Prologue:
Tik tak tik tak
Umaalingawngaw sa buong opisina ang tunog ng wall clock. HaloS labinlimang minuto na lamang at matatapos na ang kanyang night shift.
Nais niya nang mahiga at matulog sa kanyang kama.
'Lubhang nakakapagod ang araw na 'to.' Sa isip-isip niya.
Tik tak tik tak
Sampung minuyo na lamang ang hihiNtayin niya. Wala na talaga siyang gagawin sapagkat natapos niya na ito.
Sadyang kailangan niya lang sumunod sa kanIlang office protocol.
Tumayo siya sandali at kumuha ng maiinom na kape.
Tik tak tik tak
Sa wakas!
Ganap nang alas dose ng hating-gabi.
Inubos niya ang natitirang laman mg kanyang baso at mabilisang kinuha ang kanyang mga gamit at tumakbo papalapit sa pinto.
Ikinagulat niya ang mga sumunod na pangyayari. Kakatwang pumihit ang seradura kahit hindi pa man siya nakakalapit dito. Napatda siya ilang metro mula sa pintuang kanina niya pa pinaka aasam-asam na buksan nang sa gayon ay makauwi na siya.
Iniluwa ng pintuan ang isang babae na may kaputian, asul ang kulay ng mga mata at kulay abo ang hanggang baywang nitong buhok.
Hindi maipagkakailang napakaganda nito na lalo pang nangibabaw sa suot nitong gown na gawa sa gintong seda. Nakakatawang isipin na waring tumakas lamang ito sa isang kasalan.
May mga bahid ng dugo sa bestida nito at hapong-hapo siya na tila ba may humahabol sa kanya.
BLAG!
Marahas niyang isinara ang pinto at sumandal dito.
May ilang sandali nilang sinuri ang isa't isa.
Sa gitna nang magkahalong pagkamangha at pagtataka, sa wakas ay nahanap din ng binata ang kanyang dila.
"Sino ka?" Tanong niya sa dalagang matamang nakatunghay sa kanya.
"Hindi kita kilala" sagot ng babae.
Itinapat ng misteryosong babae ang kanyang palad sa mukha ng lalaki at nakaramdam ito ng matinding pagkahilo.
Napaluhod siya sa sahig sapagkat hindi niya kaya ang sakit na nadarama.
Muling hinarapan ng babae ang pintuan at muling binuksan.
Bagamat nanlalabo ang paningin ng lalaki, malinaw niyang nakita ang kalsada ng ibang bayan.
Pumasok doon ang dalaga at sumarang muli ang pinto.
Nawalan ng malay ang kawawang binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/13118118-288-k660820.jpg)