"Obsess"

7 0 0
                                    

DANICCA LOUIE REYES POV:

Sabado ngayon wlang pasok sa school. Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nagiisip Kung anong Gagawin ko para mapasaya si tyrone.

Lakad balik Lang ang peg ko..

Hhhmmm..aahhhh.. "alam ko na! " sabi ko at napapalakpak.

Plano Kung pumunta ngayong araw at pumuntahan ko si tyrone bibili ako ng bulaklak at food para sa kanya. At bukas yayain ko Siya ng date..

Kinuha ko yung laptop ko at nagreasearch Kung anong lulutuin. Nang biglang sumigaw si mama sa ibaba.

"ANAK! BUMABA KA RITO DILIGAN MO YUNG HALAMAN PARA NAMAN MALIBANG KA!! " sigaw ni mama. Hala di ko pweding sabihin sa Kanya ang plano ko magagalit yun gusto niya kasi yung lalake ang manliligaw. At papatunayan ng lalake na Mahal na Mahal niya yung nililigawan niya. Tsk! Si mama kasi gusto niya yung maria clara style at dapat ganun daw ako. Sus!! Sa panahon ngayon Hindi na yan uso, bulok na style na Yun.. tsk!

"Mamaya na Ma!!" sigaw ko sa kanya.

Hindi na sumagot si mama. Medyo matatagalan ako nito gusto ko kasi special yung lulutuin ko at masarap para Kay tyrone ..

*ding dong*

Sumigaw na naman si mama.

"DANICCA!!MAY NAG DOORBELL BUKSAN MO!! DALI!! NALILIGO AKO!!"sigaw ni mama. Haaayyy!! Istorbo bakit ba kasi pinapa day off ni mama yung mga katulong..aaarrrggg.. Masyado kasing mabait sa mga katulong!!

"waiitt!! Lang!! Tatapusin ko muna to!!" sabi ko ayoko sa lahat yung iniistorbo ako..

*ding dong*

Aish!! Bahala ka Dyan mapudpod yung mga daliri mo kakadoorbell.

*ding dong*

*ding dong*

*ding dong*

*ding dong*

"aaaaarrrrggghhhhh!! Kainis!!" sigaw ko at bumaba para buksan yung pinto pagbukas ko.

"Oh ano??" pagtataray ko sa lalake with matching matching taas Kilay.

"Maam magnagpadala po ng sulat Kay Mrs. Reyes kayo po ba yun??" sabi niya anak ng sulat lang Pala tapos iniistorbo niya ko!! Letse!!! Sa sobrang inis ko hinablot ko yung sulat at padabog na sinirado ang pinto. Hinagis ko nalang iyon sa couch. At bumalik sa ginagawa ko.

At nakapili na rin ako ng lulutuin. Oo magluluto marunong naman akong maluto. Kaya bumaba na ako Naabutan ko si mama sa salas naglilinis. Wala kasi yung mga yaya dito May day off sila every saturday and friday kaya si mama naglilinis ngayon. Tumungo na ako sa kusina daladala ang laptop ko.

"oh anak buti naman naisipan mong lumabas"sabi ni mama daladala ang walis.

"aahhh.. magluluto ako" sabi ko. HAyyy.

" abat! Himala yata at bumait ka ngayon pinagluluto mo ko." sabi niya

" ma! Hindi po sa inyo ito Pero magsasalin na rin po ako para pang lunch natin" sabi ko at inikot ko yung Mata.

"Kala ko naman bumait! Oh sya Alis muna ako.Siguro naman kaya muna sarili mo. Teka Kung hindi para sakin yung niluluto mo para saan?" sabi niya

"Saan Naman punta Niyo? Aahhmm.. kay... aahhhmm. Kaibigan ko oo, sa mga kaibigan ko Kila janicca ko to ihahatid."sabi ko pwew muntik nako nun

"aahhh..aahhmm sa mall Lang ako May bibilhin babalik ring ako kaagad" sabi niya build naman naniwala Siya sa sinabi ko Kanina kahit Mali mali yung sinabi ko at pautal utal.

"Ang Girlfriend Kong baliw"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon