Salamat sa mga magbabasa 😃😃 first time ko po ito na magpublish ng mga gawa ko. Sana magustuhan nyo.
Don't forget to vote, comment na rin kayo kung nagustuhan nyo yung short story ko na to. Para naman ganahan din akong gumawa pa ng mga short story. Salamat! God bless
-----------Going back to the corner
Jacob's POV
Tatlong taon na ang nakalilipas nung huli ko syang makita, nung huli ko syang mahawakan at maramdaman. Ang huling salita, eksresyon sa kanyang mukha at huling pagyakap sakin ang hinding Hindi ko makakalimutan. Kung paano nya ako niyakap ng mahigpit ay syang huling sandali na pala namin.
Sino sya? Sya Ang taong pinaka mamahal ko, ang babaeng mahal, minahal at mamahalin pa. Sya si Alisiah Rain Mallari o you can call her A for short
Akala ko nung una ko syang makilala sya na ang para sakin. Well sya naman talaga kaso hindi ko alam na panandalian lang pala.
Masakit oo pero kailangang tanggapin. Na lahat ng bagay ay nangyayare dahil may rason.
Nasa sa isa akong open-field ngayon nakaupo sa ilalim ng puno, habang inaalala ang bawat pangyayari ng buhay ko kasama sya.
+,+,+,+,+,
"What is your order sir?" Tanong nung kahera ng makarating ako sa counter ng isang fastfood resto.
"C3 meal please, tsaka pa add ng regular fries and drinks." Sabi ko at agad na nagbayad
Matapos makuha ng order naghanap ako ng mauupuan ko bitbit ang order ko at ang tanging bakante lang ay ang corner malapit sa bintana. Agad agad akong nagtungo dun, ng makarating na ako sakto rin namang may dumating na isang babae. Papaupo na rin siguro sya.
" Ah sige ikaw na!" Sabay naming sabi.. nagkatinginan kami, dahil sa ilang sa kanya agad akong nagkamot ng batok ko. Magpapaka gentleman na nga lang ako.
"Sige na ikaw na!" Sabay ulit naming sabi. At sa pangalawang pagkakataon, nagkatinginan kami. This time parehas kaming natawa.
Sinugest nya na magshare nalang kami ng table tutal table for two eto. Aaminin ko cute sya, maganda, ang tangos ng ilong, boyish type kaso ang kapansin pansin sa kanya ay yung pale nyang kulay.
Masarap sya kausap, nagpakilala sya as A yun daw kase ang nickname nya. Matapos nyang maubos ang inorder nya agad din syang nagpaalam, dahil may thesis pa daw syang kailangang tapusin. Sa konting oras na yun na nakasama ko sya. Nasabi ko sa sarili ko gusto ko syang makita ulit.
Dahil sa pangyayareng yun. Araw araw na akong nasa fast food na yun. Same time and place nagbabakasakaling bumalik si A. Pero lumipas ang isang linggo, walang A ang nagpakita. Nakakapanghinayang lang na Hindi ko nahingi yung number nya dahil sa hiya.
Gusto ko pa naman Sana ulit syang makakwentuhan. Hayst
Papaalis na sana ako sa kinauupuan ko ng may biglang umupo sa kaharap na upuan kung saan ako nakaupo.
Tiningnan ko kung sino yun at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ko sya.
"Hi!" Sabi nya at ngumiti.
"Hi?" Patanong kong bati. Agad syang natawa sa walang kwenta kong pagbati sa kanya. Mukha siguro akong tanga.
"Ang cute mo hahahaha" bigla akong nahiya,dahil sa hiya napakamot ako sa batok ko. At may kung ano nalang bigla ang nagpakaba sa dibdib ko
Hindi ako magaling sa mga ganito."Tapos ka na ba kumain Jacob?" Tanong nya. Oo nga pala paalis na nga pala dapat ako. Ano bayan? Gusto ko pa sya makasama eh.
"Aamm oo!" Sagot ko.
YOU ARE READING
Too short for us
Non-FictionPeople always come and go. May mga taong dadating sa buhay natin, na dun sa punto na papahalagahan natin sila ng sobra. Pero minsan dadating sila at papasayahin tayo at mamahalin pabalik akala natin mananatili na sila ngunit ang totoo pala'y napada...