Nakita kong nag iimpake si Nicole ng gamit niya. Curiousity kills nga naman. Kaya syempre nagtanong ako. "N-Nicole, Saan ka pupunta? Bakit ka n-nag iimpake?" Nauutal kong sabi
Nginitian niya ako at pinunasan ang luha ko. Naiyak na pala ako? Haha nakakaloka. "Nag aayos lang ako ng gamit para pag biglang lumindol dadalhin ko kaagad yung gamit ko."
Patuloy pa rin ako sa pag iyak. "Sabihin mo na kase yung totoo" pilit ko siyang kinukulit ng kinukulit si Nicole hanggang sa sinabi na niya.
Huminga siya ng malalim. "Bestie, pupunta na kami ng States. Di ko lang alam kung makakabalik pa kami. Sorry Bestie ah" tumayo na siya at akmang aalis pero pinigilan ko siya.
"Bestie, pano na yung sabay tayong pupunta sa concert ng BTS? Sa SNSD? Diba? Yung bibili tayo ng Army Bomb? Nag-ipon nga tayo ng sabay eh tapos bigla nalang ako nalang ganon? Di pwede! Pano pa yung sabay tayo magtatrabaho sa mamahaling restaurant? Bestie, pano yung pupunta tayo ng Korea ng sabay? Ha?!" Sunod-sunod kong sabi sa kanya.
Kumalag siya sa pagkakahawak ko sa kanya at tuluyan nang lumabas ng bahay nila. "Bestie wag mo ko iwan dito ka nalang" nangingiyak ngiyak pa ako habang tinatawag si Nicole.
Binitawan niya lang ako at natumba ako sa lupa. Bigla nang bumubos yung ulan. Lagi naman tong nangyayari sa mga movies eh. Kapag nalulungkot ka, sasabayan ka ng ulan.
"Bestie, huwag mo ko iwan"
Patuloy ko pa rin siya tinatawag.
"Andito na ako Bes..."
Naramdaman kong may humawak sa likod ko... unti unti akong tumingin sa likod ko... m...m...MULTO!
"Hi Bes"
_____________________
"AHHHHHHHHH!" Nakakaloka naman yung panaginip ko este BANGUNGOT. Hayy. May luha na pala ako sa kanan kong mata. Agad kong pinunasan yung mata ko.
Tumayo ako para lumabas ng kwarto ko. Pagkahawak na pagkahawak ko sa doorknob, may narinig nanaman ako...
"Hi Bes"
B-Bes?...
_____________________
A/N: Hi Guys thank you sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa nito. Promise mas maganda toh kesa sa mga ginawa kong ibang stories hahaha. Yung iba ko kasing stories nasa unahan yung climax. Don't worry, etong story na toh go with the flow na LabLats.Anyway yung pangalan pala nung bida is Francee Meriel Aljohn. Thanks!
BINABASA MO ANG
Ghost Friend
Teen FictionA girl... A Ghost... Friendship... What else? A girl... A Bestfriend... A Ghost... Sometimes, hiniling nalang ng isang babae na magkaroon siya ng kaibigang LAGI nandyan sa tabi niya. I think nagkatotoo naman. Kaya hayyy. Ayan siya namomroblema...