CHAPTER ONE

1.1K 4 2
                                    

     Kasalukuyang nakaupo si Cassandra sa may stool. Nasa palengke siya ngayon sa may pwesto nila kung saan ay may mga paninda silang gulay. Ala-una pa lang ng hapon kaya hindi gaanong maraming tao.

     Napatingin siya sa mag-asawang matanda na dumaan. Naalala niya tuloy ang Nanay at Tatay niya sa probinsiya. Taga probinsiya nga siya. Narito lang siya sa Maynila upang makatulong sa mga magulang. May isa siyang kapatid, si Katie na ngayon ay nasa third year high school. 

     Nakita niyang papalapit na sa kanya si Angel. Kaibigan na niya ito simula nang tumuntong sila sa Maynila. Pareho sila nitong dalawampu't tatlong taong gulang. Magkatapat sila nito ng tindahan. Mga prutas naman ang paninda ng mga ito.

     "Mukhang malungkot ka ah!" puna nito.

     "Naaalala ko lang sina Inay at Itay pati din si Katie sa probinsiya." aniya.

     "Nakalulungkot talaga 'yan girl. Wag mo muna silang isipin baka malungkot din sila doon."

     "Oo nga eh. Hindi lang talaga maiwasang hindi ko sila maalala."

      "Girl mukhang may mayamang costumer ah." nakangising sabi nito na nakatingin sa may di kalayuan sa kanila.

      May humintong magarang kotse na kulay itim.

      "Unahan mo na." natatawang sabi niya rito.

     Pag may costumer kasing mayaman ay agad itong nilalapitan ni Angel. Karamihan nga sa mga costumer na bumibili ng prutas ay dito na lumalapit eh. 

     As usual ay katulong ang lumabas mula sa magarang kotse. Palagi naman eh! Natatakot sigurong madumihan ang mga mayayaman kaya katulong ang pinapababa para bumili.

     Nasa mid-forties na ito.

     "Sige girl ha, wait lang baka maagaw pa ng iba." tumatawang sabi nito kaya pati siya ay natawa.

     Agad itong pumuwesto sa labas ng tindahan ng mga ito.

      "Good Afternoon po. Prutas po." nakangiting sabi nito sa babaeng katulong na lumabas sa kotse.

     Ngumiti naman ito at lumapit kay Angel. Talagang magaling ito pagdating sa costumer.

     Namili ang matanda ng mga prutas.

     "Tito Tyler..,labas po tayo. Sige na po please. Gusto ko po samahan si Yaya sa pamimili." pangungulit ni Jillian sa kanya.

     Sinulyapan ni Tyler ang pamangkin. Kanina pa siya nito kinukulit na lumabas. Anak ito ng ate niyang si Tyra Franceska at ang asawa nitong si Rex Benitez na isang business man din.

     "Okay basta't sasama ako ha." nakangiting sabi niya dito at pinisil ang mamula-mula nitong pisngi. Limang taong gulang pa lamang ito.

     "Yehey! You're the best talaga." anito at hinalikan pa siya nito sa pisngi.

     "Oo na." natatawang sabi niya dito.

     Napatingin si Cassandra sa lalaking lumabas mula sa kotseng binabaan din ng katulong na ngayon ay namimili ng prutas sa tindahan nina Angel.

     Muntik na siyang malaglag mula sa kinauupuang stool nang makita niya ito. Alam niyang napaka-gwapo nito kahit nasa malayuan lang niya ito nakikita. Naka-business suit ito.

     Binuksan nito ang pinto ng kotse nito. Akala niya girlfriend nito pero isang cute na bata ang bumaba. Agad na tumakbo ang bata papalapit sa matandang bumibili kina Angel.

     "Jillian.." habol ng gwapong lalaki.

     Lumingon naman ang bata. 

     "Come on Tito Tyler..,habulin mo ako." bibong sabi ng bata. Malapit na ito sa matanda nang mahuli ito ng binata. Agad na kinarga ito ni Tyler. Humalakhak naman si Jillian.

A Special Night to Remember #1- My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon