Hindi madaling mamuhay mag-isa. Pero mas mahirap mamuhay pag di mo kilala ang kasama mong ubod ng tahimik.
Si Liza ay labimpitong taong gulang. Mabait, matulungin, maalalahanin, masayahin at masipag. Sa katunayan nga'y working student siya. Malayo sya sa kanyang pamilya dahil sa probinsya nag-aral si Liza. At dahil dito'y nangungupahan lang sya isang maliit na apartment.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may dalawang lalaking manghihimasok sa bahay nya... At lalong-lalo na sa buhay nya.
Samahan nyo si Liza sa kanyang love story Under One Roof.
Chapter 1
Hindi madaling mamuhay mag-isa. Pero mas mahirap mamuhay pag di mo kilala ang kasama mong ubod ng tahimik.
"BREAKFAST IS READY!" paggising ko sa napakacute na nilalang na ito.
"Ano ba?!"
"Yes! Narinig na din kitang magsalita. SA WAKAS!"
"Wag ka ngang maingay!" galit nyang pagsigaw sakin.
"Ang arte mo naman Paolo!"
"Hoy Ms. Liza Solomon Pangilinan! Baka gusto mong magtoothbrush bago ka magsalita dyan. Polluted na tuloy 'tong kwarto natin." pangaasar nya.
"Aiyeee! Alam nya buong pangalan ko."
Hindi ko aakalaing ganito pala kagwapo 'tong makakasama ko sa kwarto. Buti nalang pinilit ako ni Mamang.
- - - - FLASHBACK - - - -
Tok! Tok! Tok!
"Liza? Liza!"
Ang aga namang bisita nito. Hay nako! Sira beauty rest ko!
"Teka lang!" sigaw ko.
Pagbukas ko ng pinto...
"Oh! Mamang, kayo pala. Good morning!" sabay halik ko sa pisngi nya.
Si Mamang lang pala, ang pinakamamahal kong landlady. Sa lahat ng tinirhan ko dito sa lalawigang ito, dito ako nagtagal. Napakabait kasi ni Mamang. Para ko na syang Nanay.
"Pasok po kayo. Nag-umagahan na ho ba kayo?"
Biglang tumawa 'tong si Mamang.
"Bakit po kayo tumatawa?"
"Eh naku naman kasi, Hija! Napakadilim dito sa kwarto mo. Di mo tuloy namamalayan oras. Nagovertime ka nanaman siguro kagabi no?'
Napatingin ako bigla sa PowerPuff Girls kong wall clock.
12:17
"12:17PM na?! Mamang!!! May pasok pa ako mamayang 12:30! AAAAAAAHHHHHH! Maliligo muna ako Mamang. Teka lang, teka lang. 5 minutes ha? Mwah mwah tsup tsup! Feel at home!" pagpapaalam ko sa kanya.
Nang biglang hinawakan ni Mamang ang braso ko para di ako makaalis.
"Naku, hija, may emergency lang kasi eh." Bakas ang pagkabalisa sa mukha nya.
"Mamang, ano ho yun? May problema po ba kayo? Makikinig po ako." malumanay kong sinabi sa kanya.
"Eh kasi Liza, yung kambal ko kasing pamangkin..."
"Ano pong nangyari Mamang? Naaksidente po ba? Ano po?" taranta kong tanong sa kanya.
"Hindi Hija, lilipat kasi sila mamaya dahil dito sila magaaral sa susunod na semestre."
"So what's the problem with that my dear Mamang?"
"Walang bakanteng kwarto Neng." sagot nya.
"Naku! Malaki ngang problema yan Mamang! Paaalisin nyo na ba ako dito? Huhuhu!" pagiinarte ko.
"Hindi Hija. Alam mo namang mahal na mahal kita kaya di ko magagwa sayo yun. Ganito kasi sana, ikaw lang naman may pinakamalaking kwarto dito. Baka pwede mo ng isiksik ang dalawa kong pamangkin dyan."
"Kayo naman Mamang, wala namang problema dun, basta ba pareho silang babae. You know naman, mahirap na, sa ganda kong ito." sabay kindat ko sa kanya.
"Eh yun na nga ang problema, pareho silang lalaki."
BINABASA MO ANG
Under One Roof
Teen FictionHindi madaling mamuhay mag-isa. Pero mas mahirap mamuhay pag di mo kilala ang kasama mong ubod ng tahimik. Si Liza ay labimpitong taong gulang. Mabait, matulungin, maalalahanin, masayahin at masipag. Sa katunayan nga'y working student siya. Malayo s...