Prologue

14 1 0
                                    

Class hour pa pero naka tambay ako ngayon dito sa mga bench ng outdoor court namin.

Si Mr. Cruz kasi ang prof namin sa oras na ito and I just hate his aura. So ayun, this is my nth time to cut classes.

Dito ako madalas tumambay. Pag napapa-aga ako ng pasok,vacant, free cut, break time, at tuwing lunch time.

Paano'y dito din ang madalas na tambayan ng nakakarami. I just love observing people. Gustong-gusto ko tuwing nakakakita ako ng mga tumatawa at nagbibiruan habang sinasabi ng mata nila that they are in pain.

Alam mo 'yun? Yung kahit hirap na hirap ka na, you're still trying your best to at least be okay. Faking your true emotion doesn't mean cowardice.

And I admire those people. I admire their bravery to continue their life despite the hardships.

Sa tuwing nakikita ko sa mga mata nila ang nararamdaman nila, mas pinapalakas nito ang pag katao ko. Knowing that I'm not the only one in pain.

And siguro nag mumukha akong ewan. Kasi minsan bigla bigla na lang akong umiiyak. May mga tao lang talaga kasing sobra-sobra yung bigat ng dinadala at nararamdaman.

Hindi ko alam kung bakit ako ganto. I can also feel their pain. I can see through them. And I want to help them.

Minsan kasi, yung mga taong palagi mong nakikitang tumatawa, naka-ngiti, palabati, madaming kaibigan,sila pa yung mga taong ang lungkot lungkot.

At madalas naloloko tayo ng mga ngiti nila. Madalas mas naniniwala tayo sa pinapakita nila na nakakalimutan na nating tignan kung deep down, okay ba talaga sila.

Gaya na lang nung babaeng yun. Ang lakas lakas maka tawa. Akala mo wala ng bukas. Naluluha-luha pa ito at tuloy ang pakikipag biruan sa mga kaibigan. Pero ang lungkot naman ng mga mata niya.

Yung sa kabila namang mag kaibigan, mukhang sobrang close talaga. Pero nakikita ko dun sa may mahabang buhok ang inggit at inis.

Patuloy ko lang ino-obserbahan ang paligid ng may tumawag sa akin.

Nilingon ito at nakitang nag lalakad ito papalapit sa pwesto ko.

"O,ano yun?" Tanong ko ng naka lapit na siya.

"Bat nandito ka? Class hour mo pa ah?" Ani nito.

"Eh ikaw, bat andito ka din? Oras niyo pa kay Mr. Oliveros ah?" Ganting tanong ko.

Ngumiti lang ito at umupo sa tabi ko. Ako naman ay lumayo ng konti, sobra kasing maka dikit. Kaso napunta din sa wala ang effort kong lumayo, umusog din siya palapit.

"Sorry to disappoint you babe, pero free cut kami ngayon. Wag mo akong itulad sayo na nag cu-cutting" sinabi niya ito na tila isang malaking kasalanan na lumiban ako sa klase ko.

"Alam mo namang ayaw ko kay Mr. Cruz." Buntong hininga ko.

Kinuha nito ang kamay ko at hinawakan. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Nginitian ako nito bago tumingin sa harapan. Inobserbahan ang kaninang tinitignan ko.

Habang ako, hindi maka alis sa ganoong pwesto.

Kinain ng lungkot ang sistema ko. Nagbabadya ang luha sa mga mata ko. Kumikirot ang puso ko at tila kinakapos ako ng hangin.

Saktong pag tulo ng luha ko ay siyang pag lapat ng mga mapupungay na mata niya sa akin.

"Daniel, something is off. Ano yun?"  Tanong ko. Ramdam ko kasing may nag bago tatlong linggo na ang naka lipas.

"What do you mean? Wala naman ah." Kunot noong sagot nito.

Hinawi nito ang takas na buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko.

"Why are you crying?" Malambing na tanong nito bago pinunasan ang mga luha ko.

Iling lang isinagot ko at sinubukang bigyan siya ng ngiti. Kaso alam kong nag mukhang ngiwi lang iyon kaya tumingin na ako sa malayo.

Because in just one single touch, and by just looking in his eyes, I can tell that something is wrong.

How can I accept this? 2 years na kami sa relasyong ito. Sobrang minahal ko na ang lalaking ito sa tabi ko na pinag lalaruan ang mga daliri ko.

He's so close to me but I can't feel him. I need more of him. I want him closer. Kasi yung Daniel ko? Wala na.

He lost his love for me.

At ang sakit sakit. Kasi naiwan nanaman ako.



_________________

Hello! This story will cover up my insights about life and how should we live it. If you're reading this story, thank you. Feel free to comment down your feelings and views about the story.

Twitter page:
https://mobile.twitter.com/Synonymous_dark  or simply @Synonymous_dark

Miserable Empath Where stories live. Discover now