epilogue

1.6K 153 298
                                    

Tangina. Hindi to aabot.

Aabot ka, Breanne.

Hindi eh..

AABOT KA KUNG SI JIMIN NGA NAABOT YUNG TUKTOK NG REF IKAW PA KAYA!

Hanggang sa makarating sila sa NAIA 3, halos masira na yung pintuan ng kotse ni Miko nung biglang bukas ni Breanne, pero pinigilan siya agad nito at hinawakan ang kamay niya.

"Breanne.."

"Masaya na ako kung makikita kitang masaya. Kunin mo siya pabalik, ha?" Ngumiti si Miko, at nginitian naman siya pabalik ng babaeng nasa harapan niya ngayon.

Agad siyang humarurot papasok ng airport.

"Miss, ticket po?"

"A-Ay hindi, may ano..may..may.."

"Maymay diba yun yung nanalo sa PBB?" Sabi ni kuya guard.

"HA HA HA HA. Kuya papasukin mo ko please." Pagmamakaawa ni Breanne na parang natatae na ewan at tingin ng tingin sa relos.

2:27.

"Ma'am, hindi po pwede--"

"KUYA NAMAN EH! AALIS NA YUNG TAONG MAHAL KO, PWEDE BA! HINDI KA BA NAGBABASA NG WATTPAD O NANONOOD MAN LANG NG KDRAMA? PIPIGILAN KO SIYA! SIGE NA KUYA!"

"Ma'am, sorry p--"

"NAKIKITA MO TO, HAH?!" Inayos ni Breanne ang buhok niya at pinakita yung noo niya. "Papasukin mo ko dahil ako ang airport! Kung hindi dahil sa'kin wala kang trabaho! Papalayasin kita!"

Nagkamot naman ng ulo si kuya guard. "Sige na nga, Ma'am. Wag mo lang ipakita yang noo mo, nakakasilaw po eh."

"Aba--SALAMAT NA LANG!"

Agad siyang tumakbo paloob. Hanap dito. Hanap doon.

2:59.

"Flight LA615, is ready for departure."

"TANGINA WAG MUNA!" Sigaw ni Breanne na parang loka loka, dahil umiiyak na rin siya at tumatakbo kakahanap.

2:30.

"It's Tender Juicy hotdogs anniversary today, dear travelers! We are giving free hotdog sandwiches to everyone while waiting in line--"

"SHUT UP!" Sigaw ni Breanne habang umiiyak, naalala niya kasi si Namjoon dahil sa Tender Juicy. Hindi naman sa nakita na niya yung hotdog niya o ano, pero yun kasi ang una niyang ginamit na chain message para makausap si Namjoon.

Patuloy pa rin siyang umiiyak. Wala na ba talaga?

Umaasa siyang may biglang yayakap sa kanya sa likod, kagaya ng mga nangyayari sa Wattpad. Nag-antay siya habang nakapikit ang mga mata niya.

Pero wala.

"T-Tangina." Ang tangi niyang nasabi habang napaupo na lang siya sa sahig ng airport habang nakatingin sa TV na nakalagay, 'FlightLA615 - DEPARTURED'.

At sa puntong iyon, sumuko na siya. Kasi ano pang dahilan para umasa?

Ang buhay naman malayong malayo sa kung anong nangyayari sa Wattpad. Walang prince charming na poprotektahan ka sa mga bully mo. Walang fake contract na kunwari girlfriend ka ng pinakagwapong lalaki sa school niyo tapos maiinlove siya sa'yo. Wala kang gwapong bestfriend na mamahalin mo at mamahalin ka pabalik. Wala. Kasi hindi ito Wattpad.

Kaya umuwi si Breanne ng luhaan, walang naiuwing Namjoon, walang naiuwing ngiti, kundi puso lang niyang nabasag at pagod na sa kakatakbo, kakahabol, at kakaasa.

chain message | namjoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon