Kita".

" Ya! bitawan mo nga ako anong ginagawa mo?? Shaka sinong miracle?"

"Miss na miss na kita" (sniff ) ( Sniff )

"Ya! anong iniiyak mo jan? anong miss na miss? sino si miracle?"

"Pangako di na ako aalis sa tabi mo, Mahal na mahal kita"

"Pwede ba bitawan mo ko, hindi nako makahinga e,"

"Mahal na mahal kita!"  huehuehue.

"Ya! Bakit kaba umiiyak? Anong mahal? Alam mo nagkakamali ka la**

Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita nya at hinalikan ko na sya, Sobrang saya ko ngayon na nakasama ko na uli sya, Ang buhay ko , Ang pinkamamahal ko.

Ludus Love ( Playful Love )Where stories live. Discover now