A/N: Kinikilig kasi talaga ko sa kanya eh. :))
Another ONE-SHOT story. Leave some votes and comments dear readers! :D
PERO PLEASE LANG. Ayoko na nung comments na 'bitin', mag-appreciate naman po tayo. :)
___________________________________________________________
"Oh Genie.."
Bati sakin ni Mang Benteng. Siya yung may-ari ng Fun House dito sa plaza. Nagsalute lang ako sa matanda. Kilala na ako dito bilang kilabot na gamer ng Tekken arcade.
Automatic na nahawi yung mga tambay sa tekken sa prisensya ko. Napangisi ako. Nabakante yung isa. Magkatalikuran lang naman kasing tong dalawang arcade.
Simula 1st year hanggang ngayong 3rd year highschool na ko, wala pa akong losing strik. Matiks na kasi yan! Elementary pa lang player na ko. Heto ang sports ko e! Astig, no?
Isang token lang ang binibili o baon ko tatagal na yun sakin buong magdamag. Nilalampaso ko lang mga kalaban ko eh. Kaya natutuwa talaga ko kapag nababawasan ako ng malaki o umaabot kami hanggang final round nung player.
Pinalagutok ko yung mga daliri ko at pumili ng character. Si Lili Rochefort lang naman lagi ang gamit ko. Master ko lahat ng moves nya. Kapag nag exhibition at combo na ko, asa kang makagalaw ka pa.
GET READY FOR THE NEXT BATTLE.
Lili VS Armor King
Tss. Pinerfect ko lang 3 rounds straight!
"Tang@#$ naman Genie! Mercy!" atungal sakin ni boy adik.
Nagkibit-balikat lang ako. "Malas lang. First game ko eh.. Di pa uso mercy."
Napapasarap ako ng laro. Hindi ko namalayan 24 wins na pala ako. Pila at naghahalinhinan na rin yung mga players na gusto lumaban sakin. Puro murahan at sigawan na yung mga nanunuod. Ako? Chill lang. Hehe
NEW CHALLENGER!
Nag unat-unat muna ko. Katagal pumili ng character nitong kalaban ko ah! Pati yung battleground! Eh uuwi lang naman syang duguan. Bwaha!
"Game! Laban!"
GET READY FOR THE NEXT BATTLE.
Lili VS Hwoarang
Sus. Hwoarang lang pala! Peanuts!
ROUND 1
Ano pa bang aasahan mo? Pinerfect ko lang sya! Napailing na lang ako. I'm getting bored.
ROUND 2
Okay nice. Nabawasan nya ko ng kapurat bago ko winakasan ang buhay nya! Nyahahaha!
BINABASA MO ANG
Game! Laban!
أدب المراهقينAng hamunin sya ang pinakamasaya kong pagkatalo. Book Cover © Crucifixion Graphics