Night with Aries

40 3 0
                                    

Isang tahimik na hikab ang kumawala sa bibig ko habang pinagmamasdan ang papalubog nang araw, mula sa bintana ng apartment ko.

Marahan akong yumuko para punasan ang maliliit na butil ng luha na namumuo sa gilid ng mata ko dahil sa antok.

Halos magkakalahating oras na din akong naghihintay, nasaan na kaya 'yun?

Ako nga pala si Emi, bente otso anyos. Simple lang. Naninirahan akong mag-isa at nagtatrabaho bilang manager ng isang coffee shop.

Nga pala, bukas na ako ikakasal.

Agad na napatigil ako sa pagmumuni nang marinig ko ang ingay ng doorbell. Mabilis naman akong tumungo sa pinto upang pagbuksan ito.

As expected, bumungad sa harap ko ang lalakeng pinakamamahal ko, gaya ng palagi, nakangiti siya at bahagyang sumisingkit ang mga mata.

"Aries, Ba't ang tagal mo?" May halong pagtatampo ang tono ng boses ko.

Kumurba muna ang mga labi niya bago sumagot.

"Pasensya naman po, pero may maganda akong dahilan kung ba't ako nalate." Ibinaba niya muna ang mga plastic bag na dala niya bago dahan-dahang lumapit.

Isang halik sa noo at mahigpit na yakap ang bumalot sa akin.

Damn. He really knows how to keep my cool.

Pumikit na lamang ako at pinakiramdaman ang paggalaw ng kamay niya na tila ba may kinukuha malapit sa likod ko.

There he goes, and his cute little tricks.

Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko at tumambad sa harap ko ang isang litro ng chocolate ice cream na hawak niya. Labis ko naman itong ikinatuwa.

"Yaay! My favorite." Para akong bata sa naging reaksyon ko. Kumikislap pa ang mga mata ko habang tinatanggap ito.

"Sobrang haba ng pila sa convenience store, halos pumutok na nga ang mga ugat ko sa binti sa sobrang tagal kong nakatayo do'n."

"Waaa thank you." Mangiyak-ngiyak kong sabi at niyakap ulit siya. Bahagya niya namang ginulo ang buhok ko.

"Anything for you, Emi. Ilang araw mo kaya akong pinariringgan na gusto mo ng ice cream, hindi pa ba ako bibili no'n?" Humahalakhak siya habang ipina-pat ang ulo ko.

-_-

"Grabe ka, hindi ako nagpaparinig no. Expressive lang talagaakong tao." Sagot ko at mahinang itinulak ang mukha niya papalayo.

Well that was half true, half lie. Expressive naman talaga akong tao, pero totoo din namang pinaparinggan ko siya that time.

Alam ko kaseng di niya ako matitiis.

****

"So, anong lulutuin natin?" Tanong ko sa kanya habang nilalagay ang ibang pinamili niya sa lamesa ng kusina.

"Adobo?"

"Sounds delicious. Ako na maghihiwa ng mga spice." Pagpresenta ko at inihanda na ang mga gagamitin.

Habang hinihiwa ko ang sibuyas, hinuhugasan naman ni Aries ang manok sa lababo.

Narinig ko ang pagpatay niya sa gripo kaya naman lumingon ako para tingnan kung tapos na nga ba siya. Ngunit bago ko pa man natanaw ang likod ko, naramdaman ko nalang ang bigla niyang pagyakap sa akin mula rito.

"Aries?"

"Ba't ka umiiyak?" Tanong niya sakin kaya't agad naman nakunot ang noo ko.

AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon