Age Doesn't Matter

258 4 3
                                    

The Story starts here...

Hello! Ako nga pala si Gian. Isa akong high school student. Palatawa, chubby at magaling kumanta. Nung una, sabi ko sa sarili ko na.. "Hindi muna ako maiinlove, pero tuwing nakikita ko siya  iba ang nararamdaman ko eh. Hindi ko maiwasang mapangiti. Para bang may "SPARK" pagnakikita ko siya. Pero alam ko na hindi kami para sa isa't isa. Kasi siya nasa elementary level at ako naman nasa high school level. Pero sabi nga nila "AGE doesn't matter." Basta pag LOVE, it all matters for me. 

Ang pangalan nga pala niya ay Mark. Oh diba? Pangalan pa lang ang gwapo ng pakingggan. HAHA! Well, ganito kasi yun nagsimula. Nasa service kaming dalawa. Pauwi na kami nun. Tapos edi nasa gilid ako diba? Yung ID ba naman niya kasi nakatali dun sa handle ng service tapos nung umandar na yung service natamaan ako sa mukha. Eh, medyo nabwisit ako kasi.. akalain mo ba naman, sa dami dami ng pwedeng lagyan ng ID eh dun pa sa handle at malapit pa sa akin. (-_-) Buti na lang inalis niya at nagsorry naman siya sa akin. Kaagad ko namang tinanggap yung sorry niya.

Tapos ng bumaba na siya sa service, bigla akong napatititg sa kanya at sinabi ko ng mahina na.. "ang GWAPO pala niya." Eh, alam niyo naman ako konting tingin lang sa lalaki bigla ng naiinlove. Haha! Ewan ko ba! Pati yung kapatid ko ganito din. Parang pareparehas lang kami ng ugali. HAHA! Tapos biglang narinig ng conductor namin yung sinabi ko tapos bigla na niya akong inasar ng inasar hanggang sa malaman ni Mark na crush ko na siya.

The next day, kinwento ko sa mga kaibigan ko yung mga nangyare kahapon sa service at sinabi ko rin na crush ko yung si Mark. Ang akala buong akala ko magbibigay sila ng magandang advice ng biglang sabi nila na hindi daw kami bagay kasi may girlfriend na daw yun. Edi syempre nalungkot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Para bang hindi ko maiguhit sa akin mukha kung ano ba ang nararamdaman nung araw na yun. (_ _|l) 

Sa mga araw na nakalipas, unti-unti ko na siyang nakalimutan. Move-on ba. Nawala na yung "SPARK" at pati yung pagkainlove ko sa kanya. Yung pag dalaw-dalaw ko sa profile niya, nawala na din yun. Siguro nga tama yung mga kaibigan ko na hindi talaga kami bagay at hindi para sa isa't isa. Siguro nga may tamang tao din ang nakalaan sa akin at sa kanya. Kaya yun, wala munang love love siguro. Study muna (^_^) marami pa akong pangarap sa buhay ko. Ayokong masira ng dahil lang sa ganun. (^_^) 

So I guess this is it! Masyado ng akong madrama.

THE END!

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon