Prologue
Bakit ba may mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag? O sadyang hindi mo lang talaga maipaliwanag.
Hindi ka nila maintindihan, lalo pa't himdi nila alam ang tunay na sitwasyon mo.
Hindi ka nila nilalapitan dahil ayaw nila sayo.
Tingin nila, isa kang basura na sumusira sa mundo nila.
Isang daga na peste sa buhay nila.
Mahirap gumalaw sa isang masikip na lugar lalo na't hindi ka makahinga.
Hindi ka makagalaw ng maayos dahil pakiramdam mo iniipit ka nila.
Minsan iniisip ko, sana hindi na lang nangyare sa akin to, sana hindi na lang ako ang napili ng taong yon, at sana hindi na lang ako ang napili niyang paglaruan kasi ng dahil sa kanya sobra na ang sakit na naramdaman ko.
Ako si Allison Rabara,
Nagalit at itinakwil ako ng mga kaibigan ko dahil ang inakala nila, ginusto ko talaga ang nangyare. Na ginusto ko talaga ang sumali sa isang masamang grupo.
At ang grupo na yon ang bumago sa ugali ko, Hindi lang sa ugali ko pati na rin sa itsura at personalidad ko. Binago nila ang pagkatao ko.
Author's note: hi there!! guys thanks po sa pagbabasa! kaya po untitled ang title kase wala pa pong title. pwede po kayo mag suggest. suggest na la ng po kayo based on the title. thanks a lot *wink* please leave a comment kahet wag ng vote!!