1: Necklace

3 0 0
                                    

Francee's picture ↑↑,
Lalisa Pranpiya Manoban
Ang name niya! Siya si Lisa
Sa BlackPink tnx

***
Buti nalang at summer na. Oh well heto ako ngayon. Pauwi na galing sa bakery. Bumili muna ako ng tinapay pangmeryenda ko. Nakakagutom kasi sa bahay. Pero bago ako umuwi napag-isip isip ko munang tumambay dun sa may playcourt (playground at court na magkatabi).

Napagdesisyunan kong umupo sa swing habang nanonood sa mga naglalaro sa court. Pero siyempre may kasama akong mga bata.

Maya-maya may dumaan na batang may ice cream pero nadapa siya. Nagsimula na siyang umiyak. "Ahhhhhhhh! Ahhhhhhhhh! Yung Ice Cream ko nahulog!"

Hay nako obvious naman na nahulog yung Ice Cream niya pinagsisigawan niya pa. At ang napansin niya pa ay yung Ice Cream niya imbis na siya mismo. Tsk tsk tsk.

Tinulungan ko nalang yung batang bumangon at ibinili nalang siya ng bagong Ice Cream.

"Bata, sa susunod mag-ingat ka ah? Huwag ka na madadapa ulit ngayon ok? Baka masayang ang pera ni Ate."
Ginulo-gulo ko pa yung buhok niya. Para naman siyang naaliw sa paggulo ko ng buhok niya. Tsaka siya tumawa ng cute.

Ay? Bipolar? Kanina iiyak tas ngayon tatawa? Kalog lang?

"Ate! Ano pong pangalan mo?" Angcute niya talaga! Umupo ako para magkapantay kami atsaka hinawakan yung isa niyang kamay na walang hawak na Ice Cream. Mahirap na baka matapon ulit.

"Francee, ate Francee nalang ang itawag mo ok?" Tsaka siya tumango-tango. "Eh ikaw, ano pangalan mo?"
Medyo natahimik siya. Iniisip ba niya yung pangalan niya?

"B-Bonny?" Nagtatakang sabi niya. Wow siya pa ang nagtaka ah. Parang inisip niya lang ata yun. Hay mga bata talaga. Umalis na si Bonny at kumaway siya. Pati ako kumaway na rin.

Napatingin naman ako sa mga naglalaro habang kumakaway kay Bonny. Nagtataka yung iba na nakatingin sa akin at palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Bonny.

Pagtingin ko sa direksyon ni Bonny, napatigil ako sa pagkaway.

"B-Bonny?" Ako naman ang nagtaka ngayon. Bakit siya biglang mawawala. Kaloka lang ah. Di ko nalang siya napansin. Napagdesisyunan ko nang umuwi.

Pag talikod ko muntik na ako mapasigaw dahil may nakita akong matanda sa harap ko.

Nginitian niya lang ako at kinuha ang kamay ko. Ewan ko, kusa ko nalang binigay eh.

"Hija, napakabait mo naman. Kailangan mo naman ngayon ng gantimpala dahil sa kabaitan mo." Wow Gantimpala-Gantimpala effect pa ganern? Hahaha para san naman yun?

"Nako po Lola, baka po nagkakamali kayo, ano pong bait?" Nagtaas ng kilay si Lola dahil sa tanong ko. Ay taray ah? Taas-taas kilay effect din. Big time ang lola mo ah!

Bigla naman nag-iba ang emosyon niya at bumalik sa ngiti. May iniabot naman siyang kwintas sa kamay ko.

"K-Kwintas po? Bakit po? Para saan po ito?" Ngumiti nalang siya. Grabe angcreepy na ni lola ah. Di na nakakatuwa ah.

"All souls may live again..." binitawan niya na yung kamay ko. Napatingin ako sa kwintas at tinignan ng mabuti yung kwintas. Color blue na crystal siya na Heart yung pinaka item.

Pauwi na nga pala ako! Tinago ko nalang ying kwintas sa bulsa ko at tumakbo pauwi...

*BAHAY*
Ayan nakauwi na ako sa wakas. Nakakapagod yun ah. Nilapag ko muna yung binili kong tinapay. Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim. Hmf! Baho! Ayy jk.

Nagmuni-muni muna ako at iniisip yung sinabi nung matanda...

"All souls may live again..."

Ghost FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon