Prologue

23 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Tumagilid ako sa pagkakahiga at inabot ang cellphone ko na nasa mesa katabi ng hinihigaan ko.

Nagulat ako nang napuno ito ng mga messages at notifications galing sa facebook.

Napabalikawas ako ng tayo nang maalala kong ngayon ang 18th birthday ko. Oh my God! Oh my Goood! Napatalon-talon ako dahil sa excitement na naramdaman.

"Yaya!" Sigaw ko. "Yaya!" Ulit ko dahil walang atang nakadinig sakin. "Yayaaaa!!" Nilakasan ko oa upang maabot sa sala.

"Anak ano ba! Wala tayong yaya. Masyado kang imahesyonera." Nakailing na sambit ni mama na pumunta sa kwarto ko para masabi lang yun.

Ay oo nga pala.

Hindi kami mahirap, hindi naman kami mayaman. Katamtaman lang. Engineer ang aking ama habang nasa bahay lang si mama.

"Kael!"

"Oh ate" antok na sagot nito. Naabutan ko siya sa kwarto niyang nakahega pa at walang planong gumising.

"Huy! Kaarawan ko. 18 na ako Kael, 18!" Diin ko sa pagiging legal ko.

"Oo alam ko. Just get out of my room, ate. Mamaya kana mang utos, please" aniya at nagtago sa kumot para hindi maistorbo.

Lumabas na ako sa kwarto ni Kael at pumunta sa kitchen. Naabutan ko naman si mama roon na naghahanda ng almusal.

"Happy Birthday, anak!" Bati ni mama nang namataan ako at hinalikan sa cheeks.

"Thanks ma. Ano yang niluluto mo?"

"Ah bacon anak. Nga pala, anong oras pupunta ang mga kaibigan mo dito?"

"Mga hapon pa po ma para hindi mainit" sabi ko nang ngumunguya ng grapes na nakahelera sa dining table namin.

"Oh sige. Ihahatid yung mga pagkain ngayong alas tres ng hapon."

Tumango lang ako. Dumiretso ako sa likod ng bahay namin at pinagmasdan ko ang catering design na pagmamay-ari ng kaibigan ni mama. Buti nalang at malaki ang lupa namin, at kasya sa bakuran naming may maganda ang landscape.

I took a deep breath.

Napangiti ako sa imahinasyon ko. Dadalo si Jake, ang crush ko since freshmen ako.

Nagtungo na ako sa room ko at hinanap ang dress na susuotin ko ngayong araw bago ang programa sa debut ko.

Faded blue and white ang kulay nito na may kaiklian. Off shoulder ang stilo niyo at lace naman ang tela. Naligo muna ako bago ko ito isinuot.

Pagkatapos kong maligo, agad akong pumunta sa harap ng salamin ko kung saan nakapwesto ang make-up kit at iba pang mga beauty products.

Nagsimula akong maglagay ng light make up. I drawed a fleek eyebrows, applied brown eyeshadow and liqiud eyeliner. I make a not so obviois noseline on my nose dahil matangos na ang ilong ko and contoured my cheekbone para mas lalong maging klaro at maganda ang shape ng aking mukha. Lastly, pink lipstick para magmukha akong fresh.

Natural na maalon ang aking buhok sa dulo habang straight naman sa ibabaw.

Gosh! I look so pretty.

Nag selfie ako at inupload ito sa instagram at facebook with caption 'Happy legal age day to me! See you later everyone.'

Bumaha naman ang notifications ko sa likes at comments nito. Napangiti ako sa mga greetings ng aking mga friends, school friends, social media friends and neighborhood friends.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My 18 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon