Chapter 1

668 27 2
                                    

=KATE'S POV=

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko na naman ang pangyayaring iyon dahil sa panaginip ko.

Marahas akong huminga ng malalim sa napanaginipan kong iyon. Bakit ba ang hirap kalimutan ng nangyari? Bakit ba kahit pilit kong kalimutan hindi ko pa rin makalimutan?

Ang hirap ng dinanas ko nung mga araw na iyon pero wala man lang nagawa ang pamilya ko. Psh. Tuluyan na akong bumangon sa kama kong hindi ko malaman kung kama nga ba at tiningnan ang naghihingalo kong alarm clock.

5:45 A.M.

Nauna pa ata akong nagising sa alarm clock ko? Tss. Nagpalit ako ng jogging pants na kulay black pati ng jacket na black rin. Nagsuot na rin ako ng rubber shoes. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone at headphones ko tapos ay lumabas na sa maliit kong bahay.

Nakatira ako ngayon sa Squatters Area. Wala tayong magagawa. Pagkatapos kong makatakas sa mga demonyong iyon at sa impyerno nila. Tinuruan ko na ang sarili ko na mamuhay ng mag-isa. Sa umpisa, palaboy-laboy ako. Humihingi ng pagkain o di kaya ay limos para pang-kain sa kung sino-sinong tao na naglalakad sa daan.

Sobrang hirap nun. Ilang beses lang akong kumakain sa isang linggo. Minsan nga sa isang araw, walang laman ang t'yan ko. Sa tuwing maaalala ko ang dinanas ko dati, napapa-iyak pa ako nun. Pero habang tumatagal, sa tuwing inaalala ko iyon. Para bang may pader na nakapalibot sa puso ko na kumakapal lalo sa tuwing maalala ko ulit iyon.

Mabuti na lang at may tumulong sa aking matanda. Sabi nya sa akin, sya na daw ang mag-aalaga sa akin. Natakot ako nung una but I take the risk. Kahit hindi ko pa sya kilala, sumama ako sa kanya. Mabuti at tinupad nya ang pangako nya.

Inalagaan nya ako. Tinuring nya ako na parang tunay nyang anak. She took care of me. Nakakalimutan ko ang mga mapapait na alaala ko sa tuwing andyan sya. Hindi ko na ulit napapanaginipan ang mga iyon.

But that time comes. Her time comes. Lahat ng iyon. Pansamantala lang. Because of her oldness. She died. Alam ko naman na lahat ng iyon ay pansamantala lang.

Noong una pa lang, sinabi na nya sa akin na may sakit sya. Matagal na iyong nasa kanya kaya wala na ring pag-asa kahit na ipagamot pa. Sabi nya, we will just waste money kapag pina-operahan pa sya.

At first, i insist. Kasi nga ayaw ko syang mawala sa akin. She is just my only family that I have that time. Wala akong ibang matatakbuhan.

Paano na ako kapag nawala sya diba? Saan na ako mapupunta? Paano na ako kakain?

Pero kahit na anong pagpupumilit ko. Wala. Ayaw nya. Nagdaan pa ang isang taon at ilang buwan, masaya pa kami. Nagcelebrate pa kami ng birthday ko. Pero sa mismong birthday ko, there. Unti-unti nyang ipinikit ang mata nya. Nagpapasalamat sa akin na dumating ako sa buhay nya. After nun, wala na.

Wala na sya. Umiyak ako ng umiyak. Humagulgol pero walang na ang nag-iisang taong nagpapatahan sa akin. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulugan ko.

Kinabukasan, nasa hita nya ang ulo ko. Tumingala ako para tingnan syq at isang mapaklang ngiti ang lumbas sa aking labi.

Wala na nga pala sya. Sabi ko pa nun sa sarili ko. Tumayo ako, kinuha ng ipon ko na mga pera na palagi nyang binibigay sa akin. Iinipon ko lang lahat ng iyon. Wala naman akong ipapang-gastos roon eh.

Kumuha ako ng kumot at kinumutan sya pagkatapos ay lumabas ng bahay para pumunta sa mourge. Hihingin ko ang kabaong na ipinatabi sa kanya ni Nanay.

The Lost Princess Is The Campus Nerd?!Where stories live. Discover now