A Fangirl's Life

275 16 9
                                    

Blue Sky Press: Summer Love Anthology presents:
A Fangirl's Life
Written by: Rheiguel Snow

Teaser!

Sa ika-limang araw ko rito sa Siargao Island, sa isang seafoods restaurant  ako tumatambay habang nags-sight-seeing sa labas ng glass window.

True enough, hindi talaga masasayang ang nagastos mo rito kasi sobrang breathtaking ng mga views at hindi rin nakakasawa. Pakiramdam ko nasa twilight zone ako. 'Yong tipong abot kamay ko talaga ang sky. Indeed Siargao can never escape a writer's admiration.

Perhaps hindi ko nga siguro minahal ng lubusan si Maverick. Na-depress lang siguro ako sa sariling belief na ako lang ang mundo niya at hindi niya kayang mabuhay nang wala ako. Medyo natatapakan lang siguro ang ego ko sa rason ng break-up namin. Sino ba naman kasing babae ang hindi mapapa-question sa kung anong kulang sa'yo para ipagpalit ka sa iba?

Ay ewan! Bahala na nga siya sa buhay niya! Mamaya ko na nga rin e-edit 'yong manuscript na ipapasa ko sa isang publishing site na nagm-message sa akin last week. Tutal last chapter na naman 'yon.

Tumawag na rin si Brinley sa akin kanina at nasa kabilang hotel daw ito naka-check-in. Mukhang nandun daw kasi ang oppa niya. Ewan ko lang sa kanila talaga! Daig pa ang mga adik sa sobrang lulong na sa oppas.

Napatingin ako sa mga staffs ng hotel na biglang natataranta. Nakita ko na halos pabalik-balik ng pumapasok sa entrance at exit nitong restaurant ang iba, parang mayroon'g inaabangan. Hindi ko rin maintindihan ang mga sign language nila na parang may tinuturo sa labasan.

Ano kayang drama ng mga 'to?

"Here's your mocha frappe, ma'am," anang waitress na may dala dalang tray ng order ko. Inilapag nito ito sa table ko.

Hindi ko na masyadong narinig ang iba pang sinasabi nito dahil masyadong naka-focus ang attention ko sa ibang staffs ng hotel na hindi mapakali. Mukhang may inaabangan talaga ang mga ito.

"Is there anything more than I can help you with, ma'am?" rinig kong utas ng waitress.

"Ahm, ano'ng meron dyan sa labas, Miss?" I asked, cutting my gaze off the entrance.

Ngumiti ito sa akin ng malapad. "May korean artists po kasi na nandito ngayon, ma'am. Mga casts ng korean drama series na kinababaliwan ng mga pinoy ngayon," tila kinikilig na sagot nito sabay gumawi ang tingin sa suot ko. "Wow. An army?"

"Really?" Hindi ko pinansin ang huling sinabi nito dahil masyado na akong na-preoccupied. Naalala ko bigla sina Regine at Brinley. Pati 'yong love letter na nandito ngayon sa dala kong purse. Bigla akong natataranta "Sino-sino raw ang mga pangalan nila?"

"Sina Prinsipe Lee Yeong, ma'am at yung iba pang cast ng LITM," proud nitong wika.

At dahan dahan akong kumalma sa naririnig. "Gano'n ba..."

Hindi naman pala. Iba ang napadpad dito. Baka nasa hotel na pinag-stayhan iyon ni Brinley? Sayang suot ko pa naman sana ngayon ang tee-shirt na 'I Love Park Bo Gum'. Poor, Regine!

Dinala ko ang aking frappe at nagpasyang lumabas na ng restaurant. Editing time na... Need kong matapos ito ngayon dahil bukas ang tulak ko sa Daku Island.

Sa aking paglabas, naabutan ko ang mga staffs ng hotel na parang may inaabangan sa labas. Isa isang nagsisialisan ang mga ito nang makita ako at ang iba pang guests na nakasabayan kong lumabas.

Anong meron?

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ng maputing babae habang tuluyang pumasok sa pintuan kung saan ako iniluwa.

"Himatayin na yata ako sa sobrang excited! Sana silipin man lang niya tayo rito, noh?!"

"Sana nga... Buti na lang hawak ko pa ngayon ang resibo niya kahapon nu'ng nag-lunch siya sa restaurant kung saan ako naka-toka. Todo lips to lips talaga ang ginawa ko sa resibong papel!"

Humagalpak ang huli sa sinabi nito. "Kadiri ka! Edi basang basa na 'yan ng laway mo?"

"Hindi na. Pina-arawan ko kanina."

Ganun?

Napako ako sa aking kinatatayuan nang dumaan sa harapan ko mismo 'yong lalaki kahapon. Suot pa rin nito ang pilyong ngiti sa mga labi.

Don't tell me dito rin siya naka-check in? Naalala ko tuloy bigla 'yong nangyayari the other day. Just what the fudge!

Nakita kong may kasama rin itong isang lalaki na nauna ng pumasok sa loob ng elevator. Mga korean din ata.

Hindi na ako nakaiwas ng tingin nang bumaling ito sa akin saka ngumiti. "Hi!" nakangiting bigkas nito.

Naghaharumentado na naman ang puso ko sa presensya nito at hindi ko na pinapansin ang tila nahuhulog na bagay galing sa purse ko. Busy ako sa mga ngiti niya ngayon.

At parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko nang naglakad ito palapit sa akin. Nakita kong sumunod dito ang dalawa pang lalaki na tila sinlaki ng katawan ni Majinboo.

Shit! Bakit ang gwapo gwapo ng nilalang na 'to? Ang mga ngiti niya... Ang mga singkit niyang mga mata na animoy ngumingiti rin. Hustisya naman sa malaki kong mata, oo!

Natigilan ako nang umuklo sya, parang may dinadampot na kung ano. Tumayo rin ito after sabay may isinuksok sa kanyang bulsa saka hinarap muli ako. Hindi ko napansin ang paninitig nito sa suot ko dahil natutulala na talaga ako nang tuluyan, lalo pa nang ngumiti na naman ito.

Good heaven! Nagayuma na yata ako!

"Saranghamnida," I heard him mumbled that word then soon left.

Nahigit ko ang aking hininga nang magsink-in sa utak ko 'yong sinabi nito. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko.

***

Available na po ito this coming June 1, sa mismong Grand Book Fair ng Penmasters League at Blue Sky Press

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Available na po ito this coming June 1, sa mismong Grand Book Fair ng Penmasters League at Blue Sky Press.

Price: P170 + SF

12 one-shot stories written by 12 BSP Writers ang nakapaloob sa book na ito.

Please head to our BSP official page to see more updates about this. Thank you.

BSP official page link: https://www.facebook.com/blueskypressph/

Shoppee link: https://shopee.ph/blueskypress08

Place your order now & let love be the subject of your summer!

🎉 Tapos mo nang basahin ang A Fangirl's Life (BSP Summer Love Anthology) 🎉
A Fangirl's Life (BSP Summer Love Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon