Her Side

6 2 0
                                    


Sobrang saya ko ng makauwi ulit kami ng pilipinas galing amerika. Sa wakas ay makikita ko ulit sya. Nirequest ko kay Daddy na doon nya ako ipasok sa school kung nasaan sya. Agad din naman akong pinagbigyan ni daddy dahil matataas naman daw ang grades ko.

Hiniling ko na sa maging magkaklase tayo pero hindi, sa ibang section ako na punta at hindi sa section mo. Dismayado ako nung mga panahon na iyon pero inisip ko nalang na atleast nasa iisang school na tayo at alam kong makikita na kita araw araw.

At hindi nga ako nagkamali. Halos araw araw kitang nakikita madalas kang dumaan sa hallway namin pati narin sa canteen lagi kitang nakikita. Palihim man akong tumingin sayo alam ko naman kung ano ang nararamdaman ko sayo. Sa bawat ngiti mong nakakatunaw kasabay pa ng pagngiti mo ang lalong namang sumisingkit ang iyong mga mata. Alam ko at ng puso ko na ikaw, ang mahal ko.

Labis akong natutuwa dahil sa tuwing nasaan ako ay lagi ka ring andoon lagi kang nasa gilid gilid. Hindi ko alam kung natyetyempuhan lang kita o talaga sinusundan mo din ako. Pero ayoko din naman mag assume sa isang bagay na alam kong walang kasiguraduhan. Alam kong dimo nako natatandaan dahil matagal na rin yon simula ng mag migrate kami sa amerika. Pero nangako ako sayo non na babalikan kita. At tinupad ko naman yon ngayon, kaso nga lang hindi mo na yata ako natatandaan.

Lumipas pa ang mga araw at walang araw na hindi ako masaya o napapangiti ng dahil sayo. Halos araw araw kasi kitang nakikita. Then one time nalaman kong sumali ka ng club sa isang subject natin. Kahit na ayaw kong sumali sa club dahil dagdag gawain lang iyon, ay sumali ako para sayo. Ganon kita kamahal e, lahat gagawin ko para makasama kita kahit na palihim.

Ayun na nga sa lahat ng meeting club present tayo parehas at abot kamay na kita, pero diko parin magawang magpakilala at nahihiya ako na baka mapahiya lang akonsa harapan mo. Kaya pinili ko munang tignan ka sa malayo.

Then one time habang hinihingi nung president ng club ang number namin nakita ko iyong number mo. Kinabisado ko iyon at mabuti nalang din at madali lang kabisuhin. Inilagay ko kaagad iyon sa phone ko at sinave. Sobrang saya ko non dahil kahit papano ay may contact nako sa kanya, anytime pwede ko na syang maitext at makausap. Pero dahil nga sa nahihiya ako, di ko muna sya tinext at pinalipas ko muna ang mga araw.

Christmas break na nanamin at malapit na rin magpasko. 5 mins nalang at birthday na ni Papa Jesus. Napagdesisyunan ko ng itext yung number nya, tinype ko na ang 'Merry Christmas' kulang nalang ay pindutin ko ung send ng biglang nag pop-up yung name nya sa notification ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko at dali dali kong pinindot ang message nya.

Merry Christmas. :)

Hindi ako makapaniwala nung una. Hindi ko akalain na alam nya ang number ko at itetext nya pako. Hindi kaya naalala nya nako? Or baka naman na wrong send lang sya sakin? Pero parang imposible naman yon. Hindi ko alam kung rereplyan ko ba or what. Kasi baka nga mamaya wrong send lang sya. Pero wala na akong paki doon atleast nauna syang magtext sakin, atleast ngayon may contact narin sya sakin.

Matapos ang gabing yon, araw araw nya na akong tinetext. Mapa morning text man yan or evening text, ay meron. Walang mintis! At ako namang si gaga kilig na kilig dahil sure na akong di lang sya basta wrong send. Kundi para saakin na talaga itong mga text na ito. Pero hinayaan ko muna ang ganong sitwasyon di ako nagrereply kahit na kating kati nakong replyan sya. Antayin ko lang na kausapin nya ako personally, alam kong di na ko matitiis.

Then one time may nakita akong gumamela sa lamesa ko. Una nagtaka pa ako kung kano galing pero nung mapagtanto ko, alam ko na kung kanino galing. Kay Cleo. Ang taong mahal ko, akalain mo yun alam parin nya ang paborito kong bulaklak.

Bukod sa text ay araw araw narin akong nakakatanggap ng gumamela na nakapatong sa mesa ko. Lahat naman ng ito ay iniipit ko sa book ko. Hanggang nung isang araw naabutan ko sya sa room namin at ng mapansin nya akong papasok na ay dali dali syang lumabas ng room. Napangiti nalang ako sa ginawa nya at umastang di ko sya nakita. Lumapit ulit ako sa lamesa at habang inaasar nila ako ay diko mapigilang magblush at maginit ang mukha. Dahil alam kong nakatitig sya sakin ngayon sa pintuan. Hay nako, kailan kaba aamin saakin? Kailan mo ba ako kakausapin?

His and Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon