LANCE POVHayss grabe talaga yung babae kahapon .. Hindi ba sya nagwapuhan sakin? Tsk! Tapos sasabihin nyang mayabang ako ..
Mayabang ba ako?
Haha di naman minsan lang ..
Grabe! Sumakit talaga yung tyan ko kakatawa sa itsura nya kahapon ..
Biruin nyo naka uniform , syempre naka palda sya tapos naka rubber shoes Wahahaha.
Hanggang ngayon pag naiisip ko yon , natatawa pa rin ako ..
Kase syempre , halos lahat ng babaeng nakikita Kong pumapasok sa school eh naka suot ng heels minsan naman flat shoes tapos sya rubber shoes hahaha grabe! ..kakaiba talaga ang babaeng yon.
Sya lang yata ang babaeng nagpatawa sakin ng ganito... Hahahaha.... Yung halos mahiga sa sahig...
Nandito ako ngayon sa kwarto ko , naghahanap ng damit na maiisusuot kase pupunta ako ng mall para bumili ng school supplies kase mag ta-transfer kasi
ako sa bagong school ..
States kase ako nag-aaral eh kaso nakakasawa na kaya naisipan Kong dito na lang mag-aral ..Pababa na ko ng makasalubong ko si mommy.
"Anak , naipasok na pala kita sa bagong school mo .... Sa rich university..sa Monday daw pwede ka ng pumasok"
Actually sabado pa lang ngayon ....so Monday pala ako papasok ..
"Ah , sige po ma .. Punta po muna ako sa mall"
Pumasok na ko sa car ko at pumunta na ng mall..
*****
AUDREY's POV
Its Saturday , at balak Kong pumunta sa mall para gumala ....syempre tatawagan ko si Bess para may kasama ako ..
Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang # nya
Dalawang ring palang sinagot na nya..
"Hello bes bakit ka napatawag?"
"Ahm... Pwede mo ba akong samahan sa mall?"
"Bess, sorry di kita masasamahan ngayon .. Marami kasing ginagawa sa bahay eh"
"Ah sige ok lang .. Ganyan ka naman eh"
"Eto naman, wag ka ng magtampo may next time pa naman "
"Sige na .. Haha.. Niloloko lang kita.."
binaba ko na yung tawag at nagsimula nakong mag bihis dahil kahit na di ko sya kasama at least kaya Kong mag isa .
Nakakamiss din pala yung kasama mo palage eh ...hindi mo na kasama ngayon ...hay nako zach
Aish! Tama na nga baka magka iyakan pa eh ..
Nagbihis nako .
Ang suot ko lang naman eh white plane t-shirt at jeans ..syempre naka cap ako ng black tapos naka brade yung buhok ko..Pagbaba ko, syempre naabutan ko yung kuya ko na nag babasa ng dyaryo..
Si mama at si papa .. Umalis sila kanina pang umaga para sa business nila sa ibang bansa.
Kaya si kuya lang ang kasama ko dito ..
Actually graduate na si kuya ng college .. Minsan naman nasa bahay lang sya minsan naman sa office ..
"San ka pupunta?"
Tanong Ni kuya habang nakatingin pa rin sa dyaryo."Sa mall "
"Ng mag isa?" Sabay tingin sakin
Kasi dati tuwing mag mo-mall ako may kasama ako kung hindi si zach si beshie..pero hindi pa nakikita Ni kuya si bess kasi laging wrong timing kung dumating si bess sa bahay kaya laging wala si kuya..
"Kuya , don't worry OK lang ako tsaka sanay nako mag isa noh ?
Kahit hindi."Sure ka ?" Paninigurado nya.
"Sure na sure kuya , sige na bye !"
Sabay takbo papunta sa kotse..
***
After 15 minutes , nakarating nako sa mall ..Waahhh! Namimiss ko ng inumin yung Parang shake na may strawberry..
Kaya pumunta ako sa loob ng mall para bumili ..
Wala pang 10 minutes nakabili nako
...na miss ko to ..Ayan ...iinumin ko na sana kaso.......
May bumangga sakin at sinabing...."Ikaw na naman"
Hi guys please vote and comment..
Bukas ulet ako mag a-update..
YOU ARE READING
How To Move On
Teen FictionMove On? paano nga ba mag move on? sabi nila uminom ,humanap ng iba ,maglakwatsa o kaya mag bar...tss para naman akong magrerebelde.. Oo nga madaling sabihin ang salitang yan pero sa totoo lang mahirap gawin. Ginawa daw ang break up hindi para masak...