chapter 2

7 0 0
                                    

Kumiriring ang alarm clock ni Zian. Bahagya lang gumalaw ang bintana sa tinutulugan. Naka-set ng alas singko ng umaga ang alarm clock para magising siya. Hindi kasi siya nasanay bumangon nang maaga.

Kung hindi lang talaga niya kailangan ng pera ay hindi siya magtatrabaho. Biro mo,si Zian casia ay magtatrabaho bilang crew ng Latinos? Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan niya? Paniguradong kantiyaw ang aabutin niya. Mabuti na lang at hindi kumakain ang mga barkada niya sa Latinos. Kung hindi ay patay na ang social life niya.

Second year college na si Zian for the last three years. Mass Communications ang kinuha niya pero parang nagpapakadalubhasa sa kurso dahil inabot ng limang taon ay hindi pa graduate. Hindi naman siya bobo at basagulero pero delingkwente talaga. Tamad mag-aral. Panay lakwatsa at gimik. Walang araw na hindi siya nakikita sa mga sikat na bars sa makati at malate. Life of the party. Kaya nagdesisyon ang mga magulang na tumigil na sa pag-aaral ang binata dahil nasasayang lang and pera. Umalis ang mag-asawang Casia at hindi isinama si Zian sa biyahe sa abroad. Ang masaklap, sinadyang hindi siya iwanan ng allowance kahit panggasolina ng kotse. Tanging sulat ang naabutan ni Zian pagdating sa bahay pagkatapos maglakwatsa sa Boracay nang halos dalawang linggo.

To our dear son Zian,

We are vey sorry to leave you behind out we think this is for the best. We know this will be hard on you but you have to face the reality that sooner or later, your dad and i will never be around to help you. Maybe this time, you should think hard on what to do with your life, we decided not to leave your allowance so that you'll realize the things that you've taken for granted is only achieved through our blood, sweat and tears. We are tired of telling you what to do because you're an adult and it pains us everytime we scold you. We love you so much that we hate to see you wasting your youth on worthless pursuits. You need not worry regarding the house, it's taken care of already and there will allways be food for you but aside from that, you will have to fend for yourself. We love you very much. Take care

Love, Mon&Dad

P.S. Sorry for leaving on such short notice and don't even think of selling the stuff in our house. Malalagot ka sa amin!

Akala ni Zian ay nagloloko lang ang mommy at daddy niya pero inabot na ng isang linggo, dalawang linggo at ngayon ay isang buwan na ngunit hindi parin bumabalik ang mga ito. Tanging postcard sa iba't ibang bansa at resort ang natatanggap niya buhat sa magulang. Sa huling e-mail ay sinabi ng mga itong sa switzerland mamamalagi pansamantala.

Nakakahiya man ngunit kahit ang yaya nitong si Aling Viring ay nautangan na ni Zian. Naubos na rin ang kakarampot na savings niya at sarado na ang accounts ng mga ATM niya. Noon pa pinaputol ng Daddy niya ang kanyang mga credit cards dahil inabot ng thirty five thousand pesos ang outstanding balance na binayaran ng magulang gayong kung tutusin ay supplementary lang and card niya. ang mga personal na gamit ni Zian katulad ng playstation, CD Walkman at koleksiyon ng imported comic books ay nasa salaan at naipagbili na.

Hindi na rin siya umiistambay sa mga clubs na laging pinupuntahan at kung may tumatawag na mga kaibigan ay ipinasasabi kay Aling Viring na out of town siya. palagi siyang nagkukulong sa kuwarto dahil wala namang mapuntahan at naglalaro na lang ng computer games, ang tanging gamit na hindi niya maipagbili. Akala ni Aling Viring ay nagpakamatay na si Zian dahil sa hindi na lumalabas ng kuwarto kaya madalas siyang katukinng matanda para tsekin kung buhay pa ang alaga.

"This is not happening to me," usal ni Zian. Hindi siya makapaniwalang gagawin ng mga magulang ang matagal nang ibinabantang isang araw ay mawawala na lang ang mga ito at papaano na siya mabubuhay dahil wala siyang alam. Parang pelikulang Home Alone pero mas malala.

Isang araw ay hindi na niya nakayanan ang pagkamiserable at lumabassiya ng bahay. naglakad siya nang naglakad at sa unang pagkakataon, naramdaman ni Zian ang lungkot ng pag-alis ng mga magulang at kawalan ng magawa sa buhay. Nagmuni-muni siyang panahon na para baguhin ang kanyang lifestyle at kailangan na talagang makapag-isip ng pagkakitaan. Ngayon lang niya naramdaman ang dagok ng paghihirap dahil kahit pambili ng banana cue ay wala siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

you and iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon