Pass The Message

619 33 6
                                    

Author's N: Salamat kasi nakarating kayo dito sa page na 'to!!

Share ko lang, based nga pala 'to sa experience ko.  May crush na crush ako dati nung bata ako, hindi ako pinapansin, haha.  Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin...okay lang yun, hindi ko na naman siya crush, haha...

First one shot story ko po 'to, sana magustuhan niyo!! ^_^

----------------------------------------------------~Apoll~------------------------------------------------------

Hayss...malapit na grad...

Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Richard...

Ga-graduate na kami ng high school hindi pa rin niya ko pinapansin.

Hindi ba niya alam na simula nung naging classmate ko siya sa elementary crush na crush ko na siya?

Tapos nung nag-high school minahal ko na siya.

Manhid!  Naubos na pana ni kupido kapapana sa'yo pero wala ka pa ring maramdaman!!!

Pero kahit ganun...

"I LOVE YOU RICHARD PALANCA!!!"

Ahaha, sinisigaw ko 'to sa field kapag nagme-may I go out ako sa teacher...kunwari nag-CR ako.

Wala namang nakakarinig sa akin kasi syempre tinitignan ko muna kung may tao...haha, isisigaw ko ba 'yun kung may nakakarinig sa'kin? Hahaha

Sinisigaw ko 'yun.  Walang patlang, araw-araw.

Okay, nasigaw ko na.  Balik na sa classroom...

O_O

"Ano?" sabi ni Richard...

Waaaaahhhh!!!!!!!!!!!  OMG!!!!! O_O

Ano ginagawa niya dito!!??

Narinig niya ko!!! TTT_TTT

"Ano sabi mo?" inulit ni Richard 'yung tanong niya.

Hindi ko alam sasabihin ko...

Sibat!!

Tumakbo ko palayo.  Pabalik sa room namin.

Waaaahhh!!!  Gusto ko ngang pansinin niya ko pero hindi sa ganitong paraan.  Nakakahiya!!! T_T

Tapos bumalik na din siya sa classroom.  Nagkatinginan kami pero umiwas agad ako.

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nagpapansinan.

Hanggang sa dumating na 'yung araw ng farewell party ng klase namin.

"Okay!  Sunod nating laro ay Pass The Message!" sabi nung president namin.

"Kampihan nalang para mabilis tska maraming member!."

Guess what...

...magkakampi kami -___-

"Kung sino 'yung nasa dulo, isusulat niyo 'yung message sa whiteboard."---President

Ako 'yung nasadulo tapos nasa unahan ko si Richard.

Ang malas ko!!! >.<

Ako din 'yung magsusulat sa whiteboard nung message.

"Lapit na sa 'kin 'yung mga nasa unahan." sabi ni president tapos pinabasa niya 'yung message.

"Okay.  Ready, set, go!"---President.

Ahaha, nauuna 'yung grupo namin!!  Mananalo na kami!! XD

Tapos dumating na kay Richard 'yung message.  Ibubulong na niya sa akin.

"I love you." binulong ni Richard.

Huh? o_O

Yun 'yung message?

"Nakuha mo ba?" sabi ni Richard.

"Ah.  Oo." sagot ko.

Tapos ayun na nga, sinulat ko sa board ang isang malaking I LOVE YOU

"Panalo kami!!"sinigaw ko.

Haha, maning-mani naman pala 'yung message eh.  "I love you" lang?  Ang ikli!!! XD

"Talo pa rin kayo.  Mali 'yung meassage eh." sabi ni President.

Huh? O_o

Nagulat ako dun sa sinabi ni President. 

'Yun kaya 'yung pinasa ni Richard.

Tinignan ko siya.  Nakatalikod siya ngayon, kaya tinawag ko siya.  Kasalanan niya kung bakit kami natalo! >.<

"Richard!  Bakit I love you???" tanong ko sa kaniya.  Kainis!! >.<

Tapos humarap siya nang nakangiti.

"I love you too." sabi niya.

O_O

O_O

O_O

"Ayyyyyiiieee!!!!" sabi nilang lahat.

Ano daw!?

Hindi ko ma-process!!!

Ano sabi niya?

"Ano?"  tanong ko sa kaniya.

Tapos nilapitan niya ko at binulungan.

"Ang cute mo.  Ganyan din 'yung reaksyon ko nung narinig kita sa field eh.  Sa susunod wag mo na ko tatakbuhan ha?"

Ahahaha...happy ending pa rin pala ang high school ko.

'Wag ka mag-alala Richard.  Kahit kailan, hindi na kita tatakbuhan.  ^_^

-------------------------------------------------~Apoll~--------------------------------------------------------------

Author's N.:  May naka-relate ba??? XD

Haha.  Salamat nang marami at tinapos niyo!!!  Tenchu!!!!!!! ^____^

p.s.  vote and comment po kung nagustuhan niyo!! Salamaaaat!! XDD

Pass The MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon