Scrapbook ♥

47 2 0
                                    

"Hoy Hannah! Tagal! Dali! Maggagabi na!!" 

"Oo na! Saglit lang... " 
Asan ka na! Nako, di ka pwede mawala. Di ako makakauwi nito! Shit! Or rather.... 

"Ano ba hinahanap mo, Hanz? Kanina ka pa halukat nang halukat ka diyan ha?" 

"Nako Aliyah! Nakakaiyak! Nawawala siya!!!" 
Pagmaktol ko. Eh kasi, importante yun sakin!!! AS IN IMPORTANTE! Di ako makakatulog, makakapagreview at basta, its like my whole life na rin yun. WAH!!!! 

WALA AKONG INSPIRATION!!!! :(((( 

Wala akong pake kung kami na lang natitira dito. Huhu! Gusto ko mahanap yang scrapbook ko! :(( Iiyak talaga ako pag di ko yan mahanap! 

"Ang alin ba?" 

"Yung... Yung.... Napkin ko" 

"HA?!" 

"Joke lang!!!" 
Sabi ko na natataranta. May gana talaga ako magjoke ano? Natataranta na, nagjojoke pa rin. 

"Ay.. Ano ba nawawala at para matulungan kita diyan... " 

"YUNG SCRAPBOOK NI SETH!!!!!!!" 
Nakita ko naman siya nanglaki ang singkit niyang mata. 

"ANO?!" 

"YUNG SCRAPBOOK NA GAWA KO!!!!! WAAAAAAAH!!!! Paano kung may nakakuha tapos ibigay sa kanya? Nako, ano ano pa naman pinaglalagay ko dun! May fake marriage contract dun!!! May sign ako dun pero siya wala. Paano.. Paano... Ahhhhh!!! I'm Dead!!!!!" 
Bigla ako napaluhod and I cupped my face with both hands. Wah! I'm doomed tomorrow! Sana naman, whoever seen it, wag sana ibigay. Mamatay akong buhay! 

"Nako.. Lagot nga tayo diyan Hannah! Nako naman, sabi ko sayo iwan mo na lang yun sa locker tapos balikan na lang natin eh! Or maybe... " 

"Wala dun! Di ako nangiiwan! Aliyah!!!! I want the floor sucked me! I Dont want to exist anymore!" 
Nagiinarte ako. Eh paano? Yung scrapbook na yun ay hindi lang basta scrapbook. Puro kagagahan ang nilagay ko dun. Medyo diary ko rin yun, diary na pagiinarte ko na kelan ko makikita si Seth of my loves. NAKOOOOOOOOOOO!!! 

Ayaw ko na nga, bahala na si batman bukas. Ang gusto ko lang is yung di..... 

"Tara na ng Ali! Nakakainis! Bahala na si Batman.. " 
Tapos kinuha ko na bag ko. Sigurado talaga ako dala ko yun eh. Araw araw ko yun dala. Pampainspiration. Since, graduating na kami. Para makasama ako. At para maging happy ako araw araw. Di ko siya kaklase eh. Yung tipong mula kabata pictures niya till now. Ganun ako ka-desperate kay John Josseth Alcantara! Opo, crush na crush ko siya since grade 4. 

Nakakainis! Sino ba kumuha nun? Argh! Dont tell me, yung Nathan na yun! Hmmm! Humanda yun sakin bukas! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scrapbook ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon