Chapter 1

1.8K 38 4
                                    

~~Culeen~~
Krrrriiinnnggg!!

Leche! Sinong naglagay ng alarm clock sa kwarto ko.

Hinagis ko yung alarm clock at narinig kong tumama iyon sa pader.

Tinakip ko yung unan sa buong ulo ko at natulog ulit.

Krrrriiiinnnggg!!

Bwiset! Saan na namang alarm clock iyon.

Kinapa ko yung cellphone ko sa gilid ng unan at tiningnan ang oras.

11:00 am. Not bad

Pumasok na ko sa banyo at ginawa ang morning rituals.

Pagkatapos ko eh bumaba na ko sa kusina para kumain.

Naabutan ko dun si mommy na ginagamit yung laptop.

"Good morning" sabi ni mommy at tumango ako.

Pinaghain ako nung isang maid at nagsimula na kong kumain.

"Culeen, you have to go back to the Philippines" nabulunan naman ako sa sinabe ni mommy kaya inabutan ako ng tubig nung isang maid.

SERIOUSLY??

"I'm not kidding Culeen. You have to go back to Philippines" but why?

"Kailangan mong mag-aral sa school mo" what the?! Ako mag-aaral. Alam ko na yung mga lesson at sa pagmamay-ari ko pang school ako mag-aaral.

"Here's your passport and other documents, mamaya ng 3:00 ng hapon ang flight mo kaya you have to pack your things now" pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Pagkatapos ko kumain eh inayos ko na yung mga gamit ko na dadalhin sa Pilipinas. Grr. Bakit kailangan ko pang umuwi.

Nagbihis ako ng fitted jeans at simple black shirt at converse shoes.

"Where you going?" tanong ni mommy.

"Mall" simpleng sagot ko at nagpunta sa garahe para bisitahin ang mga alaga ko.

20 motor at 25 na kotse.

Ginamit ko yung isang motor ko at nagpunta sa mall.

Pagkapasok ko sa mall eh nagpunta agad ako sa bilihan ng mga damit.

Bibili ako ng kung ano-ano. Kumpleto na naman lahat ng gamit ko. Ang boring kase sa bahay kaya nagpunta akong mall. Namili lang ako ng mga shirts and eyeglasses. Yeah, yung pang-nerd at shades. I love eyeglasses.

Ang totoo eh hindi naman talaga Malabo ang mata ko at type ko lang mag-salamin.

Pagkatapos ko mamili dun eh nagpunta ako sa bookstore at bumili ng napakaraming libro.

Well, pwede kong bilhin lahat ng gusto ko at may malaking discount. Kami may ari ng mall na to eh -___-

Tiningnan ko yung wrist watch ko at malapit ng mag 1:00

Tinawagan ko na lang si butler John na dalhin lahat ng pinamili ko.

Pagkadating ko sa bahay eh tinawagan ko muna si kuya.

"Oh, long time no see younger sister"

"You will see me tomorrow" nilayo ko agad sa tenga ko yung cellphone

"WHAT!!!???"

"Yeah, bye" sabi ko at binaba na ang cellphone.

He's my older brother. His name is Kevin Mein Park.

And oh, I forgot.

I'm Culeen Ice Patricia Park. Daughter of the richest family in the whole Asia. Yes, mayaman kami.

~~Kevin~~ (Culeen's older brother)

What the f***

Uuwi na dito si younger sister.

"Oh, namutla ka ata Kevin" sabi ni Dieuxx.

"A-ah ano ka-kase"

"Diretsuhin mo na kaya" sabi ni Ethan sabay subo ng toblerone.

"Si you-younger sister u-uuwi na"
Nabuga naman ni Ethan yung kinakain nyang toblerone.

Nabitawan ni Dieuxx at Sean yung cellphone na hawak nila.

Si Nhiko at Nathan eh nabuga yung iniinom na tubig.

Sabihin nyo ng OVER ACTING kami pero nakakatakot talaga sya.

Huli nga namin syang nakita eh naospital kami.

Binato ba naman kami ng daggers.

Huhuhu. 😭 ayoko pang mamatay.

"Kailan daw sya uuwi" kunot noong tanong ni Sean.

"Bukas" sagot ko at natulala naman sila.

Sana hindi pa kami mamatay.

Pramis lord, hindi na ko magiging playboy.

~~Culeen~~
"Bye Culeen, ingat" sabi ni mommy.

Sumakay na ko ng kotse at sumakay sa private plane na pag-aari namin.

Nagpasak ako ng headset sa tenga ko at natulog.

--------------------------------------------------------

Sorry guys kung maiiba yung flow nung story at maiiba rin yung ibang names.

I'm very sorry po 🙏

Mr.Popular meets Ms.Cold NerdWhere stories live. Discover now