Uno

5 0 0
                                    

Summer na summer ang pakiramdam..

Tagaktak na pawis at nanunuyong lalamunan..

At sa kalagitnaan ng parking lot ay hinihintay ko ang tatay kong bumalik sa jeep namin at nang maka uwi na kami.

Ako nga pala si Ishi.

Ashanti Arevalo ang real name ko. Pero mas feel ko tawagin sa pangalang Ishi. 16 years old pa lang ako. NBSB (no boyfriend since birth)
Boyish, isip bata at maingay. Yan ang kadalasang description sa akin ng mga tao.

Anyway, bakasyon ngayon at eto isinama ako ng aking father dear dito sa palengke.

Habang abala ako sa kakaisip kung paano ako pupwesto ng higa dito se jeep napansin ko ang isang binatilo na nasa kabilang sasakyan.

Bakit parang kanina pa nya ko tinitignan?

Sinubukan ko siyang pasimpleng silipin. At yun nga, naka tingin nga sya sakin.

Nag kunwari akong napatingin sa kanya, baka sakaing umiwas ng tingin..
Pero ayun sya at lalong nagpapansin..

Sa ilang ko sumunod ako sa tatay ko sa pwesto namin sa palengke. Oo, may pwesto kami sa palngke.  Nag titinda kami ng karne ng baboy.

Hahanapin ko na lang tatay ko kesa mabilad pa sa initan..

Naglakad ako papasok ng palengke sa pag aakalang di naman ako susundan nung lalaki kanina sa parking lot, pero pag lingon ko sa kabilang pasilyo ay nandun sya at naka tingin sakin.

Hindi ko naman masyado napansin ang itsura nya. Hindi ko naman kasi ugaling tignan ang muka ng hindi ko kilala lalo na pag tinititigan ako.

Naku naman. Bakit ba kase nay ganitong eksena. At sa kamalas malasan ay wala pala tatay ko sa pwesto. Nakita ko si kuya Art.
Isa sa pinsan ko na boy din namin.

"Kuya, san si Daddy?" -ako

"Hintayin mo na lang daw muna sya dun sa sasakyan kasi may pinuntahan pa dun sa kabilang building." Sabi ni kuya.

Napa buntong hininga na lang ako at naupo sa isang bangkito na nadoon sa gilid. Naisip ko na dito na lang hintayin ang tatay ko kasi mainit sa sasakyan. Bumalik naman si kuya art sa pag liligpit ng mga itak at sangkalan.

Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Minsan lang ako isama dito ng tatay ko. Una dahil nag aaral ako. Pangalawa dahil bata pa ako at payatot. Sabi kasi nila maka di ko daw kayanin ang trabaho dito, pero dahil stop ako ngayon ay mapapadalas na pag sama ko dito sa mga magulang ko.

Padako tingin ko sa lalaking nasa may di kalayuan.
Siya yung binata kanina na sumunod sakin.
Ngayon ay may kausap na siyang isang dalagang maputi at matangkad.
At mukang ako pinag uusapan nila dahil naka tingin sila sakin.

Ngayon ko lang napansin ang itsura nya.

Hindi sya katangkaran, baka nga kasing taas ko lang sya.
Maputi siya pero hindi naman sobra.
At cute ang muka niya.
Ngumiti pa siya kaya nakita ko ang pagka lalim-lamin niyang dimples sa magkabilang pisngi. Mapungay din ang kanyang mga mata.
sa kakatingin ko hindi ko na namalayan na napatagal na pala ang pag titig ko sa kanya at mukang lalapit pa sila.

Agad akong umiwas  ng tingin at nag kunwaring may tinatanaw sa malayo.

"Miss, pwedeng malaman pangalan mo?" Sabi nung babae na kasama nya kanina.
Nilingon ko sila ngunit agad ding nag iwas ng tingin.
Hindi talaga ako sanay nakikipag usap basta sa iba.

Nahihiya man ay sumagot na din ako.

"Ishi name ko" nahihiya kong sabi.

"Ako nga pala si Jenny, tapos ito naman kaibigan ko si  Aldrin."
Pakilala nila sa sarili nila.

Hindi ko tinanong pero sinabi na lang nila. Hindi talaga ako sanay sa pakikipag usap. Dagdag pang ilang sakin na tinititigan ako nung Aldrin.

Ngumiti na lang ako at nanahimik. Dun ko lang napansin na ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ang ganda ng pangalan nya no?" Nadinig kong sabi nung Aldrin.
Hindi ko alam kung pano mag rereact sa ganung sitwasyon. Gusto ko ngumiti kaso hindi ko alam kung tama bang ngumiti ako.

Oo. Ako na kakaiba. 1st time kase na may ganitong pang yayari sa buhay ko. Ang alam ko lang kase ako yung nagkaka crush.

Dinadaan ko pa sa pasimpleng sulyap ang pag silay.
Kung may nagkakagusto man sakin. Di ko alam.
O baka wala naman. Kase pakirdam ko hindi naman ako kagandahan.

Hindi naman kase ako nagagandahan masyado sa sarili ko.
Ang buhok ko ay buhaghag.
Morena ang balat ko. Kaya pangarap kong pumuti kaso never na yun mautupad dahil ito na yata natural na kulay ko.
Hindi matangos ilong ko, pero hindi naman din pango.
Hindi rin flawless ang balat ko dahil na din sa mahilig ako sa takbuhan noong bata pa ako kaya may mga peklat ako.
Bilugan ang mukha ko at payat ako.
Tapos di pa biniyayaan ng malaking hinaharap. Asan na hustisya di ba?

Kaya nag tataka ako ngayon na may naka pansin sakin.

"Uuwi ka na ba?" Tanong sakin ni Jenny.
"Oo, pag dumating na yung tatay ko." Sagot ko sa kanya.

Hindi naman kumikibo si Aldrin pero panay ang titig nya sakin habang naka ngiti. Napangiti na lang din ako.

Ilang minuto pa at dumating na din si Daddy. Kaya nag paalam na ko sa kanila. Dahil mabilis lumakad ang tatay ko nahuhuli ako.
Bago pa kami tumawid ni Daddy papuntang parking ay nag salita si Aldrin.

"Ingat ka ha. Mamahalin pa kita."

At yun! first time na nakaramdam ko ng kakaiba sa dibdib ko.

Ano itong pakiramdam na tila gusto ko magtatalon sa tuwa. Ang bilis ng kabog na dibdib ko.
Tila gusto ko tumili.
Kinikilig na ba ako?

Pag ibig na ba ito?

------------->

May maka relate kaya?
May mag basa kaya? Hahaha!

Nga pala.
Pasenya na kayo if ever may babasa. Trying hard pa ko mag sulat. :)

That thing called "Pag-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon