their story

15 1 0
                                    

Dear mahal kong best :)

Kamusta? Ang tagal na simula ng huli kitang kausapin. Nakakamiss kana. Kahit malayo ka, lagi ka paring laman ng isip ko, miss na miss na talaga kita.

Minsan binabalikan ko ang mga kalokohan nating dalawa sa high school, parang nung nakaraan lang. Mag kasama tayong nagtatawanan at nagkukulitan. Ngayon umalis ka ng biglaan at nang iwan. Pero nauunawaan ko, matatanggap ko din sa pag daan siguro ng mga araw. Pero hayaan mo muna akong kausapin at kwentuhan ka sa pamamagitan nito. Kahit alam kung imposible mu na itong mabasa kasi nga, nasa malayo ka.

Tandang tanda ko pa, nung una tayong magkita. First year high school at first day pa. Pinag tatawanan ka ng mga kapwa natin estudyante kasi ang lampa lampa mo kaya nadapa ka. Imagine, ang tanda mo na pero nadadapa kapa din. Gusto ko din sanang makitawa nun dahil katawa tawa naman talaga ang mukha mo Para kang iiyak na ewan.

Pero imbes na gawin yun, nilapitan kita sabay hawak sa kamay mo para itayo ka. Umaarte ka pa nga nun, akala mo kung sinong maganda eh nene kapa naman noon. Pero ngayon maganda ka talaga, ubod ng ganda. Pero sayang.

Then simula nun, lagi na tayong magkadikit. Naging classmate pa tayo, kaya mas lalong hindi tayo mapag hiwalay.

Dumating ang second year, ganun parin tayo. Pero nadagdagan lang nang mga haters mo, well dahil sakin yun. Oo proud pa ko. Ikaw ba naman ang magkaroon nang gwapong bestfriend na tulad ko. Tiyak marami talagang maiinggit sayo. Madalas kapa ngang mag reklamo sakin dahil lapitin ka ng mga babaeng plastic, yan ang tawag mo sa kanila. Dahil sabi mo kinakaibigan ka lang nila para mapalapit sakin. Kaya sa inis mo, sinabi mong wag ako mag gi girlfriend ... Sinunod naman kita. Dahil wala din naman akong magustuhan sa kanila.

Third year. Prom ang ganda mo, ang gwapo ko naman. Haha! Joke. Pero totoo yun. Ako partner mo, pero lagi kang nakadikit dun sa bago nating kaklase na si Ariel!. Sabi mo pa crush na crush mo s'ya. Eh hindi naman yun gwapo. Pinagtawanan mo pa ko nun, dahil naka simangot ako buong gabi. Pero bumawi ka nung ako ang last dance mo.

4th year. Tanda mo pa ba? Unang araw palang excited kana kasi makikita mo na ulit yung panget na si Ariel, ewan nga bat ba tumagal ang pagkakagusto mo dun?  eh hindi naman talaga gwapo yon.

Then lagi nating pinag kukwentuhan kung saang university tayo mag ka college habang nakiki sleep over ka samin. Tabi tayo natutulog habang inaabot nang madaling araw sa panonood nang mga movie na gustong gusto mo. kahit puro ka dramahan at ilang daang beses na natin pina ulit ulit. Pero hinayaan lang kita. Dahil nakakatuwa ka non tingnan. Yung reaction mo, ay parang laging bago. Na parang hindi mo pa saulo ang buong kwento.

Lagi ka din paulit ulit tungkol sa course na kukunin mo. Gustong gusto mo maging chef. Kahit hindi ka biniyayaan ng talento sa kusina. Mapilit ka parin, kahit ban ka sa mismong kusina nyo. Dahil ayaw kang palapitin ni tita dun, dahil nung huli tayong nandun at sinubukan mong mag luto, muntik mo nang masunog ang bahay nyo, pero sinabi mo na desidido ka talaga, tawa ako ng tawa, kaya naman nakasimangot na hinabol mo ako sa buong bahay nyo.

Nakakamiss talaga. Ikaw kasi eh, nang iwan ka! pwede bang bumalik kana?, putsa!! Pagtatawana mo ko sigurado at aasaring ang bakla ko!! Dahil umiiyak ako pero, ikaw kasi eh...

Kalagitnaan ng 4th yr. Naging kayo ni Ariel. Tinanong kita kung mahal mo talaga. Ang sagot mo? Hindi mo pa sigurado. Hay naku, grabe ang sermon ko sayo nun yung slot sana para sa First boyfriend mu sinayang mo dun sa taong yun. Eh trip mo lang naman sagutin. Diba sinabi ko pa? Yung first kiss mong babae ka e ingatan mo. Pero anong sabi mo? Ninakaw nung Ariel na yun. Natatawa kapa sakin dahil galit ako noon. At tinawag ko pa siyang kawatan. Pero sinabi mong hayaan ko nalang dahil hindi naman sya ang huling hahalik sayo. Na Mas mahalaga ang huli kesa sa nauna.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon