Dos

1 0 0
                                    

Masarap siguro mainlove..

Sabi kase nila.
Ang pinaka masarap na pakiramdam sa buhay ng tao ay ang mag mahal.

Since maaga namatay si Mommy at hindi naman ako pala kwento ng nararamdaman ko sa mga ate ko, ay wala akong idea kung ano ba ang tungkol sa love..

Minsan lang akong napayuhan ni Mommy na wag daw ako mag boyfiend ng maaga. Hayaan ko daw na makalagpas ako ng 18 years old bago ako mag subok.

Ok naman saken yun. Sa totoo lang wala pa din naman akong planong mag boyfriend. Natutuwa lang ako sa tuwing makikita ko ang crush ko.

Yung wala syang idea na crush ko sya. Tititigan ko lang sya mula sa malayo..
Pag napatingin sya sakin ay ngingitian ko sya na parang friends lang kami..
Tapos pag talikod ay saka ako titili ng impit at ngingiti ng todo..

Dun lang masaya na ko..

Sa edad kong 16 wala pa akong naranasan na maligawan..


Ngayon pa lang.


Isang araw may dumating na pagkain para daw sakin.

Tinanong ko sa nag dala kung sino mag bigay, sagot sakin secret admirer ko daw.

Ung totoo? Baka naman may lason di ba?

Since hindi ako tiwala sa mga bigay na di ko alam kanino galing ay hindi ko ginalaw yung pag kain.

Hanggang lumapit sakin si Jenny.

"Uy Ishi, mag miryenda kna daw. Baka daw lalo kang pumayat." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Sa kanya ba galing to?" Na ang tinutukoy ko ay si Aldrin.

"Oo, kanina ka pa nya tinitignan eh. Di mo daw kinakain yung padala nya."

Inilibot ko ang mata ko sa kabuoan ng palengke, hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang taong nasa di kalayuan na naka tingin sakin.

Sumenyas sya na kumain na daw ako saka ngumiti.
Yung killer smile nya.

- ayan nanaman yung napaka gwapo nyang ngiti...

Pero dahil ayokog mahalata nya natutuwa ako. Ngumiti lang ako ng pasimple..

Ngiting pabebe sa panahon ngayon..

Oo, isa akong babaeng pilipina..

Hindi kase uso sa ngayon ang babae ang nanliligaw..
Year 2000 pa lang po..

(AN: year 2000 pa lang po sa chapter na ito)

Kinuha ko ang pagkain pero di ko pa din ginalaw.
Ewan ko ba pero hiyang hiya kase talaga ako..

Pakiramdam ko nga ang init init na nag pisngi ko..

Di kaya nag kukulay kamatis na ako?

Hinayaan ko lang na titigan nya ako..

Niyuko ko na lang ng todo ang ulo ko..

Bakit ba kase trip na trip ni Aldrin titigan ako mula sa malayo.

Sumiple ako ng tingin sa kanya, at ayun pa rin sya, naka tingin sakin.

Nahuli tuloy akong sumulyap sa kanya..

Bumuka bibig niya na parang may sinasabi..
Kaya sumenyas din ako ng ano  (o_O)?

Inulit naman nya..
Sa pag kakataong ito nagets ko na..

Sa buka ng bibig nya sinabi nyang i love you..

Nagulat ako..
Pakiramdam ko maiihi na ko sa kilig na naramdaman ko..

Pero sumagot pa rin ako ng
( 0_O)  "Ha?"

Para kunyari di ko maintindihan..

Ilang ulit pa nya ginawa ang pag senyas kaya bandang huli ay tinawanan ko na sya..

Nang makita nya akong tumatawa ay napakamot sya ng ulo..

Cute! Sa isip isip ko kung hindi lang bawal pa mag ka boyfriend, sinagot ko na siguro sya..

---

Nag patuloy pa ang ganitong klase ng kulitan naming dalawa..

Nag sesenyasan mula sa malayo..

Padala pa din sya ng padala ng kung ano ano..

Minsan sopas sa miryenda, pansit o chichirya..

Hindi kami nag uusap ng malapitan..

Bukod sa hindi ko kayang mag salita pag malapit sya..
Kase yung puso ko parang gusto nang mag tumbling sa dibdib ko sa sobramg lakas ng kabog nito..

Tapos yung kamay ko super lamig na kala mo nag yeyelo..

Siya din.. hindi maka kibo..

Panay lang ngiti pag malapit na..

Nauutal din dila pag nag simula nang mag salita..

Yung bang di ko alam kung kinakabahan sya kase tagaktak pawis nya..

Kaya mas enjoy kame pag mula sa malayo..

Mas komportable ako na kausapin sya ng pasenyas senyas lang..

Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng sulat..
Walang pangalan..

Binuksan ko ito at binasa..

Eto ang naka lagay:

Mahal na yata kita..
Madalas laman ka ng panaginip ko sinta
Muka mo ay hinahanap hanap tuwina

Pag di ka masilayan sa maghapon
Puso ko ay parang nilason
Kulang ang araw na di ka makasama
Pagkat ngiti mo ang sakin nagpapasaya

Wag ka sana magalit
Kung madalas ako sayo ay mangulit
Dahil nais ko lamang sana
Atensyon mo ay sakin lang sinta

Mahal na nga yata kita..
Dahil makita lang kita
Ako ay sumisigla
Mahal na nga yata kita...
Dahil iba ang pakitamdam pag kapiling ka..

Sana...
Isang araw...
Mahal mo na din ako..
Sana..

Title: Mahal Kita
From: Aldrin

JuiceColored!!!

Yung puso ko!
Pakihabol please!

---

Yung tula..
Naisip ko lang bigla..
Sana nagustuhan nyo..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That thing called "Pag-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon