Loving Him was Pink

1.5K 8 6
                                    

Prologue

Huminga ako ng malalim at hinanda ang aking sarili, Kaya mo yan Courtney! Sa ngalan ng pagibig. Naglakad na ko sa direksyon ng daraanan niya at hindi sinasadya (actually sinadya kong) magkabangga kami.

"What the fck?!"sigaw ni Bryan sabay hawak sa damit niya, Napayuko naman ako at saka umarte na kunwari hindi ko sinasadya.

"Oh my gosh! Bryan i am sorry!"sabi ko sa kanya at kinuha ko ang paborito kong panyo saka ko pinahid sa kanya, Hindi ko ito lalabhan may germs na ito ni Bryan eh!

"Ikaw na naman?! Bakit ba prone to accident ka?"asar na sabi ni Bryan sa akin, Napatawa naman ako ng alanganin. Pupunasan ko ulit siya kaya lang tinabig niya ang kamay ko at naglakad na silang tatlong ng mga kaibigan niya, Napatingin naman ako sa panyo ko. Nahawaan ka na ni Bryan ipapa-frame kita!

"Courtney naman! Ano na namang ka-adikan ang pinag-gagawa mo?"sabi ni Erika ng makalapit silang dalawa ni Krista sa akin, Nag-pout naman ako sa mag-pinsan.

"Sa susunod bibilhan ko na talaga ng napkin si Bryan, Laging masungit daig pa ang babaeng may ka-buwanan."sabi ko habang naka-pout, Matagal na kaming magkakilala ni Bryan pero likas sa lalaking iyon ang kasungitan. Well actually ako lang talaga ang nakakakilala sa kanya pero siya? Baka bukas makalawa makalimutan na naman niya ako.

"Eh kasi naman Courtney, Sobra na pagka-Obsess mo kay Bryan chill ka lang girl marami pa diyaang iba hindi lang siya."sabi naman ni Krista sa akin pero napasinghot naman ako, Pekeng iyak mga dre!

"Ayoko ng iba! Ako'y para lamang kay Bryan Cortez at si Bryan Cortez ay para lang kay Courtney Fuentes."sabi ko sa mga kaibigan ko at nakatanggap naman ako ng tig-isang batok mula sa kanila. 

"Ugh! Kagagahan mo eh no? Tara na nga at kumain, Sinayang mo yung pagkain oh binuhos mo lang kay Bryan."sabi ni Erika at napa-peace sign naman ako sa kanila bago namin pagsaluhan ang in-order ng dalawang magpinsan. Wala eh na-adik na ko kay Bryan sobrang gwapo niya kasi kaya lang masungit, Hindi kaya..

"Oh em ji! Hindi kaya bakla si Bryan?"bigla kong nabulalas at napabuga sila ng kinakain nila.

"Pinagsasabi mo Courtney? Si Bryan isang bakla imposible naman ata yan kita mo namang lalaking-lalaki yung tao."sabi ni Erika at napatango naman ako sumingit pa si Krista.

"Saka sa dami ba naman ng Fangirls niya, Sure akong magbabaha sa pilipinas kapag nalaman nilang bakla ang Crush ng Bayan at Sure rin akong isa si Courtney sa iiyak kapag nalaman niyang bakla nga si Bryan."sinamaan ko ng tingin si Krista, Hindi bakla ang Bryan ko!

"Wag kang lalapit sa akin sasabunutan kita! Hindi bakla si Bryan."sabi ko sabay lamon. Hindi bakla ang Bryan ko, Hindi siya bakla!

=======

=======

Dismissal na at inaantay ko ang dalawang mag-pinsan dito sa gate ng Campus namin, Si Erika kasi ay isang Student Body samantalang si Krista ay isang Journalist sa School News Paper namin kaya laging late kung umuwi ang dalawa pero since magkakapitbahay lang kami araw-araw kong inaantay ang dalawa.

Dahil sa sobrang tagal ay naupo ako sa waiting shed sa may gilid ng limang lalaki na naka-tambay malapit sa may gate, Napatingin ako sa orasan ko ang tagal naman nung dalawa.

"Girl sure ka ba na dito nag-study ang iyong twin broda?"rinig kong sabi ng lalaking nakasalamin sa lalaking nasa gitna, Well hindi sila group of boys kungdi group of gays.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Him was PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon