Salamat

19 0 0
                                    

Kung meron man akong isang taong maituturing na isang tunay na kaibigan, si Bea na siguro yun. 6 na taon na kaming magkaibigan. Sandalan sa oras ng kalungkutan at maaasahan sa lahat ng oras.


"Uhm. Bea, may sasabihin sana ako sayo. O-okay lang ba?"
-Ako

"Oo naman. Ano ba yun?"
-Bea

"Ah.. ano kasi... diba ilang taon na tayong magkaibigan, pero kasi parang napansin ko na---"
-Ako

"Beaaa! Dali halika rito, may ipapakita ako sayo!"
-Carla

"Hala sorry kuya Mike. Mamaya mo nalang sabihin. Puntahan nalang kita mamaya. May sasabihin din ako sayo"
-Bea

"Ahh.. Si-sige. hintayin nalang kita hehe."
-Ako

Shems! Paano ba to? Anong gagawin ko? Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya itong nararamdaman ko?

Parang ayoko namang sabihin muna sa kaniya kasi panigurado pag nalaman niya, lalayuan at iiwasan niya ako.

Pag hindi ko naman aaminin sa kanya, mahihirapan naman itong puso ko. Hays! Di ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Uy Mike! Halika dito, maysasabihin lang ako sayo. "
-Gene

"Ano yun pre?"
-Ako

"Ang alam ko kasi close kayo ni Bea. Ano sana.. Uhm. Pwede bang humingi ng pabor?"
-Gene

"Anong pabor na naman yan Gene? Nako baka mamaya kung anong kalokohan  lang yan ah? "
-Ako

"Actually, hindi siya kalokohan. Gusto ko sana ikaw ang magsabi sa kanya. Sabihin mo sana sa kanya na simula nung makita ko siya, naakit na talaga ako sa ganda at kabaitan niya... "

Sa mga oras na ipinagtatapat sa akin ni Gene ang nararamdaman niya kay Bea, di ko mapigilang mainis sa hindi malamang dahilan.

Hindi pa man tapos magsalita si Gene ay umalis nalang akong bigla at nakasalubong si Bea.

"Kuya Mike! Eto naa.. may sasabihin ako sayo. "
-Bea

" Nako. Ako muna. Mahalaga itong sasabihin ko sayo eh. As in mahalaga talaga"
-Ako

Sa oras na iyon, napagdesisiyonan ko nang sabihin kay Bea ang nararamdaman ko dahil natatakot akong maunahan ni Gene sa kaniya.

"Kuya Mike ako muna. Pramis mabilis lang to. "
-Bea

" Ganito nalang. Sabay nalang tayo magsabi para mas maganda hahaha. "
-Ako

"Sige na nga haha.
-Bea

"1...2...3...Go!"

"Mahal ko na si Gene" - Bea

"Mahal na kita"  - Ako

Sa mga oras na iyo, tila gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko.

"Huh? Ano un kuya Mike?"
-Bea

"Uhm. Ang s-sabi ko. M-mahal k-ka na rin ni... Gene, Bea... M-matagal na raw niyang gustong sabihin kaso natatakot siya."
-

Ako

"Talaga? Halaa Salamat talaga dahil sinabi mo yan. Sige, pupuntahan ko na siya at sasabihin ko na sa kaniya lahat!"
-Bea


Nang medyo nakalayo na siya sa akin, muli siyang lumingon at sumigaw.

"SALAMAT, KUYA MIKE! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tagalog One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon