chapter 1: TRIAD

5 0 0
                                    

Ashie

You can kill, but you can't save them. ” that's our life. Forgive and forget. You can't save your targets unless you'll kill another one na connected sa ipapasa mong report. Bawat report ay binibilang ng mabuti para ma-evaluate yung rankings. Once a month ina-announce ang rankings kaya kung ikaw ay nanguna for a 12 consecutive months. It'll be your chance to meet the real demon, angas diba? This ruthless world, Sa ayaw 'ko man o sa gusto papatay at papatay ako to survive. Wala e ganito na pinili kong environment. Once na maging isa ka sa eviction line ng rankings. Tiyak ilang segundo tutumba ka na agad.

All gangs must have know more about the real identity of every gang's main piece. Masks and codenames, usually yan lang ang nalalaman nila. Kaya mahirap para samin tirisin yung mga harang sa dadaanan namin. Hindi mo alam kung insekto lang o halimaw na pala. Once you enter and  drop yourself immediately yun na yung tatawagin nilang 'The End' sa storya mo.

Kalahati mismo ng kaluluwa namin nasa kabaong na, while the other one? Patuloy paring nag dadasal.

Triad- isang bagay na may tatlong sulok.

Triad gang has been divided into three groups. Tatlong grupo, tatlong levels, tatlong namumuno. At wala na akong pake kung anong tawag sa ibang grupo. Nakalimutan ko eh

Papasok pa lang ako ng ABM building ng biglang bumulaga sakin ang kumpulang tao sa may bulletin board. Magka lapit lang kasi yung bulletin board at yung papasukan kong entrance ng building. Santiago High is a kind of university na yung mga students nag hihilahan pababa. Sabik sa awards like honors and such stupid stuffs.

“ Ms. Rodriguez ” tawag ng isang tinig ng lalaki. Lumingon ako at nakita ang mukha ng aking paboritong guro. “ Oh sir! ” sagot ko. Habang lumalapit siya sa kinaroroonan ko.

“ kailangan mong sumama sakin! ” sambit nito ng may awtoridad na tono. Sumunod na lang ako, that's life hehe.

Tumakbo kami papunta sa isang Dorm building. “ sir ba't tayo nandito? ” pumasok kami sa building at bumulaga sakin ang mga dilaw na tape. There you go ashie... It's your time now.

“ Her name's Valyn Santiago. Anak ng chief of director ng University. Matalino, laging nangunguna sa klase at laging nakangiti. Hindi pa ito alam ni Mr. Santiago and I feel sorry about what happened. ” sambit nito at sandaling yumuko at biglang hinatak ako sa loob ng kwarto.

“ s-sir ba't ba ako nandito? Hehe ” Feeling ko iulit ko yung tanong ko, kasi hindi naman talaga niya sinagot yung tanong ko nung una ok.

“ Ang sabi ng mga pulis ay suicide ang lahat pero hindi ganon si Valyn. Alam kong hindi ito basta suicide. Please, gawin niyo ang lahat.”

Lawrence Angeles, mukhang anghel apelyido palang. Ngunit pag nasa isang case, asahan mo. Guguho mundo niyan.

“ oww Mr. Angel you're here! ” I greeted his serious awra. Nginitian niya lang ako. Yeah, matino talaga siya kausap.

I started to explore this room. Maliit lang siya, yung sala, kwarto magkasama pero yung kusina nakahiwalay.  Seriously? Anak ba to ng chief?

Napansin ko ang dalawang baso na nakalagay sa lamesa. Hinipo ko ito at tumingin sa parte ng mga pulis na nag kukumpulan. “ anong oras nakita ang biktima?! ” agad kumunot ang noo ng isang lalaking matikas ang katawan at may bigote na hindi naman ganon ka-kapalan.

“ Ashie Credo, you're also here! Ba't kaya ang daming mga bata ngayon ang sinasayang ang buhay nila. by the way around 7:00-8:00 am nakita yan.  ” Inspector Vladimir Eugenio, nasa 40's na ang age nito, nakalimutan ko lang. Isa si Inspector Eugenio sa itinuturing kong laruan. He's one of my soldier, para kung may maganap na checkmate. I'm ready, I have my four aces in this game. Binigyan ako ng gloves ni Inspector para kung may evidence ay hindi ma-contaminate.

Hinipo ko ang biktima, rigor mortis didn't affect yet. Thank G mahirap hanapin ang oras ng pagka matay nito. Tch, I rolled my eyes and started to roam around the victim's body.

“ no. It isn't a suicide. ” may diin ngunit nag babanta ang tono nito. Tila sinasabing wag pangunahan ang nakikita niya. He's serious right now.

Tumango lang si Inspector Eugenio. And gave me a howdidheknow look. Tama nga, there's a foul play happened.

“ nakuha mo na? ” bigla kong napansin muli ang dalawang baso na nakapatong sa lamesa ng biktima. At ang mga bintanang nakasara. Ang aircon na mahina ang pag buga ng hangin. Now it really make sense to me.

“ height... Look Inspector, sinong tanga ang mag papakamatay kung yung lubid na pag sasabitan niya sa sarili niya ay hindi niya abot? Masiyadong mababa ang biktima at yung pag kakatali ng lubid ay halos kasing taas ni Mr. Angel. Kung mag papakamatay ka, dapat hindi mo na pahirapan sarili mo ” I said and flash a grin on my soldier.

I saw a crumpled paper at the edge of the table, natatakpan ng pitsel kaya siguro hindi nakita. Pero may mali talaga dito..

Around 7-8:00 am nakita ang biktima. It's already 8: 10am, 7:30 nag sisimula ang klase. Sino ang nakakita sa biktima? Malamig pa ang baso. Let's say 7:30 namatay ang biktima, kaya pa ba yon?

It's friday the 13th HAHAHA
RN YZXP

Napa upo ako ng malaman kung ano ang laman. Agad kong tinago ang papel. He's back..

He's definitely back.

Primo Eclipse, the second disciple. Primo is my greatest nightmare. Hindi ko alam kung nakikipag laro lang ba siya para mapataas ang rank o sadiyang alam niya na kung sino at ano ang itinatago ko. Pilit ko siyang inuunahan sa pag kuha ng kaniyang katauhan. Ngunit, lagi akong nabibigo. But this time, I'll make sure he'll meet his oh so gorgeous father, Lucifer.

Tumingin silang lahat sa puwesto ko. Lawrence have those instinct kung ano ang nang yayari. Common sense ika nga. Matagal ko ng karibal sa larong to si Primo, and he already know about this kind of drama. If Sherlock have Moriarty, Conan have those syndicates. While me have Primo the second disciple. Siguro'y pag hahandaan ko narin mismo ang nalalapit na laro ni kamatayan. It's either I'll drop my mask, or I'll die.

“ a-anong date n-ngayon? ” nauutal ngunit pilit na itinutuwid na tono ko. Ganiyan umakto ang isang abo, Ashie Credo is one of my characters so bare with it. Kumbaga siya ang itinuturing kong Queen on my chess pieces.

“ March 13, 2017 ” Inspector Eugenio just look at me and uttered those words.

“ ashie.. He's indeed back ” —angel

“ Inspector, may na-detect na potassium cyanide sa bibig ng biktima. Yun marahil ang kinamatay nito. ” agad akong napalingon sa direksyon ng pulis at ganon din si Lawrece, binalewala ko ang papel na umayos ng tindig.

“ sa bibig lang? I mean wala sa ibang parte ng katawan o sa mga gamit ng biktima? ” tanong ko at nakuha ang atensyon ng isa sa forensic team. Tumango ito at nag salute na sa Inspector senyales na a-alis na to sa harap ni Eugenio.

Nakakunot parin noo ko, pano nang yari yon? Then saan nanggaling yung lason?

----------

Moriarty's PrincessWhere stories live. Discover now