|| Chapter 1 - First Met ||

8 2 0
                                    

Kyle's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nakatingin sa bintana, hinihintay ko kasi na umalis na sina Dad at Mom

*beep*

1 new message

From: Danenasour
Saan ka na dude?

To: Danenasour
Malapit na

*beep*

From: Danenasour
Ok

"Kyle" narinig ko si Dad na nasa labas ng pintuan at kumakatok

"Ano yun Dad?" sabi ko at pumunta na sa pintuan para buksan

"Aalis na kami ni mommy mo at bantayan mo si Ella, walang lalabas dito sa bahay ha?!" Sabi niya

"Yes Dad" Sagot ko

"Okay, aalis na kami ni mommy mo" Sabi niya

"Ingat po kayo!" sabi ko sa kanya

"Okay, kayo din bye" sabi niya

nang umalis na sila agad ako bumaba para puntahan ang mga kaibigan ko na tinatawag ng mga tao sa School ay

'Phoenix'

"Op! Op! Op! Kuya san ka pupunta?" sabi ng magaling kong kapatid na si Ella

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Op! Op! Op! Kuya san ka pupunta?" sabi ng magaling kong kapatid na si Ella

"eh san pa? syempre sa labas" sabi ko sa kanya

"wag kuya! ayaw kong papagalitan kita ulit ni Dad" sabi niya

"Wag ka nga OA diyan" sabi ko sabay takbo pupunta sa labas

"bahala ka nga diyan!" sigaw niya sa akin

nang nakalabas na ako at papunta pa lang sa garahe namin, na-alala ko pala na nasira ang sasakyan ko dahil sa magaling kong kapatid, sinira niya ang gulong kaya no choice

tatakbo na lang ako

habang tumatakbo ako pa labas ng subdivision na'to may bumanga sa'kin na babae may dalang bike

"Aray!" sigaw ko nadapa kasi ako

"Hala! Okay ka lang?!" tanong ng babae

"Obvious ba?" sagot ko

"Sorry talaga, hindi ko kasi nakita na tumatakbo ka pala" sabi niya sabay abot sa akin ng kanyang kamay para matulungan ako tumayo

hindi ko pinansin ang kamay niya at tumayo

"Sa susunod mag-ingat ka! dahil sayo nadapa pa ako! pasalamat ka na lang kasi wala akong sugat" sigaw ko sa kanya

"Huwaw! at ako pa pala ang may kasalanan?!" sabi niya

"Oo!" sagot ko sa kanya

"Nag-sorry na nga ako eh!" sigaw niya ulit

"bahala ka diyan sa buhay mo!" sigaw ko ulit sa kanya at tumakbo iniwan siya

.
.
.

nakarating na ako sa tinatawag naming 'abandon building' o kaya meeting place or dun kami nag hahang-out kasama ang mga barkada ko

"uy! bro! wass up!" sabi ni Dane

"ba't ganyan itsura mo dude?" sabi ni Vinz

"Oo nga! haha!" tumatawang sabi ni Alex

"manahimik kayo diyan!" sigaw ko sa kanila

"sabihin mo muna ang nangyari sayo, tingnan mo kaya itsura mo! parang pagod na pagod ka! haha" sabi naman ni lawrence

wala na akong choice, kaya sabihin ko na lang sa kanila, ang kulit eh!

"may babae kas-" hindi ko na tuloy dahil sumulpot agad si Josh ang babaero sa grupo namin

"maganda ba? mapayat? makinis ba ang balat? matangkad o parehos sayo ka ta-" binatukan ko na siya agad baka ano naman ang kanyang sasabihin tungkol sa'kin

"gago!" sigaw ko sa kanya

"ay gago pala!" sabi niya na parang nabigla

binatukan ko siya ulit dahil mga wala ka kwenta kwenta ang mga sinasabi niya

"aray! ang sakit naman nun!" sabi niya, bagay nga sa kanya eh

"palagi na lang ako nasasaktan!" sigaw pa niya na parang umiiyak

"eh diba ikaw nga ang palaging sinasaktan ang mga babae!" sabi naman ni Lawrence ang mabait na minsan cold na minsan suplado o siya ang silent type sa grupo namin

"Ipagpatuloy mo na ang kwento mo Kyle" sabi naman ni Alex

"Ipaglaban mo!" sabi pa ni Dane na parang tanga, siya lang tumatawa dito na mag-isa

"Binangga ako ng babae habang nagbabike siya" sabi ko

"hindi niya naman siguro 'binangga' ka talaga" sabi ni Lawrence

"ewan ko basta, nakadapa ako" pagkatapos ko yun sinabi agad sila tumawa

"oh?! problema niyo?!" tanong ko sa kanila

"..wa..la..tol...hehe" sabi ni Alex

"psh! Nga pala may ibabalita ako sa inyo!" sabi ko na naka smirk at agad sila natigil sa pagkakatawa

"may anim na bagong transferee sa school" sabi ko

"oh! Babae ba o lalaki?" tanong ni Josh

"syempre babae!" masaya kong sagot

"oh really! Lalaro tayo ulit sa kanila?" sabi ni Vinz

"syempreeee!" masayang sabi ni Zack

"basta walang mag-iinlove sa kanila." sabi ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

|| Just Right ||Where stories live. Discover now