Prologue
Yakap ko ang tuhod ko habang tahimik na umiiyak.
Humalakhak siya kaya medyo napausod ako palayo sa kaniyang tabi.
Kahit na nakakatawa ang palabas ay hindi ko magawang tumawa. Magagawa ko ba 'yon kung ang katabi ko ay wala sa tama niyang pag-iisip?
Binalatan niya ang lollipop at isinubo iyon sa bibig niya. Napatili ako sa gulat ng bigla niya akong hilahin at inilagay sa kaniyang harapan.
Hindi kaagad ako nakagalaw sa panginginig.
"Bakit ka ba lumalayo?" Bulong niya sa kaliwang tainga ko.
Hindi ako kumibo. Ayokong makipag-usap sa kanya. Ayokong makipag-usap sa mga katulad niyang baliw.
Itinapat niya sa bibig ko ang lollipop.
"Isubo mo," sabi niya.
Umiling ako habang patuloy na lumalandas ang luha mula sa mga mata ko.
"Hala? Bakit umiiyak ka?"
"ISUBO MO!" Makatindig balahibo niyang bulyaw sa akin kaya napatingin ang ilang manonood sa aming puwesto.
Pilit niyang isinusubo iyon sa bibig ko kaya wala na kong nagawa kundi ang isubo iyon.
Natigilan ako ng bigla siyang pumalakpak. Hinaplos niya ang buhok ko.
"Yehey! Naka-indirect kiss na rin kita!" parang bata niyang sabi.
Niyakap niya ako mula sa likod. Mahigpit ito at parang ayaw akong pakawalan.
"Dito ka lang sa akin. . . habang buhay, Wendy."