One Shot Story

4 0 0
                                    

"OUR MEMORABLE BREAK UP"
---WhoIsBlue---

"Malayo na naman ang tingin mo." anang babae nakaputing pumasok sa silid ko at madalas akong pagmasdan.
"Gabi na hindi ka ba pa matutulog?" muli niyang tugon. At nilapitan ako.
"Gusto kong sumigaw, sa tingin mo kaya may makikinig?" kunot noo niya akong tinignan, at sa sandaling nawari niya ang gusto kong sabihin ngumiti siya sakin. Kinuha niya ang silyang nasa tabi ng higaan ko at umupo.
" Hindi mo kailangang isigaw yan, dahil kahit sa pinaka mahinang tinig mo... may isang taong makikinig parin sayo." sa sandaling yun napangiti ako at ibinaling ang mga mata sa labas ng bintanang binabalot ng yelo sa lamig ng gabing yaon. Tinitigan at pinakiramdaman ko ang lamig na dala ng hangin sa labas... Katulad iyon ng gabi ng mangyari ang dahilan kung bakit kausap ko ngayon ang babaeng nasa harapan ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Saan kana?" isang mensaheng galing sa kanya ang natanggap ko ng gabing yun.
Pero hindi ko yun pinansin, ilang minuto pa ang itinagal ko, ilang baso pa ng tequila ang napainom sa akin ng mga astig at bago kong kaibigan. Ilang musika pa ang aking napakinggan sa magulo, maingay at madilim na silid na iyon. Marami pa akong nakasayaw na iba't-ibang klase ng babae sa dance floor. Isang gabi na parang ayaw ko ng magtapos pa. Gabing wala akong ibang naramdaman kundi saya. Sa mga sandaling yun nawala lahat ng problema ko sa buhay, pakiramdam ko wala ako sa tunay kong mundo. Sa mga oras na yun wala akong pakialaam sa iba, basta aang alam ko lang masaya ako at dun kontento na ako. Nang mga sandaling naisipan kong pumunta sa rest room, pinagmasdan ko ang mukha kong nakangiti sa harap ng salamin. Mukhang pansin ang ligayang hindi ko alam kung saan nanggagaling, mga ngiting parang walang problemang dapat solusyonan, maya-maya pa'y naramdaman ko ang nakakakiliting galaw ng telepono ko na dahilan ng pagkaputol ng pagmumuni-muni ko.
"Naghihintay parin ako." ang ngiti at saya sa aking mukha ay napalitan ng lungkot at pagkairita. naisip ko ' oo nga pala, naghihintay siya'. Lumabas ako sa banyong yun at wala sa loob na bumalik ulit sa maingay, at madilim na lugar na iyon . Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko, na may pupuntahan ako saglit. Ngunit bago nila ako pinaalis, binigyan pa nila ako ng panibagong inumin. Sabay lapit at kapit sa akin ng isang nakakaakit na ganda ng babae. Napangiti ako, sa pagkakataon yun hindi ko sila natanggihan.
Lumipas pa ang ilang oras bago ko na isipang umalis sa lugar na iyon. Hindi mo maiwawala sa mga labi ko ang nakakabaliw na ngiti,napakasaya- naisip ko pagkatapos ng gagawin ko babalik ako ulit sa lugar na kung tawagin nila ay bar. Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis. Habang nasa gitna ang daan, di parin mawala sa isip ko ang lugar na yun. Ang mga taong nandoon at nagsasaya. Sa lugar na yun wala kang ibang iisipin kundi ang magsaya at magpakalunod sa alak, babae at musika. Ang lugar na yaon ay nasa ibang planeta, malayo sa mundong binalikan at tinatahak ko ngayon. Malayo siya sa mundong 'to na puno at puro problema, kasawian at panghuhusga. Isang mundong walang ibang binigay sa akin kundi sakit.
Nakarating na din ako sa destinasyon ko.
Dahan-dahan kong pinatigil ang kotse sa kabilang bahagi ng daan. Natanaw ko mula sa loob ng kotse ang babaeng alam kong kanina pang naghihintay sa labas ng nakasiradong pinto ng paborito naming restaurant. Pinagmasdan ko siya mula sa malayo, winawari kung ba't hanggang ngayon nandito parin siya at naghihintay. Hinahanap ang dahilan ng kanyang patuloy na pagkapit sa bagay na alam niyang hindi naman pang habang-buhay. Lumingon siya sa kinaroroonan ko, naaninag ko sa mukha niya ang matinding paghihirap sa nakakapanghinang ginaw dulot ng lamig sa lugar na yun. Ngumiti siya, at pinilit pasiglahin ang mukhang nagtitibay tibayan sa harap ng mga tao. Nagpasya akong bumababa sa kotse, at bago ako makababa nakaramdam ako ng pagkahilo. Ngunit ipinasawalang bahala ko ang bagay na iyon. Tumigil ako sa harap ng pintuan ng kotse ko, at pinagmasdan ko mula sa kabilang bahagi ng kalsada ang babaeng nag-iisa sa malamig, nakakatakot, at nakakabagot na tagpuang yaon. Katulad ng dati wala na naman ako sa sarili ng magsimulang maglakad palapit sa kanya. Tinawid ko ang tahimik at walang sasakyan na kalsada, isang napakadali at walang kahirap-hirap na paglalakbay pero nahihirapan akong puntahan. Pag kalapit ko sa kanya, ibinalot ko sa kanya ang jacket na aking dala. Nagbabasakaling mabawasan niyon ang ginaw na halatang kanina niya pa iniinda.
" Mabuti naman at nakarating ka." nakangiting sagot niya sa akin, sa gitna ng panginginig. Ramdam ko ang saya sa mga ngiti niya pero hindi ko mawari kung bakit hindi rin saya ang nararamdaman ko kundi awa at pagkainis sa isipang nakaya niyang maghintay ng mahabang oras sa lugar na yun ng mag-isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Memorable BreakUpWhere stories live. Discover now