Sakit

32 1 0
                                    

Mga pangako mo'y mababaho
Na katulad ng isang basura
Na sindami rin ng mga binitiwan mo
At kailanma'y hindi malilimot ng aking alaala

Ang sabi mo'y ako ay iyong mahal
Ngunit ikaw pala ay may iba ng sinta
Ni hindi pumasok sa aking utak na makapal
At ang pag-ibig niyo pa pala'y may bunga pa.

Napakalupit ng iyong hagupit
Akala ko ikaw ay tunay na matino
Ngayon ikaw ay kinasusuklamang pilit
Sapagkat ako pala ay niloko mo

Ang dami mong pangako't plano
Tayo naman pala'y naglalaro lamang
Palabas lang pala ang mga salita mo
Hindi mo naman sinabing ito'y malapelikulang kaabang-abang.

Dapat sinabi mo din na ito'y taguan
Nang ako ay nakapaghanda't nakapagbilang
Hindi yung ako'y parang tangang napag-iwanan
At para bang walang kwentang nilalang.

Ganito ba talaga kasakit
Na ako ay mahulog
Sa patibong na marikit
Nakalulungkot na ako ay iyong nabilog at nahulog.

Ngayon ako ay nagsisisi
Hindi alam kung paanong nangyari
Napakaraming tanong sa sarili
Wala namang maisagot sa bandang huli.

Sakit na Dulot MoWhere stories live. Discover now