TC 6

1.3K 22 0
                                    

..... Grabe ang saya ko ng makita k yung pics ng Jailene sa shooting ng wansa...kaya naman inspired talaga akong magsulat ng tungkol sa kanila. JaiLene FTW hehehehe =-P

DRAKE's POV

Lumipas ang ilang buwan pa, at talagang hndi na kami nagpansinan pa ni Shirley. Mas pinili ko na lang na magalit na siya sa akin. Para kalimutan niya na lang din ako. Tutal nariyan naman lagi si Benj. Ano pa bang silbe ko sa kanya.

Dumating ang semstral break namin sa eskwela. Hindi ko na rin pansin ang mga pinag-gagawa pa nila Benj at Shirley.

Matapos ang semestral break na iyon....

Pare, musta? tanong ni Paul.

Okay lang! ikaw? tanong ko naman.

 

Pero may hinahanap ang mata ko at kanina pa ito wala. Hindi naman sila nale-late. Pero iba ang araw na ito. Parang ang bigat ng paa ko ng papasok ako sa school.

 

Pare, may hinahanap ka ba? Tanong nito sa kanya.

Wala! pagsi-sinungaling ko pa.

Naku Drake,,, sabi pa ni Paul, na may hampas pa sa balikat ko. Wag mo ng hintayin pa ang GBF mo. ( Girl Best Friend )

Hindi ko naman hinihintay si Shirley eh. Pagsi-sinungaling ko ulit.

Okay, akala ko kasi hinihintay mo siya. Hindi mo na siya makikita. Balita nito.

 

Nagulat ako sa narinig mula kay Paul. Anong ibig nitong sabihin.

 

Paul, anong pinagsasabi mo? kinakabahang tanong ko.

Hindi ko alam ang buong detalye... sabi pa nito. Pero ang alam ko, nagdrop out na ito. Kasama niya si Benj noong pumunta dito. Bago mag-resume ang klase.

 

Naguluhan ako. Buong hapon, sa klase namin yun lang ang gusto kong malaman. Kaya hinintay ko si Benj Pero hindi ito pumasok. Nagmadali akong umuwi at pumunta kina Shirley.

Tinakbo ko mula sa school hanggang sa kanila. Malapit lang naman ito sa school. Pero ang bahay nila may nakalagay ng " THIS HOUSE IS SOLD ". 

 

Shirley! sigaw ko. Tita Myleen! Kuya,,, buksan niyo ang pinto.

 

Pero walang nagbubukas. Alam ko ang nakalagay naiintindihan ko pero hindi ko ito, gustong paniwalaan. nagbabakasakali akong may tao pa.

 

Tita!, Shirley ano ba? Lumabas ka diyan! Shirley! umiiyak na ako. Shirley!!! napaupo ako sa tabing ng daan.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon