Nagtutulog-tulugang Prinsesa

66 1 0
                                    

hmmmmmmmmmmmmm hindi po ako ang gumawa ng naGtutulog-tulugang prinsesa ang aking  best friend po ang gumawa,,, gusto ku lang po ishare sa mga readers sa wattpad ... hehehE at like q rin po isigaw kung ano ang nararamdaman ng anking HONEYPOTS ngAYOn............................................. osya ito na ang NAGTUTULOG-TULUGANG PRINSESA

VOTE COMMENT LIKE PO SANA HAHAHAHHA

***********************

***********************

************************

“Nagtutulog-tulugang Prinsesa”, version ko ‘yan ng “Sleeping Beauty”. Sana maintindihan n’yo sa huli kung bakit.

“Nagtutulog-tulugang Prinsesa”

By: Hyacynth Bruce

Naaalala ko pa noong unang tayo ay nagkita,

Tahimik ako, walang pakialam at madalas na nag-iisa,

Hindi ko naman alam na ika’y magiging isang matalik na kaibigan,

Masayang pagsasama at mga tawanan, walang iwanan!

Naaalala ko pa noon ang iyong “Pinky Swear”,

Pagtatama mo sa mga kakaiba kong “Grammar”,

Maituturing ka ngang isang taong matalino,

Isa ka sa nakilala kong matino.

Sa lahat ng aking bisita tila ikaw lang ang hindi nasita,

Ng aking ama na may pagka-mapangmata,

Pag-galang mo sa nakatatanda dyan ako humahanga,

Pagbabahagi ng iyong talino ay walang katumbas at ibang iba!

Hindi malabong mahulog sa iyo ang tulad ko,

Oo, amanin na natin ang damdamin ko,

Ngunit ano ang gagawin sa pusong takot magkamali?

May remedyo ba sakaling ako ay maging sawi?

Pilit na itinago ang nadarama sa iyo,

Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensyon ko,

“Awkward” mang maituturing ang nararamdaman ko,

Iba pala ang pakiramdam kapag tumibok ang puso.

Sa mga panahong nagpupuyat tayo kaka-“Y!M”,

Do’n lumabas ang mga katagang simple ngunit malaman,

Ang mga tulang ating binuo ay nagsisilbing kayamanan,

Na walang makaka-angkin kahit sino pa man!

Dumating ang araw na ako’y pinaglaanan mo ng panahon,

O, kay saya ng nadarama sa bawat pagkakataon,

Kahit hindi man tayo, ako’y kuntento na,

Dahil espesyal ako sa iyo at iyon ang mahalaga!

Ngunit walang permanente sa mundo kung hindi pagbabago,

Mga landas natin ay tila biglang nagbago,

Sa isang dahilang hindi maipaliwanag,

Ang mundo ko’y tila nabawasan ng liwanag.

Ngayong halos isang taon na ang nakalipas,

Alaala natin sa puso ko’y hindi pa rin kumukupas,

Kahit may malagim na araw ang sumira sa ating samahan,

Ikaw pa rin ang sa puso ko’y naka-tahan.

Sinubukan kong tumingin sa karamihan,

Hindi hamak na mas guwapo naman ang ilan,

Bakit puso ko’y ikaw pa rin ang nilalaman?

Kahit tila puso mo’y sa iba na nakalaan.

Napag-alaman kong dumating na ang gabing hinihintay mo,

Ang maisayaw ang isang prinsesang nais mong mapa-sa’yo,

Ang gabi n’yo raw ay walang hanggang kasiyahan,

Puso mo’y may hindi maitagong kasiyahan.

Masaya ka at ako’y masaya para sa iyo,

Kahit ngayong ang puso ko ay nagdurugo,

Mga bagay na sinayang ko noon,

Ay ang mga bagay na sana’y mayroon tayo ngayon.

Naaalala ko pa ang musikang inilaan mo sa akin,

Isang musikang tila nababagay sa atin,

Ang pag-asa kong maibabalik ang nakaraan,

Ay hindi makakayang baguhin ng sino man.

Prinsesa mo’y walang kasing dikit,

Tila marami ang sa kanya’y naaakit,

Ako nama’y prinsesang magtutulog-tulugan,

Umaasang pagka-gising ko, damdamin ko’y iyong matugunan.

 **********************************************************************************

guys sya po un gumawa ng Nagtutulog-tulugang Prinsesa

------------------------------------------------>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nagtutulog-tulugang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon