---------
Zein's POVIt's been 7 years since everything happened, 7 years since me and Ace got engaged in that night. Sa buong pitong taon na iyon, maraming nangyari, maraming tampuhan at awayan, pero sa huli kami parin.
"Darling, bilisan mo naman, nandoon na silang lahat tayo nalang hinihintay," inis na sabi ni Ace. Pupunta kasi kami ng Hell University ngayon, para sa reunion ng batch namin. "Teka' lang ha? Saglit pwede?" inis ko rin na sabi.
After 5 minutes, sumakay na kami ng kotse at pumunta ng hell university.
"Mom, is kuya Shark there?" Tanong ng anak kong si Lion. "Yes, baby," sagot ko, at ngumiti. Nakarating na kami at pumasok sa loob ng Campus. It gives me a weird feeling being back here, all I can say is I missed it.May mga lamesang nakaayos sa gitna ng campus, at isang malaking projector sa stage. "Zein! Ace!" rinig namin na may sumigaw, at pagharap ko sila Matthew, Van, Jerome, Mia, at Dave pala. "Uy! Asan na yung iba?" tanong ko sakanila, "nandoon silang lahat, tara." sabi ni Mia, at sinundan naman namin siya sa table.
"Hello, bestfriend! Tara dito ka sa tabi ko," sabi ni Roxanne ng makita niya ako. "Hindi, dito lang siya." sabi naman ni Ace sabay hila sakin. "Fine, andaya niyo, ako lang walang lovelife dito." reklamo niya, at napatingin naman ako sa table namin, at napangiti dahil sa pitong taon na iyon magkakaibigan parin kami, lahat kami nandito at masaya. Ako, si Ace, Van, Mia, Je, Matt, Rox, Fritzy, Nicky, Nazz, at iba pa.
"Kaylan na ba lalabas yang anak mo, Je?" sabi ni Nazz, at natawa. "Hay nako malapit, mas excited ka pa ata samin ni Angel." sabi naman ni Matt.
"Ahhhh!" rinig naming sigaw ng isang estudyante, at dahil don, lahat kami ay napatayo, at naglabas ng baril galing sa mga waistband namin. "Shark, take Lion and hide." utos ni Ace kay Shark.
Pagtapos nun ay pinuntahan namin ang pinanggalingan ng sigaw, at napaface palm ng makitang may sinasabunutan lang palang babae si Alli habang pinipigilan siya ni Raze. Dali dali akong lumapit at hinila narin siya. "Hoy, ano bang nangyayari dito?" tanong ko, "Zein kasi yang babaeng yan kanina pa nilalandi si Raze eh, nanggigigil ako." sagot naman nito at umambang sasapakin ang babae. "Baby hindi naman, nako kahit may lumandi sakin ikaw parin." paglalambing ni Raze kay Alli.
"Yuck! Wag dito guys, omg rated spg!" maarteng sabi ni Rox. "Tara na nga, mga abnormal." sabi ni Nazz at nagsi balikan na kami sa lamesa namin, "O nasan yung anak ko?" tanong ni Alli. "Yan, Ace g*go ka asan na yung dalawa." sabi ni Ced, at agad ring binawi ng tiningnan sya ng masama nito.
"Sinabihang kong magtago, pano banaman kasi may sumigaw nung sinabunutan mo yung babae." sabi ni Ace. "Fine tara hanapin natin." Naghiwa-hiwalay kami at hinanap ang dalawang bata.
"Oy nakita ko na sila!" rinig naming sabi nila Mia sa earpiece. Dali dali kaming lumapit at nakitang nilalaro ni Madame Violet at Francisco ang dalawang bata.
Nakalaya na sila after 5 years, at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa nila, pinatawad naman namin kasi okay nanaman eh, tapos na.
"Madame, hello." sabi ko, "Hi, Zein. O ayan na pala mga magulang niyo, sige Zein, puntahan lang namin si Harry." si Harry ang adopted son nila a year ago lang. "Sige po, Madame. Thank you sa pagbabantay." sabi ni Ace, at saka kami bumalik ng lamesa.
"Hay nako, tumatanda na talaga tayo no? Parang dati lang nakikipagpatayan tayo dito sa mismong lugar nato, pero ngayon, wow, may mga anak at asawa na tayo." sabi ni Je. "Oo nga ee, never kong inisip na may magkakagusto sayo," pang aasar naman ni Cedric, at lahat kami ay nagtawanan.
"Settel down, alumni's. Ipapakita na ang powerpoint presentation." rinig naming sabi ni Madame sa mic. Lahat naman kami ay tumahimik sa narinig at magfocus nalang sa projector.
Ng nagstart na ang video, pinakita nito ang mga pictures at video ng mga past events nung batch namin. Nang matatapos na ang video naramdaman kong nakaakbay si Darling sakin. "I love you, Darling." sabi niya sakin sabay halik sa noo ko.
Nang matapos na ang reunion, nagsitayuan na kaming lahat. "Hayst, buti nalang talaga dito nakaenroll mga anak natin no?" sabi naman ni Alli, "oo nga ee, parang di ko pa kayang iwan tong lugar na to," sagot naman ni nicky.
"Pero syempre, Salamat Supremo. Ikaw nagpasaya ng stay namin dito." sabi ni Ced sabay yakap kay Ace, "epal, kala mo dito nag aral." sabi ni Nazz, at nagtawanan kaming lahat, at nagsimula ng maglakad palabas, ng Hell University. Palabas sa unibersidad na kinilala namin noon.
Salamat, Hell University, Salamat Supremo.
