Chapter 4

534 23 9
                                    

Late na naman ako.

Dahan dahan akong sumilip sa pintuan ng classroom para tingnan kung naroon na ang prof namin. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya makita roon.

Pumasok ako at dumiretso sa upuang andoon. Tamang tama naman na may bakanteng upuan sa tabi ni Dadang.

Sinulyapan ko siya at napansin kong abala siya sa pagsusulat.

Aba suplada si bakla.

Kinuha ko nalang ang handouts sa bag para magreview. Ganado akong magaral dahil sobrang ganda ng araw ko. Pag gising ko kanina ay iniabot ni manang Judy sa akin ang susi ng kotse ko. Pakiramdam ko mapeperfect ko ang exam mamaya.

Tahimik lang sa loob ng room dahil busy rin sila sa pagrereview maliban nalang sa dalawang bruhildang nagbubulungan at nagtatawanan sa may bandang likuran ko.

Hindi ako nakatiis kaya inis na nilingon ko ang dalawa. Napatigil sila sa ginagawa nilang kamalditahan nang bigyan ko sila ng isang matalim na tingin.

Napatingin ako kay Dadang. Abala pa rin siya sa pagsusulat. Napailing nalang ako at muling ibinaling ang atensyon sa binabasa ko. Pero ilang saglit lang ay muli ko na namang narinig ang boses nung dalawang bitch sa likuran.

"Bes, look o may dandruff si Dadang." Sabi ni nung isa na hindi ko alam ang pangalan. Ang totoo tanging si Dadang lang ang kilala ko sa mga kaklase ko dahil hindi ako interesado sa kanila. Nahagip ng peripheral view ko ang ginagawa niyang pagdutdot sa buhok ni Dadang gamit ang ballpen niya.

"Grabe ka Madeth, sobrang bully mo. Oy Dadang! Anong shampoo gamit mo? Sabihin mo naman para hindi namin gamitin." Natatawang sabi nung isang kasama niya.

Hindi ko napigilan ang mapatingin kay dadang. Nagsusulat pa rin siya pero this time kagat kagat na niya ang labi niya at mahigpit na ang pagkakahawak niya sa pen niya.

"Grabe ka Macy! Mukha bang nagshashampoo yan?" Sabay na nagtawanan ang dalawa.

"Pahiramin mo nga ng suklay."

"Yuck ayoko nga baka mahawa pa ko diyan."

Tumayo ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko. Humarap ako sa dalawa at inihagis sakanila ang handouts na hawak ko.

"Aray! Ano bang problema mo, Allie?!" Pasinghal na sabi nung Macy. Magsasalita pa sana si Madeth pero tinaasan ko sila ng kilay.

"Reviewhin niyo yan para may maisagot naman kayo. Kasi kung anong ikinabobo niyo siyang ikinachaka niyo no? Sa itsura niyong yan may gana pa kayong maginarte at manlait ng ibang tao? Sabihin niyo nga sa akin gumanda ba kayo sa ginawa niyo?" Hinihintay ko silang sumagot pero natahimik lang sila. Buti naman dahil kung hindi papaduguin ko ang mga pimples nila sa mukha gamit ang ballpen na hawak ko.

Tumalikod ako sa kanila at hinatak si Dadang palabas.

Nakalayo na kami sa classroom ng magsalita siya.

"Salamat..." saka niya binawi ang kamay niya na hindi ko namalayang hawak hawak ko pa rin pala.

"Bawi na ko sa kahapon ha." Sabi ko. Nakita kong lumungkot ang mata niya.

"Hindi ko na ulit gagawin un para sayo. Next time matuto ka namang lumaban sa mga panget na yun." Sabi ko habang hinahalungkat ang laman ng bag ko. Napakamot siya ng ulo.

"Wag kang masyadong magkamot para di na lumabas yung dandruff mo." Seryosong sabi ko. Tumawa lang siya.

"Hindi ka ba nandidiri sa akin?"

"Nandidiri." Sabi ko sabay abot ng suklay sa kanya.

"Gamitin mo muna. Ibalik mo rin sa akin bukas dahil yan lang ang meron ako." Nakita kong nakatitig lang siya sa akin na parang may gustong sabihin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under the Night SkyWhere stories live. Discover now