chapter 1

22 0 0
                                    

hindi makatulog si lina. Pabaling-baling siya sa higaan. Hindi niya malaman kung tatayo o uupo. Hindi siya mapakali sa kaiisip nang pupuntahang orientation kinabukasan. Natanggap siya para mag-training sa Latinos, isang restaurant. Akala nga niya ay hindi siya makakapasa dahil high school graduate lang siya. Gustuhin man kasi niyang magkolehiyo ay hindi naman pupuwede dahil kapos sila sa pera. Kaya nang sabihin ni mang fred na hindi muna siya papasok sa kolehiyo ay gumuho ang mga pangarap niya. Nagdesisyon kasi ang ama na pagtapusin muna ang nakakabatang kapatid na si jhon sa high school. Saka na raw siya magpatuloy kung makakaluwag na. Lima silang magkakapatid. Siya ang panganay at pitong taong gulang pa lang ang bunso nila. Mahirap lang sila dahil clerk lang sa city hall si mang fred. Hindi rin ito nakatapos sa pag-aaral at walang eligibility kaya kahit labing-apat na taon na sa serbisyo ay hindi parin napu-promote, Si aling rose, ang nanay nila ay tumutulong sa carinderia ng kapitbahay kaya kahit papano ay may pagkaing pang araw-araw at nakararaos. Pero madalas sa wala ay talagang hikahos sila. Muntik na nga siyang hindi makapagtapos nang high school dahil hindi siya nakapagbayad sa requirements para sa graduation at tuition fee, wala rin siya sa yearbook dahil hindi siya nakapagpakuha ng litrato dahil wala silang pera.

Tinitignan ni lina ang mga natutulog na kapatid at magulang. Nakahiga ang mga ito sa banig at manipis na mga kumot at unan. May nag-iisang katolna nakasindi at isang electric fan na nababalutan ng tali at masking tape para hindi bumagsak. Napabuntonghininga siya. Gustung-gusto na niyang umasenso dahil kahit kailan ay hindi niya naranasang guminhawa ang buhay nila. Konsolasyon na lang namasaya ang pamilya niya at hindi kailanmannaririnigna nagtatalo ang magulang lalo na kapag wala silang pera. Hindi ipinaririnig at ipinararamdam sa kanila na walang-wala talaga sila. Kaya naman pursigido siyang na umasenso, para kahit man lang ang mga nakakabata niyang kapatid ay hindi na maranasan ng kahirapang dinanas niya. Alam niyang kapag nakatapos sa kolehiyo ay mas malaki ang maitutulong niya sa panilya. Hindi naman siya sobrang matalino para bigyan ng iskolarship. May itsura lang siya, hindi masyadong kagandahan. Sipag lang talaga at determinasyon kaya nagpursige siyang makatapos, kesehodang lakarin niya ang tatlong kilometro makapasok lang siya sa eskwelahan. Umaasa pa naman siyang maigagapang siya sa kolehiyo pero sa sitwasyon nila ngayong nag-aaral na rin ang bunsong si berna ay talagang mahirap lalo't magulang lang niya ang nagtatrabaho st kakarampot pa ang kinikita. Kaya namasukan na rin siya sa carinderia. Naghuhugas siya ng pinggan at minsan ay nagluluto din.

May pagkakataong naiisip niyang pumunta ng japan o mag-domestic helper kaya sa saudi. Marami na kasi silang kapitbahay at mga kababatang nakaalis na at maginhawa ang pamumuhay bagamat marami ring nagbalik na mga bigo. Saka hindi siya papayagan ni mang fred. Kahit daw silay mahirap ay hindi makakayanan ng konsensiya nitong isugal ang anak sa mga ganoong uri ng trabaho. Nag-promo girl din siya at namigay ng sample ng shampoo at sanitary napkin sa mga grocery pero hindi rin naman permanente iyon. Pati nga paglalagay ng sticker sa takip ng ballpen ay niraraket niya.

Kaya nang dumaan ang kaibigan nitong si pamela yayain siyang mag-apply sa Minute burger , hindi siya nag dalawang-isip. Mas malaki ang ibinabayad doon kumpara sa sinasahod niya sa carinderia. Maganda ang benepisyo at may pag-asang mapermanente pa siya.

Kinabahan nga siya nang nag apply dahil naririnig niya ang mga kasabay na nag i-inglesan at pawang estudyante sa kolehiyo. Gusto nga niyang umalis pero kasama niya si pamela na malakas ang loob. Tutal ay naroon na raw sila at sayang naman ang pagod nila kung patatalo sila sa takot na nadarama.
"Lina Bargamento?" hanap ng HRD assistant sa nakaupong mga aplikante.

Itinaas ni lina ang kamay. Pinasunod siya ng HRD assistant sa isang cubicle. Habang naglalakad ay nanginginig ang mga paa niya. Ngayon lang siya nakapasok sa isang corporate na opisina. Nakapustura ang lahat ng empleyado at naka-coat o blazer ang mga tao dahil sa lamig na dulot ng aircon. Pinagmasdan niya ang paligid at nakita ang mga nagkukuwentuhan at nagtatrabahong mga empleyado.

you and iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon