PATRICIA"Hi! Matagal ka nang kinukwento ni Mama sakin. Patricia pala." - inabot ko ang aking kamay sa bisita ng aking step father.
"Hi, i'm Basty."
"At last, I've finally meet you." -ngumiti siya biglang sagot ng "Me too."
"Hi Paps. Ano? Pagod?" -agad ko namang niyakap ang step dad ko pag pasok neto sa bahay.
"Oo, ang traffic na sa Manila, ang init pa pag dating ko dito sa Gensan."
"Tsss. Arte, alam ko namang yung gawa kong ice cream ang namiss mo. Hahaha"
"Haha very good. Sya, kumuha ka na don at para matikman naman ni Basty este ni Uncle Basty mo yung gawa mo."
"Uncle?" -napakunot ang noo ko pero tinulak lang ako ni papa sabay sabing, "sa Uncle mo tanungin, pagod ako."
Sumunod naman si Basty este Uncle Basty sa akin sa kusina. Halos kaedad ko lang siya, parang nakakahiya naman kung tatanungin ko pa ang tungkol don.
"Ihahatid ko lang tong ice cream kay paps ha? Babalik po ako." -ang awkward. Nag po po ako sa halos ka edad ko lang.
Pagbalik ko sa island ng kusina...
"So, di mo alam ba't Uncle moko?"
Umiling ako. Magtataka ba ako kung alam ko? Duh
"Bunso ako nina Kuya. Binenta ako ng Nanay namin para may ipambili ng gamot para kay Tatay noon."
"What the f*ck?! Di nga? Totoo?!"
"Haha ang oa naman ng reaction mo? Oo nga. Sanggol pa ko non. Kinalimutan ko na rin. Napakayaman ng mga foster parents ko, pero mas pinili kong maging totoo sa sarili kesa mag yabang ng hindi naman dapat para sa akin."
"Hey, i'm sorry about that po."
"Haha ano ka ba? Saka pwede, tigil-tigilan moko sa kaka po mo? Magkaedad lang tayo."
"22?"
"Yes 22."
"Pero mag uuncle pa din ako sa'yo. Pero teka, ano nga bang ginagawa mo rito?"
"Wala, bakasyon? Ewan?"
"Ang labo mo."
"Yeah. I am." -he smirked
"Gusto kasi ni Daddy na pag-aralin ako sa America pero ayaw ko, yun yung panahong bago ko lang nakilala ang totoong mga magulang ko at namatay pa pagkatapos ng maikling panahon. But, I'm fine. I thank God na kahit pa ano, nakilala ko pa sila."
Napakalalim niyang tao. Na aamazed ako sa kanya. Akalain mo yun? May tao pa palang ganto?
Dumating si Mama mula sa palengke, ako naman ready na ako for my meeting at 4pm sa isang hotel. Isa akong wedding planner, kaya naman nagpaalam ako na ako sa kanila.
"Aalis ka?"
"Yes Uncle. Meron akong meeting sa GL."
"Oww I see."
"Sige Uncle I gotta go. Baka ma late pa po ako. See you later."
"Ingat."
"Ma, Pa, maybe sa labas na rin ho ako mag didinner."
"Sige anak. Ingat ka. You have to close that deal."
"Yes Ma."
"Bye Pat."
I smiled and waved my hand.
"Bye Uncle."
Author's Note: Please use #TSR by posting on twitter or facebook.