The Next Best Thing

155 5 8
                                    

"Hoy, tumigil ka sa kaiiyak mo! Tanga ka talaga! alam mo nang masasaktan ka ni-risk mo pa rin yang puso mo!" sigaw niya sakin

humikbi lang ako ng humikbi tapos inulit ko yung sinabi niya sa utak ko 'tanga ka talaga' humikbi ako ng malakas. di nagsasalita.

Lumapit sya sakin at pinapatahan ako

"Oh, sorry na wag ka na umiyak. Nandito naman ako mas gwapo pa diba?" sabi nya habang inaabot ang coke. Napatingin tuloy ako sa kanya, nakita kong tinataas baba nya yung dalawang kilay nya na palaging nagpapatawa sakin.

Napansin kong ako na lang yung tumatawa, tiningnan ko uli sya.

"Bakit?" tanong ko

"Pwede bang wag ka na umiyak? Ingatan mo naman yang puso mo." seryosong sabi nya

"Bakit?" tanong ko

"Kasi nasasaktan din ako..." sagot niya naman sakin

Niyakap ko siya

"Sorry...sana pala nalaman ko agad para di na ako iiyak." sabi ko walang hikbi hikbi

i kissed his cheeks

"Thank you." sabi ko

normal lang naman yun samin kiss sa cheeks.

"Joke lang yun, ang panget mo kasi umiyak langya! may uhog ka pa! yucks!" sabi niya at nangingiwi

Paul Kyzer Arellano, siya ang bestfriend ko, ang karamay ko ngayon, araw-araw, bukas. Kahit madalas niya akong binibwisit ok lang kasi alam ko sa huli siya pa rin yung nandiyan para tulungan ako sa mga bagay-bagay, halimbawa na yung ngayon heartbroken ang lola niyo pero ok lang kasi nandiyan siya.

Hindi ko kayang mawala si Paul, madrama na kung madrama he's the only thing i have, pero yung feelings ko kay Paul pang-bestfriends, pang-kapatid. Siguro may feelings ako before di naman mawawala yun tsaka tagal na rin eh.

Paul is...

Paul is...

My second priority.

 My next best thing.  

----------------------------------------------------------------------------------------

Paul's POV

*Bell rings*

Hay salamat uwian na, uuwi na ako.

Pero hindi. Sabay dapat kami umuwi ngayon.

i texted her.

Wala lang, alam ko kasing brokenhearted siya kaya kesa magkulong siya sa condo niya kakain na lang kami sa labas.

nakaupo lang ako sa parang brails dito sa harap ng Math building

Ang tagal naman nun!

bigla naman nag-ring yung cellphone ko.

~Alleine calling~

sinagot ko agad yun

"Hello? Asan ka na ba?" sigaw ko

"Ano ba ikaw ang nasan? kanina pa ako dito sa library." iritableng sabi niya

nagpalingon lingon ako anak ng tinola yan andun siya sa tapat ng library sabi ko dito sa Math building e! Pero ang totoo niyan di ako nainis na-inspire pa nga ata ako/ kung hindi maganda ang timpla ng mukha ko kakahintay sa kanya, Ngayon para akong naka-uno sa lahat ng subject ko sa sobrang saya. Pero dapat di halata. Binalik ko yung mukha ko sa medyo inis na itsura.

Naglakad ako ng mabilis sa kanya.

"Bakit ka dito naghintay? sabi ko sa may Math building e!!!" sigaw ko ng malakas sa kanya

The Next Best ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon