"Hoy! Walanjo! San ka ba pupunta? Eh kararating mo lang dito, alis ka na agad?"
Tanong sakin ng katrabaho kong sa call center na si Dan. Nagkayayaan kasi ang team na magkita kita ngayong Byernes ng gabi sa isang Night Club dito sa Iloilo ayoko sanang sumama kasi ayokong ma out of place sakanila pano ba naman kasi pwede daw sumama ng plus one! Meaning kasama nila lahat mga jowa nila e sinong e sasama ko? Ni chatmate nga wala ako!
"Uwi na ko, busog naman na ko e" sagot ko at pagkuwa'y napakamot ng ulo.
"Karun ka lang bala puli temprano pa gani (Mamaya ka na umuwi ang aga pa oh) tsaka hindi naman to dinner with the team eh! Party with the team to!"
"Dinner with the team daw e kasama naman mga jowa sabihin niyo group date to" pabulong kong sabi.
"Anong sinabi mo? Di ko masyadong marinig" Talagang hindi niya ko maririnig kasi sobrang lakas ng music plus pa yung mga sigawan ng mga taong nalasing na at nag eenjoy.
"Cr lang ako! Balik ako mamaya." Sagot ko sakanya. Tumango naman ito na tila ba narinig naman yung sinabi ko. Kaya umalis na ko at pumunta ng banyo. Medyo mahaba haba ang pila sa banyo, yung iba nagtatawanan, yung iba naman inaalalayan na kasi nasusuka na sa sobrang alak.
Pumasok ako sa isang cubicle para huminga lang naman sana kasi feeling ko na su-suffocate ako sa ganitong lugar kaya lang hindi ko na nagawa kasi pagbukas ko ng pintuan ng cubicle ay nanuntok kaagad ang amoy. Ang panghe! Shuttaaaaaaa...
Nag ayos muna ako bago lumabas ng banyo. Inaayos ko yung bag ko at shorts ng may nabunggo akong lalaki, ay talaga day humampas talaga yung pwet ko sa sahig day. Napa aray ako ng wala sa oras. Magagalit na sana ako nung tumingala ako isang matipuno at gwapong lalaki ang tumambad sa mukha ko.
Mukhang lasing na ata to. Naka luhod ito at nakasandal ang isang kamay sa pader at pilit na minumulat ang nga mata.
"Are you okay Missss? I..I'm so sorry I didn't mean to..*owaaa..aaahHhh"
Guess what?! Sinukahan ako ng lalaking ito sa dibdib! Ni isa walang may pake saaming dalawa pinagtatawanan lang kami ng mga dumadaan. Napamura ako sa isip ko!
AY YUDIPOTA KAG TUNGA GID! (AY PUTANGINA AT KALAHATI!)
"Sir?"
Pilit kong niyuyogyog yung braso ng lalaking to. Pano ba naman yakap yakap ko na siya ngayon habang naliligo kami sa suka niya. Nangagamoy maasim na kaming dalawa napakabigat ng lalaking to! Buti na lang may nakita akong bouncer
"Sir bouncer! Pabulig ko bi danay please. " (Sir bouncer patulong naman po ako please)
Agad naman na lumapit saakin ang bouncer at tinulangang makatayo yung lalaki.
"Maam nobyo mo? Palihog lang ko bayad sang ginsukahan ya maam dul ong ko lang sa sa dalom" (Maam jowa niyo po? Pakibayad na lang po ng sinukahan ni sir sa sahig ihahatid ko lang po siya sa baba
Napapikit ako. Grabe namang perwisyo to! Ako na nga yung nabangga at nasukahan ako pa magbabayad ng suka niya!
"Ay sige ho. Magkano po ba?" Tanong ko aba! 1500 lang cash ko dito. Nangangasim na ko sa sarili ko gusto ko nang umuwi!
"800 po. Diretso na lang po kayo sa concierge"
Agad naman akong dumiretso sa conceirge para mag bayad. Hindi na ko nakipag away pa ni kesyo hindi ko kasalanan blah blah ang gusto ko lang ngayon ay ang makauwi! Kasi pinagtitinginan na ko ng mga tao dito!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
RandomShort Stories Compilation Inspiring Stories, Horror, Romance, Fantasy and Teen Fiction? Enjoy!